P9.2-B NEW PASIG CITY HALL PROJECT DEAL NILAGDAAN NA

NILAGDAAN na ang kontrata ng kontrobersyal na P9.2-B new city hall project ng Pasig, na ayon kay Mayor Vico Sotto ay ang “pinakamalaking proyektong pang-imprastraktura sa kasaysayan ng Lungsod Pasig.” Ang nasabing kontrata ay nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at tatlong kompanya na bumubuo sa construction consortium sa isinagawang seremonya sa temporary city hall sa Brgy. Rosario kahapon, Enero 13, 2025. Nanalo sa bidding ang Sta. Clara International Corporation, Bandar Hebat Builders Inc., at Philjaya Property Management Corporation upang itayo ang bagong city hall. Bago nito, sinabi ni…

Read More

BILANG NG GUN BAN VIOLATORS LUMOBO

DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdami ng mga lumabag sa pagsisimula ng gun ban. Hatinggabi ng Enero 12, 2025 nagsimula ang gun ban na tatagal hanggang Hunyo ngunit sa kasalukuyan ay mayroon nang 80 ang nahuling violator sa buong bansa. Kinumpirma naman ng Comelec na may 1,131 personalidad ang pinagkalooban ng pahintulot na makapagdala ng kanilang mga baril sa panahon ng eleksyon. Ayon sa Comelec – Gun Ban and Security Concerns Committee ang naturang mga indibidwal ay naisyuhan nila ng certificates of exemption sa election gun ban. Kaugnay…

Read More

Sa pag-arangkada ng EDSA rehab WORK FROM HOME MULING PAIRALIN

NAPAPANAHONG ipatupad ang Republic Act No. 11165 o ang Telecommuting Act na nagmamandato ng alternative work setup upang mabawasan ang hirap ng mga empleyado sa pagko-commute kasabay ng pagpapalakas ng kanilang productivity. Ito ang iginiit ng pangunahing author ng batas na si Senador Joel Villanueva sa gitna ng inaasahang paglala ng traffic congestion dahil sa pagsasaayos ng EDSA ngayong taon. Ang pahayag ng Chairperson ng Senate committee on labor ay kasunod ng pangako ng Marcos administration na isusulong ang alternative work arrangements upang makamit ang employment targets sa ilalim ng…

Read More

70 GRAMO NG SHABU, HULI SA HVI SA RIZAL

RIZAL – Nasabat ng mga tauhan ng Cainta Police ang tinatayang 70 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay San Juan, sa bayan ng Cainta noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, naaresto ang suspek na si alyas “Marvin,” 42, residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, kabilang sa high value individuals (HVIs) sa drug watchlist ng Cainta MPS. Napag-alaman, sa isinagawang operasyon bandang alas-4:25 ng madaling araw, nakuha mula sa suspek ang 13 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na…

Read More

PANANATILI NG CHINESE MONSTER SHIP ILEGAL – NSC

ITINURING ng National Security Council na ilegal ang pananatili ng Chinese monster ship sa Capones Island sa Zambales. Kasabay nito, nanindigan ang NSC na walang karapatan ang Chinese Coast Guard (CCG) na manatili sa bisinidad ng Zambales gamit ang kanilang barko. Sa isang press conference kaugnay sa sitwasyon sa mga katubigan ng Pilipinas, sinabi ni Assistant Director General at National Security Council spokesperson Jonathan Malaya, walang awtoridad ang barko ng Tsina na manatili at magsagawa kanilang paglalayag sa Capones Island, Zambales. Ayon sa opisyal, ilegal at malinaw itong paglabag sa…

Read More

P1.3-M BATO NASAMSAM SA HVI SA LAGUNA

LAGUNA – Nasamsam ng mga tauhan ng Siniloan Police ang tinatayang P1,360,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Wawa, sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Marvin,” 41, kabilang sa listahan ng mga high value individual (HVI) sa drug watchlist ng Siniloan Police. Naaresto ang suspek matapos nitong magbenta ng isang sachet ng shabu sa halagang P500, sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer. Ayon sa ulat, nakuha mula sa suspek ang limang plastic sachet at…

Read More

POLITIKONG MAIINGAY SA ‘IMPEACH SARA’ URONG-SULONG NA?

(CHRISTIAN DALE) NAGDADALAWANG-ISIP na ang mga politiko na suportahan ang impeachment laban kay Vice-Presidente Sara Duterte. “Totoo naman na medyo nagdadalawang-isip ang mga politiko na suportahan ang pagpapanagot kay Vice President Duterte,” pag-amin ni Teddy Casino, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan at isa sa nagpahayag ng pagsuporta sa impeachment. Sinabi ni Casiño na hindi ito ang unang pagkakataon na ang impeachable official ay nagkaroon ng malaking rally para pigilan ang impeachment, tinukoy ang kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada, sabay sabing “it did not stop the House from doing its…

Read More

MOTO-TAXI RIDERS UMAASANG MAIPAPASA PENDING MC TAXI LAW

NAGPROTESTA ang mga miyembro ng Motorcycle Taxi Community Philippines sa harapan ng Senado sa lungsod ng Pasay kasabay ng pagdinig hinggil sa pagsasalegal ng motorcycle taxi upang masolusyunan ang problema sa trapiko sa bansa. (DANNY BACOLOD) DAAN-DAANG miyembro ng Motorcycle Taxi Community Philippines (MTCP), isang grupo ng mga motorcycle taxi riders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang nagtipon sa labas ng Senado nitong Martes upang himukin ang mga mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng matagal nang hinihintay na batas para sa mga motorcycle taxi sa Pilipinas. Ayon kay…

Read More

BIR NAKAMIT COLLECTION TARGET PARA SA 2024

NAKAMIT ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang makasaysayang tagumpay sa pamamagitan ng pag-abot sa target ng Emerging Goal para sa 2024 na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na halagang Php2.848 trillion. “Sa loob ng mahigit 20 taon, ang BIR ay nagsikap nang husto upang maabot ang collection target ng DBCC. Ngayong 2024 nagbunga ng sipag at pagsisikap ng bawat isa sa aming mga kawani. Mabuhay po kayong lahat!” pahayag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. kamakailan. Bagama’t pinoproseso pa ang pinal na resulta, kinumpirma ng…

Read More