NADAKIP sa Quezon City ang 24-anyos na lalaking nasa listahan ng Eastern Police District (EPD) bilang no.4 most wanted person sa ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng San Juan City Police Station. Kinilala ni PCol. Villamor Tullao, hepe ng EPD, ang suspek na si “Anthony”, dati nang nasangkot at lumabag umano sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. Ayon pa sa ulat, mahigit isang taon nang pinaghahanap ang suspek dahil bigo itong magpakita at iharap ang sarili sa kinasangkutang kaso…
Read MoreMonth: January 2025
DRUG COURIER NABINGWIT SA CHECKPOINT
NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Bambang Police Community Precinct (PCP), sakop ng Police Station 2, ang isang hinihinalang drug courier, sa inilatag na checkpoint sa Bambang St., Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Moises” 37-anyos, residente ng Tondo, Manila, nagmamaneho ng motorsiklo nang makumpiskahan ng 20 gramo ng umano’y shabu at isang baril. Ayon sa ulat nina Police Staff Sergeant Danielle Johnson at Patrolman Mark Christian Santos, habang nagpapatupad ng Comelec checkpoint ang pulisya bandang alas-10:50 ng gabi noong Sabado nang mamataan nila ang isang motorsiklong…
Read MoreARTISTS, INFLUENCERS NI ROBREDO TODO-SUPORTA KAY BAM AQUINO
NAGSAMA-SAMA ang iba’t ibang artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022 para magpahayag ng buong suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating senador Bam Aquino para sa Senado sa darating na halalan sa Mayo. Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja. Dumalo rin sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs,…
Read MoreANGKASANGGA PARTYLIST PATOK SA KABATAAN, BREADWINNERS
PATOK sa mga kabataan at breadwinners ang Angkasangga Partylist, na kabilang sa Top 20 Partylist sa survey ng Centre for Student Initiatives (CSI) noong Disyembre. Mula sa pang-30 pwesto noong Oktubre, umakyat sa 20th spot ang Angkasangga, na pinangungunahan ng First Nominee nito na si Angkas CEO George Royeca. Ang survey ay ginawa mula Nov. 15 hanggang Dec. 6 na nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18 hanggang 25 anyos. Kabilang sa adbokasiya ng Angkasangga Partylist ang pagsusulong ng kapakanan ng breadwinners at mga manggagawa sa impormal na sektor. Kabilang…
Read MoreNASUNUGAN SA SAMPALOC TINULUNGAN
NAGHATID ng tulong sina Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist 1st nominee ABP President Jose Antonio Ejercito Goitia at ABP Vice President Leninsky Bacud sa mga nasunugan sa Barangay 458 Sulucan St., Sampaloc, Manila. Ilang bumbero rin ng nasabing partylist ang unang rumesponde sa sunog at may mga volunteer din silang nadamay o natupok ang bahay. (BONG SON) 287
Read More41 PA SABIT SA GRAND CONSPIRACIES: TASK FORCE 29 BINUO VS SUSPEK SA P6.7-B DRUG HAUL
(JESSE KABEL RUIZ) BUMUO ng Task Force 29 ang Philippine National Police kung saan target makuha ang lahat ng 29 pulis at kasuhan sa pagkakasangkot sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinatag ng PNP ang Task Force (TF) 29 para sa paghuli sa 29 pulis na dawit sa sinasabing humigit kumulang sa isang toneladang shabu . “May task force na si Gen. (Rommel Francisco) Marbil para makuha lahat ng mga accused, lahat (ng) may warrant of arrest. Sabi niya within…
Read MorePBBM, ROMUALDEZ PINANGUNAHAN TURNOVER NG YOLANDA HOUSING
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin G. Romualdez ang ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) projects sa Leyte, isang patunay sa pagnanais ng gobyerno na muling maitayo ang mga komunidad na winasak ng super typhoon Yolanda, 11 taon na ang nakararaan. Kasama sa event na ginanap sa Burauen, Leyte ang turnover ng symbolic keys sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa walong munisipalidad sa Leyte, Samar, at Biliran kung nasaan ang mga housing project. Ang mga proyektong ito ay bahagi ng inisyatiba…
Read MoreLABANAN SA PAGKA-ALKALDE SA MAYNILA, GITGITAN – SURVEY
INILABAS ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, ang pinakabagong resulta ng kanilang independent at non-commissioned survey ukol sa mayoral race sa Maynila. Habang papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa pUlitika ng lungsod, na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato: dating Mayor Isko Moreno, kasalukuyang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza. Ang resulta ng survey ay nagpapakita ng masiglang kompetisyon para sa pamumuno sa kabisera ng bansa. Nangunguna si dating Mayor Isko Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng…
Read MoreCHILD SUPPORT BILL LUSOT NA SA KOMITE – CONG. ERWIN TULFO
NAGPASALAMAT si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa committee on children welfare matapos lumusot ang isinusulong na batas sa naturang komite para patawan ng mas mabigat na parusang kulong ang mga magulang o tatay na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak. Nasa Committee on Appropriations na ang House Bill 8987 o ang “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof” para pag-aralan kung magkanong pondo ang kakailanganin para makapagtatag ng isang opisina sa DSWD na mangangasiwa sa implementasyon ng batas. “Kailangang-kailangan…
Read More