41 PA SABIT SA GRAND CONSPIRACIES: TASK FORCE 29 BINUO VS SUSPEK SA P6.7-B DRUG HAUL

(JESSE KABEL RUIZ)

BUMUO ng Task Force 29 ang Philippine National Police kung saan target makuha ang lahat ng 29 pulis at kasuhan sa pagkakasangkot sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinatag ng PNP ang Task Force (TF) 29 para sa paghuli sa 29 pulis na dawit sa sinasabing humigit kumulang sa isang toneladang shabu .

“May task force na si Gen. (Rommel Francisco) Marbil para makuha lahat ng mga accused, lahat (ng) may warrant of arrest. Sabi niya within this week makukuha niya lahat,” ani Remulla.

Kaugnay nito ay pinapurihan ni SILG Remula ang pamumuno ni Gen Marbil sa sa kanilang mga accomplishments sa anti-illegal drugs campaign.

“Marami silang accomplishment, marami silang nahuhuli except iba lang ang mentality (ng publiko) ngayon dahil walang namamatay, nasanay silang may namamatay eh kaya they feel safer kung may namamatay eh, when in fact it is more dangerous kasi kahit inosente pinapatay noon eh. Ngayon ang kinukuha talaga ay mga guilty lang, sinisigurado sila,” paliwanag ng Interior Secretary.

Nabatid pa sa kalihim na nitong nakaraang linggo ay may 41 pang pulis ang ipinagharap ng kasong administratibo kaugnay din sa nasabing drug incident.

Pahayag pa ng DILG Chief, nakatakdang maghain ng mga bagong kaso ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa naganap na sabwatan (collusion and conspiracy) laban sa mga isinasangkot na PNP personnel na non-bailable offenses.

Tiniyak pa ni Sec Remulla na tutugisin nila ang mga tiwaling pulis na dumudungis sa magandang imahe ng nakararaming miyembro ng 225,000 miyembro ng police force sa bansa.

44

Related posts

Leave a Comment