Para di magamit sa vote buying AYUDA PINATITIGIL SA ELECTION PERIOD

KASABAY ng pagsisimula ng election period bukas, Pebrero 11, umapela ang isang grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Commission on Elections (Comelec) na ipatigil muna ang pagbibigay ng ayuda. Ginawa ng Makabayan bloc sa Kamara ang panawagan matapos ilunsad ng Comelec ang “Kontra Bigay Committee” laban sa mga politikong mamimili ng boto ngayong midterm election.. Ayon sa nasabing grupo, malaking tulong sa kampanya laban sa vote buying kung ipagbawal ng Comelec ang kontrobersyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mula bukas hanggang sa matapos ang halalan sa…

Read More

NTF-ELCAC sa Kamara KASO NG LUMAD VS REP. CASTRO AKSYUNAN

(JOEL O. AMONGO) NANAWAGAN ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa House committee on ethics and privileges ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na aksyunan ang reklamong isinampa ng mga katutubong Lumad laban kay ACT Party-list Representative France Castro. Ang kaso ay isinampa noong December 2024. Inihayag din ng NTF-ELCAC ang paghanga nito sa katapangan ng mga katutubong Aeta-Manobo Tribal Council of Elders at Leaders of the Talaingod Indigenous Political Structure (IPS) sa paghahanap ng hustisya at pananagutan. Ipinakikita anila ng mga katutubo ang paninindigan nito…

Read More

CALAPEÑOS SUPORTADO ADBOKASIYA NG AKO-OFW PARTY-LIST

MAINIT na pagtanggap at suporta ang sumalubong sa AKO-OFW Party-list sa isang araw nitong pagbisita sa Calapan, Mindoro. Sa kabila ng matinding pag-ulan, hindi ininda ng Calapeños ang sama ng panahon. Anila, lubos silang natutuwa sa adbokasiya at mga nasimulang programa ng AKO-OFW Party-list. Bukod kasi na halos sa mga ito ay may mga pamilyang OFW, ang ilan sa kanila ay naging Pinoy workers din. Hiling nila na sana’y maisakatuparan ang adbokasiya ng AKO—OFW dahil na rin sa sunod-sunod kaso at kalunos-lunos na sinapit ng ating mga kababayan. Kasunod nito,…

Read More

PBBM, PRESENT SA SORTIES NG ALYANSA SENATORIAL SLATE

INILATAG ni Alyansa ng Bagong Pilipinas campaign manager at spokesperson ang plano nilang kampanya para sa administration senatorial bets. Sinabi ni Tiangco na mayroon silang 21 sorties sa loob ng tatlong buwang kampanya na dadaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Alyansa na upang hindi mahirapan ang punong ehekutibo sa mga aktibidad, inalam nila ang events ng Pangulo upang doon na rin ganapin ang mga campaign rally. Sa unang linggo ng kampanya, magsasagawa ng kickoff rally ang Alyansa sa Laoag, Ilocos Norte; sa Iloilo; sa…

Read More

CHINESE SOCMED WARRIORS NAGPAPAKALAT NG ANTI-PBBM, PRO VP SARA CONTENT

LUMUTANG ang isang network ng Chinese-linked social media accounts na aktibo umanong nagpapakalat ng paninira kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at papuri naman kay Vice President Sara Duterte. Sa pagdinig ng Tri Comm noong Martes, inilahad ni Niceforo Balbedina II, ng PressOnePH ang mga impormasyon kaugnay ng operasyon ng Foreign Influence Operations (FIO) at Foreign Information Manipulation and Interference (FIMI) sa Pilipinas. Sinabi niya na ang Chinese state media ay masigasig na nagkakalat ng mga mapanlinlang na kwento tungkol sa gulo sa West Philippine Sea at kasabay nitong…

Read More

CONG TULFO: PONDO SA PANG-NEGOSYO NG MGA WALANG KITA, PALAWIGIN PA

DAPAT palawigin pa ang pondo na ipinamimigay ng pamahalaan sa mga walang hanapbuhay o trabaho sa bansa. Ito ang ipapanukala ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo. Ayon kay Cong. Tulfo, “may ipinamimigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P15,000 na kapital sa bawat pamilya na mula sa mahirap na komunidad, na walang kinikita para magkaroon ng hanapbuhay.” “Pero kailangan muna nilang sumailalim sa training sa pagnenegosyo para hindi naman masayang ang kapital at…

Read More

REKLAMO SA 2025 BUDGET DIVERSIONARY TACTIC SA SARA IMPEACHMENT

DIVERSIONARY tactic ang tingin ng mga kongresista sa plano ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte na maghain ng reklamo laban sa mga lider ng Kamara de Representantes kaugnay ng 2025 national budget. Ayon kina Deputy Majority Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang planong paghahain ng reklamo kina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at dating pinuno ng Appropriations panel na si Zaldy Co kaugnay ng alegasyon ng budget insertions sa 2025 national budget ay isa lamang pamumulitika…

Read More

TINGOG PARTYLIST SUMMIT 2025: PANIBAGONG PANATA SA PAGLILINGKOD AT PAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN SA MGA PILIPINO

MAHIGIT 500 partners at volunteers mula sa iba’t ibang Tingog Centers sa buong bansa ang nagtipon sa Tingog Summit 2025 noong Pebrero 6, 2025, sa Leyte Academic Center sa Campetic, Palo, Leyte upang muling pagtibayin ang misyon ng Tingog Partylist. Sa ikalawang yugto ng Tingog Summit, kinilala ang kontribusyon ng mga kawani at boluntaryo at binigyang-diin ang mga nagawa ng partido. Ang pagtitipon ay hindi lamang isang pagdiriwang ng paglalakbay nito, kundi isang panibagong panata na ipagpatuloy ang paglilingkod at pagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino saan mang sulok ng bansa.…

Read More

BOSES NG TAUMBAYAN: HALOS 80% MIYEMBRO NG KAMARA PABOR SA SARA IMPEACHMENT

NAGPAPAKITA ng napakalakas at malinaw na mandato mula sa taumbayan ang paglagda ng 215 kongresista, na nadagdagan pa ng 25, sa impeachment complaint ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Surigao Del. Norte 2nd District Congressman Robert ‘Ace’ Barbers. “Halos 80 porsyento ng Kamara ang pumirma sa impeachment, higit sa 3/4 ng buong Malaking Kapulungan ang nagsabing dapat itong ituloy. Higit sa kinakailangang 1/3 para agad itong maisumite sa Senado,” saad pa ni Barbers. Aniya, ito ay hindi lamang mayorya, kundi isang super majority—o higit pa sa requirement ng Konstitusyon…

Read More