P1.4-B LUXURY CARS NADISKUBRE SA PASAY, PARAÑAQUE

TINATAYANG mahigit P1.4 bilyong halaga ng imported luxury cars ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Custom sa Pasay City at Parañaque City. Kabilang sa nakitang imported luxury vehicles ang mamahaling Ferrari, Lamborghini, Maybach, at Maserati sa sinalakay na bodega sa Pasay City at Parañaque City ng mga tauhan ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) noong Huwebes. Ayon sa pananaliksik ng BOC-CIIS, natiktikan nila ang umano’y smuggled luxury vehicles na ibinebenta online, ayon sa mga impormasyong nakalap mula sa kanilang sources kaya agad na naglatag ng confirmation…

Read More

2 GINANG TIMBOG SA PEKENG DOKUMENTO SA SANGLA NG LUPA

CAVITE – Arestado sa isinagawang entrapment operation ang dalawang babae dahil sa pekeng dokumento sa isinasanlang lupa sa isang contractor sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 ng RPC (Swidling) at Article 172 (Falsification of Public Documents) ang naarestong mga suspek sa sina alyas “Dyana”, 56, at “Desire”, 38, dahil sa reklamo ni alyas “Gerry,” 50, contractor. Ayon sa biktima, nagduda siya sa mga dokumento ng mga suspek matapos siyang alukin hinggil sa lupa na gustong isanla sa Brgy. Burol Main Dasmariñas City…

Read More

JEEPNEY DRIVER UTAS SA TARAK NG KAALITAN

LAGUNA – Patay ang isang jeepney driver matapos tarakan ng jungle bolo ng isang binata habang nasa isang sugalan sa Barangay Sta. Isabel, San Pablo City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Ronaldo Magnaye Salvania, 47, residente ng Barangay Concepcion. Ayon sa ulat ng San Pablo City Police Station, nasa sugalan ang biktima nang bigla na lamang siyang inundayan ng saksak ng 23-anyos na suspek na si “Cesarick”, isang construction worker, residente ng nasabi ring barnagay. Matapos ang krimen, agad na tumakas ang suspek patungo sa madilim na…

Read More

MOTORCADE SA ARAW NG MGA PUSO PINAARANGKADA NI LAPID

NAG-CELEBRATE si Reelectionist Senator Lito Lapid ng Valentine’s Day kasama ang mga Ilonggo sa pamamagitan ng motorcade sa palengke ng Iloilo City, na kilala bilang “City of Love”nitong February, 14. Mainit ang pag-welcome ng mga Ilonggo kay Lapid sa motorcade sa Iloilo City. Matapos ang motorcade, bumisita naman si Lapid sa munisipyo ng Sta. Barbara at Leganes, kung saan nakapulong ng Senador sina Mayor Dennis Superficial at Vicente Jaen II. Nag-dasal naman si Lapid sa Shrine of St. Vicente Ferrer sa Leganes, Iloilo. Matapos ito, lumipad na ang Team Lapid…

Read More

FOOD SECURITY AT PAGPAPABABA NG INFLATION, TUTUGUNAN NG SENATORIAL BETS NI PBBM

ILOILO CITY —-FOOD security at pagpapaba sa food inflation ang target ng administration senatorial bets na maisulong para sa bansa. Sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na pangunahin niyang pag-aaralang maisulong ay kung paano ma-institutionalize ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng legislation. Layun anya nito na makontrol at inflation at matanggal ang napakaraming middlemen kung saan dapat din anyang mag-intervene ang mga lokal na pamahalaan at sila na mismo ang bumili ng produkto ng Mga lokal na magsasaka. Ganito rin ang pananaw ni dating Senate President Vicente Sotto III kasabay…

Read More

COMELEC NAG-ABISO HINGGIL SA ABSENTEE VOTING

INABISUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 elections. Sinabi ng Comelec na lahat ng government officials at empleyado kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at media practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang naka-assign para gampanan ang kanilang election duties o para ikober ang pagsasagawa ng halalan, ay maaring ma-avail ang local absentee voting para sa botohan ngayong taon. Ang government officials…

Read More

9-ANYOS TOTOY MALUBA SA RESBAK SA AWAY-BATA

NASA malubhang kalagayan ang 9-anyos na batang lalaki matapos barilin ng isa sa tatlong suspek bilang ganti sa ginawa umanong pagbugbog ng biktima sa kapwa bata sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Angelo”, residente ng Market 3, Brgy. NBBN, matapos isailalim sa operasyon sa tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likod. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Navotas City Police Station ang hinihinalang gunman na si alyas “Aljhun”, 31, ng Brgy. NBBS Proper, habang hinahanap pa ang dalawa…

Read More

3 OBRERO ARESTADO SA RAPE SA ESTUDYANTE

ARESTADO na ang tatlong construction workers na sangkot sa panggagahasa sa isang estudyante sa Pasig City, sa operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Intelligence Section kasama ang RIU-NCR, NISG-NCR, RMFB4A 404th A Maneuver Company at iba pang unit. Ayon sa report na tinanggap ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kusang isinuko sa mga awtoridad ng mga kamag-anak ang mga suspek noong Pebrero 13, 2025, dakong alas-12:50 ng hapon napagkasunduang lugar sa P. Gomez Street, Brgy. San Jose, Pasig City. Kinilala ang mga…

Read More

GRAB RIDER INARESTO SA ATTEMPTED HOMICIDE

INARESTO ng mga operatiba ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang isang 47-anyos na Grab driver sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si “Rolando” residente ng Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Donald Panaligan, hepe ng Theft and Robbery Section, kay Police Lieutenant Damaso Burgos, OIC ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), bandang alas-5:55 ng hapon nang matunton ang suspek sa Herbosa Street sa Tondo. Inaresto ang…

Read More