P1.4-B LUXURY CARS NADISKUBRE SA PASAY, PARAÑAQUE

TINATAYANG mahigit P1.4 bilyong halaga ng imported luxury cars ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Custom sa Pasay City at Parañaque City.

Kabilang sa nakitang imported luxury vehicles ang mamahaling Ferrari, Lamborghini, Maybach, at Maserati sa sinalakay na bodega sa Pasay City at Parañaque City ng mga tauhan ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) noong Huwebes.

Ayon sa pananaliksik ng BOC-CIIS, natiktikan nila ang umano’y smuggled luxury vehicles na ibinebenta online, ayon sa mga impormasyong nakalap mula sa kanilang sources kaya agad na naglatag ng confirmation and validation ang kanilang mga ahente.

Tinukoy ng Aduana ang sellers ng hinihinalang puslit na imported luxury caras na AC Che Gong Miao sa Pasay City, at TopCar Specialist and Trading Corp. sa Parañaque City.

“This operation signals a new approach in the BOC’s operational strategies in going after smugglers and ensuring collection of rightful revenues due the government. It sends a message to all importers who think they’re already safe after their products have entered Philippine territory thru illegal forms and means.”

“We want them to know that we have eyes everywhere. We are not stopping, and we are not slowing down. We’re always one step ahead of them,” babala ni BOC Commissioner Bien Rubio.

Kinumpirma ni CIIS Director Verne Enciso na nasa loob ng mga warehouse ang mga kotse nang sumalakay ang mga tauhan ng BOC-CIIS sa AC Che Gong Miao at TopCar Specialist and Trading Inc. at isilbi ang hawak nilang Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs) sa mga kinatawan ng kumpanya.

“When we received the tip about these vehicles early this month, we immediately verified the information and processed the issuance of the appropriate orders to conduct the operation,” ani Director Enciso.

Ayon kay Director Enciso, ilan sa mga sikat na brand ng kotse na nakita sa loob ng AC Che Gong Miao sa Pasay City ay ilang unit ng Ferrari LaFerrari, Lamborghini McLaren, Maserati, Rolls Royce, Mercedez Benz, Maybach, Range Rover, Bentley, Alphard, at Jeep Wrangler.

Habang sa TopCar Specialist and Trading Inc. sa Parañaque City, ay nadiskubre naman ang Rolls-Royce Cullinan, Ferrari SF90 Stradale at Mansory, Mercedes-Benz V-Class, Maybach, at BMW.

Pahayag ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax, “If found without proper documents, they will face charges in violation of Sections 1400, 1401 in relation to Section 1113 of Republic Act 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Tinitiyak ng BOC na mananatili silang nakaalerto sa lahat ng uri ng smuggling activities habang tumutupad sila sa kanilang mandato ng naaayon sa “Bagong Pilipinas” campaign ni President Ferdinand Marcos Jr. (JESSE KABEL RUIZ)

28

Related posts

Leave a Comment