2 GINANG TIMBOG SA PEKENG DOKUMENTO SA SANGLA NG LUPA

CAVITE – Arestado sa isinagawang entrapment operation ang dalawang babae dahil sa pekeng dokumento sa isinasanlang lupa sa isang contractor sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 ng RPC (Swidling) at Article 172 (Falsification of Public Documents) ang naarestong mga suspek sa sina alyas “Dyana”, 56, at “Desire”, 38, dahil sa reklamo ni alyas “Gerry,” 50, contractor.

Ayon sa biktima, nagduda siya sa mga dokumento ng mga suspek matapos siyang alukin hinggil sa lupa na gustong isanla sa Brgy. Burol Main Dasmariñas City dahilan upang humingi ito ng tulong sa pulisya.

Bandang alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at narekober sa kanila ang isang postdated check na nagkakahalaga ng P150,000, pekeng Transfer Certificate of Title at notarized Kasunduan ng Sanla Kolekta. (SIGFRED ADSUARA)

48

Related posts

Leave a Comment