POSIBLENG taktika umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio na isama sa kanyang legal team ang kanyang dating spokesperson na si Atty. Michael Poa para hindi ito magamit ng prosecution team na tumestigo laban sa kanya. Sa press conference kahapon, hindi na ikinagulat nina House Assistant Majority Leader Jude Acidre at Taguig representative Amparo Maria Zamora na kasama na sa legal team ni VP Duterte si Poa dahil matagal na rin umanong kasama ito ng pangalawang pangulo. “Its not new to us. Alam naman natin na si Atty. Mike…
Read MoreDay: March 5, 2025
TRABAHO PARTY-LIST KAISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL WOMEN’S MONTH
SA paggunita ng National Women’s Month ngayong Marso, muling pinagtitibay ng TRABAHO Party-list ang kanilang pangako na ipaglaban ang karapatan at kapangyarihan ng kababaihan sa loob at labas ng lugar ng trabaho. Kasabay ng pagbibigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan sa iba’t ibang sektor, nangako ang partylist na isusulong ang mga patakarang nagtataguyod ng pantay na oportunidad at gender inclusivity sa larangan ng trabaho. Sa tema ngayong taon na “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” kinikilala ng TRABAHO Partylist ang hindi matatawarang kontribusyon ng kababaihan…
Read MoreMAGSASAMANTALA SA MGA MAGSASAKA DAKPIN – SOLON
HINAMON ng isang lider ng Kamara ang Department of Agriculture (DA) na ngayon pa lamang ay kumilos na at bantayan ang mga magsasamantala sa mga magsasaka sa pagpasok ng harvest season. “Malinaw ang batas—hindi natin papayagan ang pananamantala sa (ating) mga magsasaka at konsyumer,” paalala ni House committee on agriculture chairman Mark Enverga ng Unang Distrito ng Quezon, na kabilang sa mga miyembro ng Quinta Committee na nag-iimbestiga sa mataas na presyo ng mga bilihin, partikular na ang bigas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag na ito dahil ngayong Marso hanggang…
Read MoreREP. ERWIN TULFO NAGPASALAMAT SA PAGKA-DISMISS NG DQ SA KANYANG KANDIDATURA SA PAGKA-SENADOR
Taos-puso namang nagpasalamat si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa Poong Maykapal at sa 1st Division ng Comelec makaraang ibasura ang petisyon laban kanyang kandidatura sa Senatorial race sa darating na Mayo. Ang pagkakadismis ng kaso kay Cong. Tulfo dahil sa hindi pagsunod ng petitioner sa mga kinakailangang rekisito ng Comelec ay patunay ng integridad ng ating halalan at ng kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso. Sa isang pahinang opisyal na pahayag ni Tulfo, sinabi nito na buo ang kanyang tiwala at naninindigan sa kalayaan at pagiging patas ng Comelec.…
Read MorePAGPAPABABA SA PRESYO NG BIGAS, IBA PANG AGRI PRODUCTS ISUSULONG NG ATEACHERS PARTY-LIST
NANGAKO si ATeacher Party-list nominee Virginia Rodriguez na magsusulong ng mga inisyatiba para mapabuti pa ang edukasyon at mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kabilang ang bigas at iba pang agricultural products. Ayon kay Rodriguez, bahagi ng mga programa ng ATeachers Party-list ang paghihikayat na gumamit ng organic fertilizers at pagpapatupad ng modern agricultural techniques. Si Rodriguez, author ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay eksperto sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod na rin ng kanyang kaalaman sa agricultural output ng bansa. Siya ay negosyante at philanthropist,…
Read MoreEDUKASYON, KALUSUGAN NG KATUTUBO ISUSULONG NG PINOY AKO PARTY-LIST
SINIGURO ng Pinoy Ako Party-list na kanilang isusulong ang karapatan ng mga Indigenous People. Ayon sa Pinoy Ako Party-list, mayorya ng mga naninirahan sa Cordillera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon. May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipaglaban ang kanilang karapatan dahil sa hamon sa mga buhay partikular ang kahirapan. Layunin ng Pinoy Ako Party-list na magkaroon ng P600 million na pondo para sa mga proyektong isusulong sa Pampanga upang matulungan ang Indigenous peoples sa…
Read MoreSMUGGLING NG P202-M MACKEREL PASOK SA ECONOMIC SABOTAGE – BRIONES
NANINIWALA si Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) party-list Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones na pasok sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ang ilegal na pagpasok ng 19 forty-foot container na frozen mackerel. Ang kontrabando na may halagang 202 million ay misdeclared bilang frozen fried taro na naka-hold simula pa noong Enero 20, 2025. “Dapat ang enforcement group ng Economic Sabotage council tulad ng NBI, PNP at Coast Guard ang manguna sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga nahuling kargamento para magkaalaman na,” wika ni Briones. Ang Anti-Agricultural Economic Sabotage…
Read More