SINIGURO ng Pinoy Ako Party-list na kanilang isusulong ang karapatan ng mga Indigenous People.
Ayon sa Pinoy Ako Party-list, mayorya ng mga naninirahan sa Cordillera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon.
May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipaglaban ang kanilang karapatan dahil sa hamon sa mga buhay partikular ang kahirapan.
Layunin ng Pinoy Ako Party-list na magkaroon ng P600 million na pondo para sa mga proyektong isusulong sa Pampanga upang matulungan ang Indigenous peoples sa kanilang ancestral domain na tinatayang may lawak na 6,800 hectares.
Nakapagsagawa rin ang naturang party-list group ng medical missions sa malalayong Indigenous communities sa Mindanao at sa Buscalan para masigurong natutugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan.
Nais din ng Pinoy Ako Party-list na magkaroon ng bangko para sa Indigenous Filipinos para mahikayat silang makapag-impok at maturuan sa pananalapi. Gayundin ang pagkakaroon ng Native Filipino University na mag-aalok ng oportunidad sa mga kabataang katutubo para sa higher education.
Nangako ang Pinoy Ako Party-list na poprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga katutubong Pinoy sa bansa.
