Opisyal ng binuksan ang SM North EDSA Busway Concourse! Ang makabagong pasilidad na ito ay isang mahalagang interchange station sa EDSA, na nagbibigay ng mas madali at maayos na daan para sa iba’t ibang opsyon sa transportasyon at SM North EDSA. Ang proyektong ito ay mula sa Department of Transportation (DOTr) at SM Prime, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang Quezon City Government, ang concourse na ito ay naglalayong mapabuti ang karanasan sa pag-commute ng bawat mamamayan. 3
Read MoreDay: March 14, 2025
HONEYLET KAKASUHAN SA PAMUMUKPOK SA PULIS
SASAMPAHAN ng kaso ng isang babaeng pulis na nakatalaga sa Special Action Force (SAF) ang common law wife ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Honeylet Avanceña. Sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakalabas na ng ospital ang policewoman at nagpapagaling na ito makaraang pukpukin ng cellphone sa ulo sa kasagsagan ng naganap na tensyon sa paghuli ng ICC sa dating pangulo. Kasong direct assault ang isasampa ng Philippine National Police (PNP) kay Avanceña. Nag-ugat ang insidente nang igilid…
Read MoreVLOGGER NA SI MAHARLIKA TATAMBAKAN NG KASO
WALANG sasantuhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga vlogger at trolls sa social media na lumilikha ng pekeng balita at maling impormasyon. Partikular na tinukoy ni NBI Director Jimmy Santiago sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Manila na sasampulan ng pangil nito ang bantog na vlogger na si Maharlika na walang puknat umano ang kalokohan gamit ang social media. Tiniyak ni Santiago na santambak na kaso ang sasalubong kay Maharlika sakaling dumating ito ng Pilipinas mula sa Amerika dahil sa pagpapakalat ng pekeng…
Read MoreNAWAWALANG SLOVAKIAN NATIONAL, NATAGPUANG PATAY SA AKLAN
NASA state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng isang Slovakian National na nauna nang naiulat na nawawala sa Malay, Aklan. Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23-anyos, na natagpuang walang pang-ibabang saplot sa abandonadong chapel sa Brgy. Balabag, Malay, Aklan. Sa ngayon, ipinaalam na ng Malay Municipal Police Station ang pagkasawi ng dayuhan at tinitingnan kung ito ay hinalay. Nakipag-ugnayan naman ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa insidente at sa pamilya ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (TOTO NABAJA) 6
Read MoreDOJ RESOLUTION SA REKLAMO VS VP SARA DUTERTE, INAANTABAYANAN NG NBI
INAANTABAYANAN pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang desisyon ng National Prosecution Service sa inihain nilang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte. Ang pahayag ng NBI ay kaugnay sa binitiwang salita ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Sa “Meet the Press” forum, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago Jr., nasa kamay na ng DOJ prosecutors kung itutuloy sa preliminary investigation ang inihain nilang reklamo Maaari rin aniyang i-dismiss na lamang ng DOJ ang…
Read MoreTIRADOR NG PARCEL TIMBOG
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang isang 25-anyos na jobless na tirador umano ng parcel, noong Miyerkoles ng gabi sa Remegio St., Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang mawalang parang bula ang dalawang sako ng parcel na dala ng biktimang si Mark Arejo, 25, isang delivery rider. Agad naman nitong ipinagbigay-alam ang insidente kay John Lerry Estacio, 31, supervisor ng Flash Express, na siyang nag-ulat sa tanggapan ng Alvarez PCP. Sa isinagawang imbestigasyon, namataan ng…
Read MorePASLIT SINAMPAL AT INIHAGIS NG AMA SA TRIKE
NA-TRAUMA ang isang 2-anyos lalaking paslit makaraang pagsasampalin at ihagis ng ama nito sa loob ng nakaparadang tricycle sa Ylaya Street, Barangay 4, Tondo, Manila, ayon sa naantalang report ng Manila Police District – Moriones Police Station 2. Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si alyas “Allan”, nahaharap sa kasong physical injury in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act). Ayon sa saksing 20-anyos na si Ruth De Castro, bandang alas-9:56 ng gabi, habang naglalakad siya nang mamataan ang paslit na…
Read MoreNAG-VIRAL NA CHINESE ‘CAT KILLER’ ARESTADO
HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral dahil sa pagtadyak sa isang pusa na ikinamatay nito sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City. Kinilala ang Chinese national na si Jiang Shan, 32, inaresto ng BI sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palanan, Makati City dahil sa pagiging overstaying nito. Ayon sa datos ng BI, dumating si Jiang sa bansa bilang isang turista noong Mayo 2023 subalit hindi na ito nag-extend ng kanyang visa simula Setyembre 2023. Inaresto ng mga awtoridad si Jiang matapos…
Read MoreP221K SHABU NASAMSAM SA TANZA, CAVITE
CAVITE – Mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng street level individuals (SLIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza noong Miyerkoles ng gabi. Hawak na ng Tanza Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Christopher”, ng Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Tanza MPS sa Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite na nagresulta sa…
Read More