INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng 6D Lotto na binola, Miyerkoles ng gabi sa Mandaluyong City. Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager, Melquiades Robles, na nahulaan ng mananaya ang winning combination na 05-08-01-06-07-04 na may premyong P4,522,085.00. Sinabi ni GM Mel Robles, na nabili ang maswerteng tiket mula sa Brgy. Matungao, Bulakan, Bulacan. Tatlong indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P40,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon ng 6D Lotto. (TOTO NABAJA) 9
Read MoreDay: March 15, 2025
HONEYLET HINDI NA KAKASUHAN NG PINUKPOK NA PULIS
KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Hindi na magsasampa ng kasong ‘direct assault’ ang miyembro ng Special Action Force (SAF) laban sa domestic partner ni dating presidente Rodrigo Duterte na si Cielito ‘Honeylet’ Salvador Avanceña. Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nilinaw na personal na desisyon ng nasaktang pulis dahil sa kanyang pananaw ay bahagi ang naganap sa hazard ng kanyang trabaho. Sa pagpapatupad ng arrest warrant kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), napaulat na hinampas ni Avanceña ng kanyang cellphone ang…
Read MoreONLINE VOTING, MALAKI MAITUTULONG SA MGA OFW NGAYONG HALALAN 2025 — AKO-OFW
HINDI dapat palagpasin ng ating mga kababayang overseas Filipino worker ang muling pagboto ngayong Mayo 12, 2025 para sa midterm election. Ang mga OFW ay nabigyan ng pagkakataon na makaboto online dahil sa ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) na Online Voting and Counting System o (OVCS). Ibig sabihin, maaari na silang bumoto kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay o pinagtatrabahuhan. Sinabi ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap na kailangan makapag-enroll muna ang mga Pinoy worker na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa para magamit…
Read MoreTRABAHO Partylist sa mga LaguNanay: WALANG IWANAN LALO NA SA KABABAIHAN
“WALA po dapat napag-iiwanan, lalung-lalo na ang kababaihan.” Ito ang hamong iniwan ni TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa kanyang kapwa kababaihan sa San Pedro, Laguna nitong ika-10 ng Marso. Kasabay ng National Women’s Month, ang mga binansagang “LaguNanay” o mga nanay ng Laguna ay nagdiriwang ng kanilang ika-7 anibersayo sa pangunguna ng kanilang kinatawan sa Kongreso, Ann Matibag. Pinuri ng TRABAHO ang programang ito ni Cong. Matibag dahil isa itong napakagandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng kababaihan sa ating mga lokal na pamayanan. Bukod sa mga…
Read MoreSOFRONIO, SINTUNADO SA SOCIAL MEDIA
BISTADOR Ni RUDY SIM HINDI ikinatuwa ng mga supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang naging tono ng mang-aawit na si Sofronio Parojinog Vasquez III sa social media, kasunod ng patutsada nito sa pagkakaaresto ni Digong. “Deserve” ang unang lumabas sa official Facebook account ni Sofronio sa gitna ng pagsubaybay nating lahat sa mga makapigil-hiningang kaganapan noong Martes, na nauwi sa paghahatid sa dating pangulo sa hukuman ng ICC sa Netherlands. Hindi ito nakalusot sa mga netizen at agad umani ng batikos ang 32 taonggulang na singer para sa kanyang…
Read More