HONEYLET HINDI NA KAKASUHAN NG PINUKPOK NA PULIS

KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Hindi na magsasampa ng kasong ‘direct assault’ ang miyembro ng Special Action Force (SAF) laban sa domestic partner ni dating presidente Rodrigo Duterte na si Cielito ‘Honeylet’ Salvador Avanceña.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nilinaw na personal na desisyon ng nasaktang pulis dahil sa kanyang pananaw ay bahagi ang naganap sa hazard ng kanyang trabaho.

Sa pagpapatupad ng arrest warrant kay Duterte mula sa International Criminal Court (ICC), napaulat na hinampas ni Avanceña ng kanyang cellphone ang hindi na kinilalang policewoman na nagkaroon ng malaking bukol sa noo kasunod ng insidente.

“Iyong pulis na nasaktan at nagkaroon ng injury sa ulo po ay magpa-file po ng kaso . . . Direct assault po,” unang hinayag ni Fajardo sa isang press conference.

Gaya ng makikita sa mga video footage, kasama ang babaeng miyembro ng SAF sa pag-asiste sa pagdakip kay Duterte.

“Ang may nasaktan po ay doon sa side ng PNP. Mayroon po tayong mga videos na magpapatunay na pinukpok po ni Ms. Honeylet yung isang pulis po natin na babae,” iginiit ni Fajardo.

“Napakalaki po ng bukol ng pulis natin. Dinala po iyon sa ospital,” dagdag nito.

Samantala, ginunita ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Nicolas Torre III na siya mismo ay nakaranas din ng ”harassment” mula kay Avanceña at maging sa anak ng dating pangulo na si Veronica ‘Kitty’ Duterte.

Sinabi rin ni Torre na kahit ang dating pangulo ay nagbanta na babalikan siya ng nga supling ni Duterte bago siya makapagretiro mula sa serbisyo sa pulisya.

“Physical po ay itinulak ako ni Honeylet, tinabig niya ako at malakas ang pagkatabig niya noong nagkasalubong kami sa hallway; nasa video naman minura ako ng kaniyang anak; at mismong si Presidente Duterte ay ni-remind niya ako magre-retire ako at aasuntuhin ako ng kaniyang mga anak at ng kaniyang mga kamag-anak after my retirement, even before my retirement – tinrethen [threaten] niya ako but everything is okay lang iyan,” kanyang tinukoy.

5

Related posts

Leave a Comment