SALON NILIMAS NG VAULT CUTTER GANG

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P15,000 cash ang tinangay ng hinihinalang isang miyembro ng vault cutter gang, sa pamamagitan ng pagsira sa bubong ng isang salon noong Linggo ng madaling araw. Personal na dumulog sa tanggapan ng Rosario Municipal Police Station (MPS) ang biktimang si “Evelyn” ng Beauty Lavish Salon Corp., na matatagpuan sa Court Plaza, Brgy. Tejeros, Rosario, Cavite. Inilarawan ng biktima ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, naka-facemask, puting sapatos at tinatayang 5’7″ ang taas. Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa nasabing salon…

Read More

BANANA BOAT TUMAOB, TURISTA NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang babaeng turista matapos tumaob ang sinasakyan nitong banana boat sa Brgy. Dinahican, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Huwebes ng hapon, Mayo 29. Ang biktima ay si Mary Crist, 45, taga Barangay Pag-asa, Binangonan, Rizal. Ayon sa report ng Infanta Police, dakong alas-3:00 ng hapon, umarkila ng banana boat ang grupo ng biktima bilang bahagi ng kanilang bakasyon sa Berna’s Beach Resort sa Infanta. Subalit habang nasa gitna ng karagatan ay biglang hinambalos ng malaking alon ang banana boat na naging sanhi ng pagtaob…

Read More

DND AT AFP UMALMA SA MAPANIRANG FAKE NARRATIVES NG CHINA

INALMAHAN nina Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at Armed Forces of the Philippine Chief of Staff General Romeo Brawner ang ipinakakalat na panibagong fake narratives ng China para siraan ang Pilipinas at ang mga pinuno ng bansa na dumalo sa ginanap na Shangri-La Dialogue sa Singapore. Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, isa na namang black propaganda ang inihahasik ng China sa pamamagitan ng fake narratives at mga distorted video na kinuha ng mga pseudo journalist na ahente ng China na nagtungo sa Shangri-La Dialogue sa Singapore. Ayon sa AFP, ang…

Read More

CASHLESS PAYMENT PARA IWAS-PILA SA LRT, MRT KASADO SA HULYO

PAHIHINTULUTAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga pasahero ng LRT at MRT na magbayad gamit ang debit o credit cards at maging ang mobile wallet platforms gaya ng GCash at PayMaya. Tugon ito ng Department of Transportation sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na gawing ‘mas convenient’ ang public transport sa mga pasahero ng LRT at MRT. Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Cabinet members at ahensiya na kompletuhin ang mga proyekto sa itinakdang panahon at sa inilaang budget para mapigilan ang pagkaantala sa…

Read More

MARTSA SA KAMARA ILALARGA PARA SA P200 UMENTO SA SAHOD

ISA sa mga inaasahang pagtitibayin sa pagbabalik trabaho ng dalawang kapulungan ng Kongreso ngayong araw, June 2 ang P200 legislative across the board wage increase. Kasabay nito, inanunsyo ng National Wage Coalition (NWC) na magmamartsa ang mga ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong Lunes, para sa inaasahang pagpapatibay sa ikatlo at huling pagbasa sa nasabing panukala. Ayon sa grupo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition (NAGKAISA!) at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), walang mas mahalagang panukala na dapat pagtibayin ng…

Read More

EPEKTO SA EKONOMIYA NG EDSA REBUILD PINASISILIP

IKINATUWA ni Senador JV Ejercito ang kautusan ni Pangulong Marcos Jr. na ipatigil muna ang planong rehabilitasyon ng EDSA. Iginiit ni Ejercito na dapat munang suriin ang magiging epekto nito sa ekonomiya bago ito ituloy. Ipinaalala ng senador na batay sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nawawalan na ng P3.5 bilyon kada araw ang ekonomiya dahil sa trapiko sa Metro Manila. Posible pa anyang umabot ito sa P5.4 bilyon kada araw pagsapit ng 2035 kung walang aksyon. Para kay Ejercito, dapat mag-ingat sa pagpapatupad ng solusyon para hindi lalong lumala…

Read More

‘SPIDERMAN’ NG LA LOMA, ARESTADO SA SHABU

SWAK sa kulungan ang tinaguriang “Spiderman” ng La Loma, matapos mahulihan ng umano’y shabu sa anti-criminality operation ng mga pulis nitong Linggo ng madaling araw sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City. Nabatid sa ulat kay Quezon City Police District PCol. Randy Glenn Silvio, DDDA/OIC, kinilala ang nadakip na suspek na si John Christopher Salalila, 19, binata, walang trabaho at residente ng Manila North Cemetery, Brgy. 372, Zone 37, Manila City. Sinabi ni PSSg. Christopher Bermejo, investigator ng QCPD Station 1 La Loma, nadakip ang suspek sa A. Bonifacio Avenue malapit…

Read More