DAHIL SA TALAMAK NA KORUPSYON SA BI, MGA EMPLEYADO LUMIHAM NA KAY PBBM

BISTADOR ni RUDY SIM NABABAHALA ang mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa kaliwa’t kanang korupsyon sa ahensya sa pamunuan ng kasalukuyang commissioner na si Atty. Joel Anthony Viado, kaya nagpaabot na ng liham kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil sa maaaring makaapekto ito sa imahe ng administrasyon. Tila walang takot umano itong si Viado na matapos ipag-utos ni PBBM ang pagpapa-deport sa lahat ng Chinese nationals na sangkot sa POGO, dahil ilan umano sa mga ito ay kanyang binigyan ng pabor upang makapagpiyansa kagaya na lamang umano ng…

Read More

CONSUMERS PA RIN PAPASAN NG 12% VAT SA DIGITAL SERVICES

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HETO na ang bunga ng 12-porsyentong Value Added Tax (VAT) na ipinapataw sa digital services: kasunod ng Netflix, magtataas na rin ng bayad ang ibang digital services. Nagsimula na ang 12-percent VAT sa foreign digital service providers nitong Hunyo 2. Tanong tuloy ng ilang subscriber, saan aabot ang 20 pesos mo? Pambili ng sangkilong bigas sa Kadiwa? Naku, maliban dyan me aabutin na ang bente nyo. Pandagdag sa bayad sa Netflix, na ang pinakamurang plan na P149 ay magiging P169 na. Malaking bagay ang bente sa…

Read More

SI GOV. HELEN TAN NG QUEZON AT SI GOV. SOL ARAGONES NG LAGUNA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA lalawigan ng Laguna, isang makasaysayang pahina ang isinulat kamakailan—ang pagkapanalo ni Sol Aragones bilang bagong gobernadora. Isang tagumpay na hindi lamang bunga ng kampanya, kundi ng mahabang panahong paglilingkod, pagkalinga, at katapatan sa bayan. Mula sa pagiging isang batikang mamamahayag, hanggang sa mahabang panahon ng tapat na serbisyo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Laguna, ipinamalas ni Gov. Aragones ang uri ng pamumuno na may puso at malasakit. Ngayo’y bilang kauna-unahang babaeng nahalal sa posisyong ito sa kasalukuyang panahon, higit pa niyang pinatutunayan na…

Read More

PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT RATE IKINABABAHALA

NAKABABAHALA para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa na umabot sa 4.1% nitong Abril, sa kabila ng patuloy na pag-angat ng ekonomiya. Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay nagpapakita ng lumalalang hamon sa pagkakaroon ng disenteng at matatag na hanapbuhay. “Ang mas mataas na 4.1% na unemployment rate ngayong Abril ay repleksyon ng lumalalim na hirap ng mga Pilipino sa paghahanap ng maayos at matatag na trabaho, sa kabila ng sinasabing paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Gatchalian.…

Read More

ARTISTAHING MAYOR AYAW PAUPUIN NI CONG.

MAY nasagap kaming chika na isang kongresista ang tinatakot o bina-blackmail daw ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para hindi makaupo ang bagong halal na artistahing mayor sa isang bayan sa South Luzon. Ayon sa isang impormante, may sinusuportahang mayor si Cong. pero kahit natalo ay gusto pa rin niya na ito ang maupo sa puwesto. Sabi raw ni Cong., gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang proclamation ng guwapo at newly elected mayor. Ayon pa sa sitsit, nagbanta si Cong. na haharangin ang appointment ng dalawang…

Read More

IMPEACHMENT CALENDAR SA SENADO INILATAG

NAGLATAG si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng posibleng impeachment calendar upang matapos ang pagdinig sa mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte bago matapos ang 19th Congress. Ito ay sa gitna ng paninindigan ni Tolentino na kapag hindi natapos ang pagdinig sa impeachment complaint hanggang June 30 ay maituturing na itong functionally dismissed. Sa rekomendasyon ni Tolentino, magko-convene ang Senado bilang impeachment court sa June 11 at bibigyan ng summon si VP Sara kung saan nakasaad na mayroon siyang 10 araw o hanggang June 21 upang sagutin ang…

Read More

SOLONS: MAGKAISA SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

UMAPELA sa publiko ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na makiisa sa mga aktibidad sa mga susunod na araw para igiit sa mga senador na ituloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Ginawa nina ACT Teacher party-list Rep. France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang panawagan kasunod ng draft resolution ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na layong i-dismiss ang impeachment case ni Duterte nang walang paglilitis. “The time for accountability has come. We cannot allow public officials to waste…

Read More

38K pulis magbabantay ngayong pasukan NASA 27M MAG-AARAL MAGBABALIK-ESKWELA

INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) ang nasa 27 milyon mag-aaral mula preschool hanggang senior high school para sa School Year 2025 – 2026. Kaugnay nito, nasa 38 libong pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng inilalatag na paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa Hunyo 16, 2025. Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, mas paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang pagbabantay sa pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga eskuwelahan gayundin ng mga magulang na aalalay sa kanilang mga anak sa araw ng…

Read More

NEGROS POWER NAGHATID NG PAGBABAGO SA ELECTRIC SERVICE

SA loob lamang ng siyam na buwan mula nang i-takeover ang electric service sa Central Negros, malawakang pagbabago sa imprastraktura at kalidad na serbisyo ang agad na naipatupad ng Negros Electric and Power Corporation (Negros Power). Sa Report and Dialogue sa business and consumer leaders, inilatag ni Negros Power President at CEO Roel Castro ang comprehensive report na nagdedetalye ng mga nagawa nang proyekto mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong August 2024. “From day one, our goal has been to modernize the system, restore public confidence, and extend reliable,…

Read More