HINIMOK ng Department of Justice (DOJ) ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na makipag-ugnayan sa departamento hinggil sa sinasabing reklamo kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado. Reaksyon ito ng DOJ sa gitna ng isyu na nagpadala umano ng “white paper” ang ilang tauhan ng BI sa Office of the President para ireklamo si Viado sa isyu ng korapsyon at misconduct sa paghawak ng mga kasong may kaugnayan sa POGO at deportation ng mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa. Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, mahirap…
Read MoreDay: June 9, 2025
PROMOSYON SA PNP IBABASE SA ‘RESIBO’
SUPORTADO dapat ng resibo ang mga pulis na gustong ma-promote upang matiyak ang pagsunod sa due process at epektibong nagagampanan ang kanilang mandato. Sa kauna-unahang flag raising ceremony ni Torre sa Camp Crame, sinabi nito na dapat mag-execute ng affidavit of arrest ang kapulisan na magpapatupad ng warrantless arrest bilang resibo o katibayan. Aniya, kailangang magkaroon ng konkretong batayan o “resibo” ng huli sa pagsukat ng tagumpay ng bawat pulis at ito ay hindi sa dami ng report, kundi sa aktwal na pag-aresto sa masasamang loob o iyong warrantless arrest.…
Read MoreEX-PCO CHIEF MAGSISILBING COS NI YORME
KINUMPIRMA ni dating Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na magbabalik siya sa Maynila bilang chief of staff ni incoming Manila Mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso. Matatandaang nabanggit na rin ni Chavez na kinausap siya ni Domagoso bago magsimula ang local campaign para sa May 12 elections. “Sabi niya dito na tayo, dito na tayo tatanda,” kwento ni Chavez nang muli siyang makadaupang palad. Nang matapos ang halalan, sinabihan aniya siya ni Yorme bilang kanyang chief of staff sabay labas ng listahan ng mga gusto agad niyang gawin sa Maynila.…
Read MoreMaingay sa impeachment pero tahimik sa anomalya ng Marcos admin: IPOKRITO AT HANGAL – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHASANG tinawag na ipokrito at hangal ni dating executive secretary Vic Rodriguez ang mga grupong nangangalampag para ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanyang Facebook page ay nag-post si Rodriguez, isa sa mga senatorial candidate sa nagdaang midterm election, ng maikling mensahe nitong Linggo patungkol sa maiingay sa isyu ng impeachment ngunit wala aniyang imik sa mga anomalyang ibinabato sa administrasyong Marcos Jr. Partikular niyang tinukoy ang ‘anomalya’ sa 2025 national budget, PhilHealth fund transfer at bilyong flood control budget. “Hypocrites…
Read More19 DAYS IMPEACHMENT TRIAL IS A JOKE – DE LIMA
“TOLENTINO’s proposed 19-day impeachment timeline is a joke.” Reaksyon ito ni ML party-list Rep-elect Leila de Lima sa panukala ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na tapusin sa loob ng 19 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa dating senador, lahat ng litigation lawyers ay alam na hindi makatotohanan ang nais mangyari ni Tolentino lalo na’t hindi lamang isa kundi 7 ang kasong isinampa ng Kamara laban sa Pangalawang Pangulo. Kinabibilangan ito ng paglustay umano ni Duterte sa kanyang confidential funds na itinuturing na betrayal…
Read MoreFrasco sa pagtabla kay Romualdez MAPAGKAISANG LIDER DAPAT SA KAMARA
MAPAGKAISANG lider ang kinakailangan ngayon ng Kamara, ayon kay House deputy speaker at Cebu Rep. Duke Frasco kaya hindi niya suportado ang muling pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez sa papasok na 20th Congress. Kahapon ay nagbigay na ng kanyang panig ang mambabatas matapos siyang sibakin sa kanyang partido dahil sa hindi pakikiisa sa pagsuporta kay Romualdez. “Our duty as public servants is not to advance individual interests, but to serve the Filipino people.” Ganito binasag ni Frasco ang kanyang pananahimik sa hindi pagpirma sa manifesto ng kinabibilangang National Unity…
Read MoreBRIGADA ESKWELA 2025 UMARANGKADA
OPISYAL na sinimulan nitong Lunes, Hunyo 9 ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela 2025. Kasabay ng paghikayat ni Education Secretary Sonny Angara sa mga Pilipino na bukod sa paglilinis ng mga eskwelahan ay mahigpit na tanggapin ang mas malalim na misyon at ito ay ang: ‘Bayanihan at education for all.’ “Brigada Eskwela is more than just fixing the schools; it is a bayanihan movement,” ang sinabi ni Angara sa kanyang kalatas. “We invite all education champions and partners to join us not only in refurbishing classrooms but also…
Read MoreDQ SA HINDI MAGSUSUMITE NG SOCE – COMELEC
MARAMI pa rin sa mga tumakbong kandidato noong May 12 elections, ang hindi nagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE sa kabila na dalawang araw na lamang bago ang itinakdang deadline nito. Umaasa naman ang Commission on Elections (Comelec) na bubuhos ang mga maghahain ng kani-kanilang SOCE sa huling mga araw. Sa opisyal na listahan na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa walo pa lamang na mga senador ang nakapagsumite ng SOCE, 16 party-list groups at apat na political party. Nasa 948 naman na lokal…
Read More16th SM Little Stars Launches with New Talent Categories
Launching the 16th season of SM Little Stars are (L-R): SM Supermalls Executive Vice President Jonjon San Agustin, National University Pep Squad coach Gab Bajacan, SM Little Stars 2017 Grand Winner Gaea Mischa, SM Supermalls Assistant Vice President for Marketing Hanna Carinna Sy, singer Sam Concepcion, Director Antoinette Jadaone, SM Supermalls Vice President for Corporate Marketing Grace Magno, and NU Resource Development Director Pauline Guanzon. Now on its 16th year, the nationwide talent search returns with gender-neutral categories and life-changing prizes. SM Supermalls officially kicked off the 16th season of…
Read More