19 DAYS IMPEACHMENT TRIAL IS A JOKE – DE LIMA

“TOLENTINO’s proposed 19-day impeachment timeline is a joke.”

Reaksyon ito ni ML party-list Rep-elect Leila de Lima sa panukala ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na tapusin sa loob ng 19 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa dating senador, lahat ng litigation lawyers ay alam na hindi makatotohanan ang nais mangyari ni Tolentino lalo na’t hindi lamang isa kundi 7 ang kasong isinampa ng Kamara laban sa Pangalawang Pangulo.

Kinabibilangan ito ng paglustay umano ni Duterte sa kanyang confidential funds na itinuturing na betrayal of public trust/graft and corruption, culpable violation of constitution/high crimes dahil sa pagkontrata umano ng Pangalawang Pangulo para patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag may nangyaring masama sa kanya at iba pa.

“Kalokohan na ipagpaliban nang apat na buwan ang impeachment para lamang isiksik ang pagpresenta ng ebidensya ng prosecution sa loob ng dalawang araw. Kalokohan at isang malaking panloloko. A recipe for railroading,” ayon pa kay De Lima.

Tumanggi naman ang liderato ng Kamara na magkomento sa nais ni Tolentino dahil hindi pa umano pormal na inaaksyunan ng Senado ang panukalang ito.

“Well, I have not seen the impeachment calendar. I think it’s a mere proposal. Not until may makita tayong concrete from the Senate, I think they will be having their session today (Monday). Siguro saka na lang po kami mag-comment on that,” ani House Deputy Speaker David Suarez.

Tumanggi rin itong magbigay na komento ukol sa inilulutang na posibilidad na bawasan ang article of impeachment upang mas mapadali ang paglilitis laban kay Duterte.

Samantala, kinastigo naman ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel si Sen. Ronald “Bato’ Dela Rosa dahil sa pamumulitika umano nito kasunod ng draft resolution na inilabas ng tanggapan nito para i-dismiss ang impeachment case nang walang gagawing paglilitis.

(BERNARD TAGUINOD)

16

Related posts

Leave a Comment