USAPIN DIN NG DIGNIDAD ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD

EDITORIAL  LINGGO-LINGGO, may bagong balita tungkol sa pagtaas ng presyo — bigas, gulay, itlog, kuryente, pamasahe. Parang wala nang hindi naapektuhan. Pero ang sahod? Parang tahimik na bato sa ilalim ng tubig — hindi gumagalaw. Marami na ang nabubuhay sa utang. Marami na rin ang nagbabawas ng pagkain, nagpapaliban ng bayarin, at umaasa na lang sa promo, diskwento o ayuda. Samantalang ang iba, nagtatrabaho nang doble pero kulang pa rin ang kita. Ang mas masakit pa, tila walang nakikinig. Ang mga manggagawa ay matagal nang sumisigaw. Pero ang sagot? “Pag-aaralan…

Read More

HMO SA BAWAT EMPLEYADO NG GOBYERNO MARAMING ‘DI NAKAKAALAM

RAPIDO ni PATRICK TULFO BUNSOD ng kaliwa’t kanang batikos kay Pangulong Bongbong Marcos, maraming mga proyekto ng gobyerno ang natatabunan at hindi naipapaalam sa mamamayan. Katulad na lang nitong P7,000 na medical allowance kada taon ng bawat lehitimong empleyado ng gobyerno. Sa SONA ni Pangulong Marcos noong 2024, sinabi nito na maglalaan ng pondo ang gobyerno na umaabot ng P9.5 bilyon, para sa health benefits ng mga empleyado. Layunin ng nasabing pondo, na idaraan sa pamamagitan ng Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) bilang HMO (Health Maintenance Organization) o insurance ng…

Read More

KASO NG KORUPSYON ISINAMPA LABAN SA MGA OPISYALES NG BFAR

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA GRABE pala ang “cooking makaw” sa bidding ng mga kontrata sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ito ang ibinulgar ng isang magaling na abogado na si Atty. Fay Singson, at hindi tsismis ang yarian sa bidding involving P2.165 billion sa ilegal na pagbili ng mga bangkang pangisda ng mga opisyal ng ahensiyang ito na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA). May personal knowledge si Atty. Singson sa lutong makaw na transaksyon na ito, dear readers, at ‘pag may personal na kaalaman…

Read More

KALAYAAN SANA SA KAHIRAPAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGPAHAYAG si President Ferdinand R. Marcos Jr. ng pakikiisa sa bansa sa pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa kanyang mensahe, pinarangalan ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani na nagkaloob ng kalayaan ng bansa. Panawagan ni PBBM: pahalagahan ang pamana sa pamamagitan ng pangangalaga ng karapatan at kalayaan, at gamitin itong proteksyon at pagpapaunlad sa buhay ng kapwa mamamayan. Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, kinikilala pa ba ang mga nagsakripisyo para sa bansa? Sa ngayon, marami ang nagsisikap upang umunlad at…

Read More

DESIGNED BY GOD

HOPE ni GUILLER VALENCIA ANG nakaraan natin ay designed by God. Kung pag-aaralan natin ang mga karanasan ng believers sa Old Testaments tulad ni Joseph, “The dreamer” ay mahirap isipin ang kanyang karanasan sa kamay mismo ng kanyang mga kapatid. Si Joseph ay ibinenta sa Egyptian traders. Nabilanggo rin siya nang walang kadahilanan. He was framed up! For many years he suffered much. We knew the story, until he was asked to interpret the dreams of the king, until he was released from the jail. Aside from freedom, he was…

Read More

WAITING SHED INARARO NG PICK-UP; 1 PATAY, 4 SUGATAN

QUEZON – Isa ang patay habang apat ang sugatan makaraang araruhin ng isang pick-up ang waiting shed sa Bondoc Peninsula Highway sa Brgy. Mabini Ilaya, sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles ng tanghali, Hunyo 11. Kinilala ang nasawing biktima sa pangalang “Marife”, 54, tindera, at residente ng Brgy. Lawigue, Tayabas City, agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente. Kabilang naman sa mga sugatan sina alyas “Carl”, 16; Eloisa, 84; at Divina, 58, agad isinugod sa Gumaca Hospital para lapatan ng lunas. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol…

Read More

MAHIGIT P1-M SHABU NAKUMPISKA SA LIVE-IN PARTNERS SA ILOILO

ILOILO CITY – Kalaboso ang dating barangay tanod kasama ang kanyang live-in partner, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi sa Zone 1, Sto. Niño Norte, Brgy. Arevalo sa lungsod. Ayon sa ulat ni PCapt. Glenn Soliman, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), nasa priority watchlist ang suspek na si alyas “Toting”, 40-anyos, na target ng nasabing operasyon. Sinabi ni Soliman, dalawang linggo nilang mino-monitor ang suspek bago isinagawa ng drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkaaresto nito, kasama ang live-in partner nito na si alyas…

Read More

IKA-127 ARAW NG KALAYAAN GINUNITA SA CAVITE

MAGKASABAY na ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bayan ng Kawit at Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, at Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng naturang okasyon, at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan. Sa Alapan, Imus City, Cavite pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas…

Read More

PBBM sa mga Pinoy: PAIGTINGIN PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA BAYAN

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na paigtingin ang pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas kasabay ng pagdiriwang nitong Huwebes, Hunyo 12 sa ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan. Sa talumpati ng Pangulo sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, sinabi nito na sa ngayon ay malayang naipapahayag ng bawat isa ang kanilang saloobin nang walang kinatatakutan, at malayang nagagawa ang naisin nang walang iniiwasan. At dahil aniya sa Bagong Pilipinas, hindi kasalanan ang pagbibigay ng opinyon. At lalong hindi aniya mali ang kritisismo. Bagkus, ito aniya ang…

Read More