GABUNDOK NA BASURA SA MAYNILA ‘DI NAHAHAKOT

BASURA-8

TILA naging siyudad ng basura na ang Lungsod ng Maynila dahil sa tambak at gabundok na basura na naipon at hindi nahahakot ng service provider sa maraming lugar nito. Bagama’t aminado si Manila Department of Public Service (DPS) Officer-in-Charge Jonathan Garzo na nabigo ang service provider na Metro Waste Solid Management Corp. at Philippine Ecology Systems Corp. (PhilCo), na matugunan ang nilagdaang kontrata na nagkakahalaga ng P842.7 milyon, para sa paghahakot ng basura sa Maynila, sinabi niya na sinisikap pa rin nilang makatulong sa paghahakot ng basura. Aniya ang street…

Read More

PAGTAMBAK NG SHABU SA PINAS SINADYA NG CHINA – AFP

HINDI INAALIS ng ilang mataas na mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na posibleng hindi lang negosyo ng international drug cartel ang motibo sa pagpupuslit ng tone-toneladang shabu sa Pilipinas kundi sinasadya ito ng China para wasakin ang isipan ng mga kabataang Pilipino. Sa ginanap na pulong balitaan ng AFP sa general headquarters ng Philippine Air Force nitong Martes, inihayag ni Navy Spokesman on West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi malayo na ginagawa ito ng China para sirain ang kaisipan ng ating mga kabataan. “It’s…

Read More

SUGATANG TERORISTA ARESTADO SA SULTAN KUDARAT

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Isang miyembro ng lokal na teroristang grupong Dawlah Islamiyah – Hassan Group ang naaresto ng tropa ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) matapos itong masugatan sa engkwentro bandang alas-5:40 ng umaga noong Hunyo 22, 2025, sa Barangay Alamada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Kinilala ang nadakip na si Kamsa Budjal, kilala rin sa mga alyas na “Ustads”, “Ali”, at “Oding”. Si Budjal ay miyembro ng DI-Hassan Group, isang kilalang ekstremistang armadong grupo, na may kaunti na lamang na bilang – dahil sa…

Read More

2 SANGAY NG CONVENIENCE STORE HINOLDAP NG NAKA-KOTSE

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang dalawang lalaking sakay ng isang Mitsubishi Mirage na responsable sa panghoholdap sa dalawang sangay ng isang convenience store at tumangay ng mahigit P85,000 cash sa magkasunod na insidente sa Gen. Trias City at Imus City sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:45 ng madaling araw nang pumasok sa isang sangay ng convenience store sa NIA Road, Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, ang mga suspek at nagpanggap na mga customer. Agad naglabas ang mga ito ng hindi…

Read More

9 KATAO KALABOSO SA CARA Y CRUZ

RIZAL – Kalaboso ang siyam katao matapos mahuli ng mga pulis na nagsusugal ng cara y cruz at nakumpiskahan pa ng umano’y shabu ang tatlo sa mga ito dakong alas-9:30 ng umaga noong Lunes, Hunyo 23, 2025, sa Quirino Street, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Tanay. Ayon sa natanggap na ulat ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), kinilala ang mga suspek na sina alyas, “Tarse,” “Jayson,” “Dobol,” “Ramon,” “Benjie,” “Jeffrey,” “Third,” “Yunos,” “Ronnie,” at “Arby.” Ayon kay Maraggun, nakatanggap ng intelligence report…

Read More

5-ANYOS INANOD SA BAHA SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa pa ng retrieval operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) hinggil sa isang 5-anyos na batang lalaki na hinihinalang tinangay ng baha makaraang umapaw ang tubig sa creek malapit sa kanilang bahay sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Ayon sa salaysay ng ina ng biktimang si alyas “Mohamad”, 5-anyos, bandang alas-3:00 ng hapon naglalaro ang bata sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City nang biglang bumagsak ang malakas na ulan at umapaw ang tubig sa creek kaya hinihinalang inanod…

Read More

Kaya bagsak ratings – Amihan PRES. MARCOS JR. ‘INUTIL’ SA PAGTUGON SA KRISIS

MINALIIT ng kababaihang magsasaka ang kakayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtugon sa krisis sa ekonomiya na dahilan anila kaya hindi umangat ang ratings nito. Ayon sa grupong Amihan, magagalit lalo ang mga Pilipino kay PBBM dahil wala siyang ginagawang aksyon para maibsan ang epekto ng big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis. Sinabi ni Amihan secretary general Cathy Estavillo na kaya ni Marcos pigilan ang epekto sa mga Pilipino ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market sa pamamagitan ng pagbasura sa Oil Deregulation…

Read More

HOUSE PROSEC BITIN SA BLOODBATH NI VP SARA

“HINDI ito ang bloodbath na inaasahan namin”. Sagot ito ng spokesman ng Prosecution panel na si Atty. Antonio “Audie” Bucoy sa answer ad cautelam ni Vice President Sara Duterte sa impeachment case na indikasyon na umiiwas umano ito sa kanyang unang pahayag na bloodbath. Matatandaang sinabi ni Duterte na nais nitong matuloy ang impeachment trial at gusto niya ng bloodbath subalit taliwas umano ito sa naging sagot ng Bise Presidente sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa writ of summon ng Impeachment Court. Ipinaliwanag ni Bucoy na imbes sagutin ng…

Read More

Pilipinas hindi raw ligtas REMULLA KINASTIGO NG TOURISM INDUSTRY, NETIZENS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINALAGAN ng industriya ng turismo at maging ng mga netizen ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na hindi ligtas ang Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa Hotel Sales and Marketing Association’s (HSMA) Sales and Marketing Summit kamakailan, sinabi ni Remulla na, “Ayaw ng mga tao pumunta sa bansa dahil hindi sila nakakaramdam ng kaligtasan. Natatakot sila. May sinisismo sa mga masasamang balita dito, sa political atmosphere, at parang normal na lang ang patayan kaya natatakot ang mga tao.” Dahil…

Read More