MERALCO, MAS PINALAKAS ANG SERBISYO NG KURYENTE SA BULACAN

Bilang bahagi ng pagsisikap nitong makapaghatid ng maaasahan at ligtas na serbisyo ng kuryente, in-upgrade ng Manila Electric Company (Meralco) ang power transformer bank ng Duhat Substation sa Bocaue, Bulacan. Pinalitan ng kumpanya ang 42-taong gulang na power transformer ng bagong 300 megavolt amperes (MVA), 220 kilovolt (kV) – 115 kV power transformer na may on-load tap changer. Masisiguro nito ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue at Marilao sa Bulacan. Kabilang sa mga gusali at pasilidad na makikinabang dito ay ang Philippine…

Read More

Showbiz personality iniugnay sa krimen MOTU PROPRIO PROBE SA MGA PULIS NA SABIT SA MISSING SABUNGEROS SINIMULAN NA

IPINAG-UTOS na ni Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, Vice Chairperson at Executive Officer ng National Police Commission (NAPOLCOM) na masimulan na ang motu propio investigation kaugnay sa mga pulis na dawit umano sa pagkawala ng sinasabing mahigit 100 sabungero na inilibing sa Taal lake. Ang kusang imbestigasyon ng Napolcom ay bunsod ng pahayag ng isang alias “Totoy,” isa sa mga akusado, na nagsasabing 20 police officers ang sangkot sa kidnapping case ng nawawalang mga sabungero. Ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ang inatasan ni Calinisan na magsagawa ng sariling…

Read More

9 SOUTH KOREAN NATIONALS TIMBOG SA ONLINE LOAN FRAUD SCHEME

SIYAM na South Korean nationals na sangkot umano sa online loan fraud scheme ang inaresto sa isinagawang joint operation sa pangunguna ng Bureau of Immigration (BI) sa Parañaque City. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isinagawa ang operasyon noong Miyerkoles ng gabi hanggang noong Huwebes ng madaling araw. Nadiskubre ang ilegal na aktibidad ng BI operatives, at ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) personnel, na agad nagpatupad ng mission order laban sa mga suspek sa isang condominium sa lungsod. Ang siyam na South Korean nationals, may…

Read More

WELGA NG KAWASAKI LABOR UNION NAGPAPATULOY

PATULOY na nakapuwesto sa harap ng planta ng Kawasaki Motors Philippines Corporation (KMPC) sa Lungsod ng Muntinlupa ang mga opisyal ng Kawasaki United Labor Union habang pumapasok na sa ika-36 na araw ang kanilang welga. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng KMPC para sa pagkakaisa, bukas na komunikasyon, at makatarungang kasunduan para sa kapakanan ng lahat ng manggagawa. Ipinaglalaban ng unyon ang 11.5% dagdag-sahod, ngunit ayon sa kompanya na patuloy pang bumabangon mula sa mga pagkaluging dulot ng pandemya ng COVID-19, tanging 5% lamang ang kaya nitong…

Read More

IKATLO AT PINAKAMALAKING KABATAAN CENTER SA LAS PIÑAS PINASINAYAAN NI INCOMING SEN. VILLAR

PINANGUNAHAN ni Incoming Senator Camille Villar ang inagurasyon ng ikatlo at pinakamalaking Kabataan Center sa lungsod ng Las Pinas na isa sa mga proyekto ng mambabatas sa kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng lungsod sa Kongreso. Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon sa Kabataan Center Doña Manuela Subdivision, sina Pamplona Tres Barangay Chairman Mori Riguera, Kgd. Romy Bautista, Don̈a Manuela Subdivision HOA President Kagawad Romy Bautista at SK Chairman Thirdy Torres. Ang naturang kabataan Center ay pasilidad na nag-aalok ng ligtas, moderno, at naa-access na espasyo para sa pag-aaral, pakikipagtulungan, at…

Read More

MOST WANTED PERSON SA 74 QUALIFIED THEFT CASES ARESTADO SA BATANGAS

BATANGAS – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lalaki na may 74 na kaso ng qualified theft at nakatala bilang regional level most wanted persons ng Calabarzon, sa operasyon sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Batay sa report ng PRO 4A police, sa bisa ng warrant of arrest mula sa RTC-Rosario, dinakma ng mga tauhan ng Rosario Police at ng operatiba ng Regional Intelligence Unit 4A at Batangas Provincial Intelligence Team, ang suspek na si alyas “Prince” sa kanyang bahay sa Barangay Namunga. Base sa warrant…

Read More

7 PATAY, 17 SUGATAN SA MINI DUMP TRUCK NA NAWALAN NG PRENO

IDINEKLARANG dead on arrival ang limang pasahero ng mini dump truck na nawalan ng preno nitong alas-09:00 ng umaga ng Biyernes sa Silay City, Negros Occidental. Ayon kay Silay City Police Station, PLt. Col. Mark Anthony Darroca, minamaneho ni Hernane Masa, 53-anyos ang mini dump truck ng Silay Government nang mangyari ang aksidente. Sa ulat, galing sa tree planting sa Sitio Lantawan ang mga biktima at pagsapit sa Brgy. Guimbalaon ay tumagilid ang kanilang sinasakyan. Para hindi mahulog sa bangin ay minarapat ni Masa na ibangga sa isang concrete barrier…

Read More

PAMILYA NG BIKTIMA SA ATIMONAN ENCOUNTER DISMAYADO SA PAGKAKA-ABSWELTO NI MARANTAN

LABIS na pagkadismaya ang idinulot ng pagpapawalang-sala sa mga akusado, kabilang si Police Colonel Hansel Marantan, sa pamilya ng mga biktima ng tinaguriang “Atimonan Rubout” makalipas ang mahigit isang dekada. Ayon kay Maria Bella Lontok Evangelista, kapatid ng biktimang si Tirso “Jun” Lontok, muling nagdalamhati ang kanilang pamilya sa desisyon. Aniya, ipinakikita nito ang kawalang-katarungan sa sistema ng hustisya sa bansa. Binatikos ni Evangelista si Judge Teresa Soriaso sa pagpapawalang-sala sa mga pulis, dahil aniya’y mas pinaniwalaan ang testimonya ng isang malayo kaysa isang malapit na testigo. Iginiit ng pamilya…

Read More

4 BIKTIMANG TINANGAY NG BAHA SA CAVITE NATAGPUAN NA

CAVITE – Makaraan ang ilang araw na rescue operation, natagpuan na ang bangkay ng apat na indibidwal kabilang ang dalawang batang estudyante at isang lolo, na tinangay ng baha noong kasagsagan ng malakas na ulan sa lalawigan. Kabilang sa narekober na mga katawan ay kinilalang sina Prince, 10-anyos na Grade 5 student ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City; Mohamad, 5-anyos, Kinder; Jesus San Luis, 76, at isang 29 anyos na lalaki na mula sa Kawit, Cavite. Ang katawan ni Prince ay nakita bandang alas-9:49 ng umaga sa Brgy. Datu Esmael…

Read More