BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG CALABARZON ITINALAGA

ITINALAGA bilang bagong Regional Director ng PRO 4-A si PB Gen. Jack Wanky na pinalitan si Outgoing RD PB Gen. Paul Kenneth T. Lucas. Isinagawa ang seremonya sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna na pinangunahan ni PB Gen. Melencio Nartatez Jr., ang turnover command ceremony, bilang Presiding Officer. Ayon na kay Incoming RD Wanky, tutukan niya na maipatupad ang quick response program ng PNP chief upang makuha ang tiwala ng mamamayan. Rerebyuhin din niya ang mga estratehiya kung bakit naging Top Performing Regional Office ang CALABAZON sa implementasyon sa anti-criminality…

Read More

PIO BINARIL NG PINAGALITANG SECURITY ESCORT, PATAY

PINAGBABARIL ang 40-anyos na Public Information Office officer ng mismong security escort niya sa Zamboanga Del Sur, nitong Huwebes ng gabi. Nakilala ang biktima na si Jeesrel Himang, residente ng Barangay Kawit, Pagadian City. Ayon kay PRO-9 spokesperson PMaj. Shellamie Chang, nag-inuman ang biktima at kanyang security escort na si Reymond Antifuelo Lopeciillo sa isang beach resort sa Barangay Ambulon, Vincenzo Sagun. Dito na umano napagalitan ng biktima ang suspek dahil hindi agad napaandar ang sasakyan. Nagtungo muna ang biktima sa banyo at pagbalik ay doon na sya pinagbabaril ng…

Read More

BGEN. PEÑONES JR., WALA PANG 24 ORAS BILANG OIC NG PRO-6, NI-REASSIGN SA PRO-2

WALA pang 24-oras matapos italaga bilang OIC ng PRO-6 si PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nitong Huwebes, ay inilipat ito bilang OIC ng PRO-2. Papalitan sana ni Peñones si PBGen. Janky Wanky epektibo Hunyo 19, 2025. Sa ngayon ay magiging acting director ng PRO-6 si BGen. Josefino Ligan, na mula sa PRO-1. Habang si PBGen. Wanky, naman ay itinalagang director ng CALABARZON o PRO-4A. Papalitan naman ni Wanky si PBGen. Paul Kenneth Lucas, na acting deputy Regional Director for Administration ng NCRPO. (TOTO NABAJA) 197

Read More

P204-M SHABU NATUKLASAN SA INABANDONANG MALETA

CAVITE – Bumulaga sa mga awtoridad ang mahigit P204 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng isang inabandonang malaking maleta sa isang bakanteng lote sa bayan ng Naic sa nasabing lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:10 ng madaling araw, ipinagbigay-alam ni Jeferson Pausal y Paigao, 26, security guard, sa nagpapatrulyang mga operatiba na sina Pat. Ronald Ian Benter at Pat. Honald De Jesus ng Naic Police Station, ang natagpuang isang inabandonang malaking maleta sa Friendship Road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Nang buksan ang maleta,…

Read More

SUNDALO, 3 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA SULTAN KUDARAT

PATAY ang tatlong miyembro ng communist terrorist group habang isang sundalo ang nagbuwis ng buhay sa matinding militay operation sa Barangay Datu Ito Andong, Kalamansig, Sultan Kudarat pasado alas-12:00 ng madaling araw noong Huwebes, Hunyo 19, 2025. Ayon kay Lt. Col. Christopherson Capuyan, Battalion Commander ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion, nagsasagawa ng decisive military operations ang kanilang tropa nang makasagupa ang armadong mga elemento ng communist New People’s Army sa ilalim ng pamumuno ni Eusivio Cranzo alyas “Agaw/Brix”. Umabot sa mahigit isang oras ang palitan ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng…

Read More

30% PAGTAAS NG BADYET SA AGRIKULTURA, HIRIT NG AGAP KAY PBBM

UMAAPELA si Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) convener at re-elected Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones sa pamahalaan na dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon para makamit ang hangad o programa ng gobyerno hinggil sa usapin ng food security. Sinabi ni Briones na kung dati ay pangalawa ang DA sa binibigyan ng pondo, ngayon nasa pang-walo na lamang ito. Aniya, kung nais ng gobyerno na palakasin ang industriya sa sektor ng agrikultura, dapat malaking budget ang ibinibigay nito dahil sakaling mangyari ito, siguradong…

Read More

50% DISKWENTO SA TREN NG MGA ESTUDYANTE KASADO NA

MAGANDANG balita ang sumalubong sa mga estudyante kahapon ng umaga, Hunyo 20, nang ikinasa ng Department of Transportation (DOTr) ang 50% diskwento sa pamasahe sa tren. Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, bukod sa valid school ID, maaari ring ipakita ng mga estudyante kahit ang proof of enrollment sa ticket booth para sa nasabing diskwento. Sinabi pa ng kalihim na sakop sa nasabing diskwento hindi lamang ang mga nasa basic education at college level kundi pati na rin ang mga kumukuha ng master’s degree at law school mula Lunes hanggang…

Read More

WHISTLEBLOWER SA MISSING 34 SABUNGERO ILALAGAY SA WPP

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police at Department of Justice ang panibagong twist sa kaso ng 34 nawawalang sabungero sa paglutang ng isang alyas “Totoy”. Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP at DOJ para sa paglilitis sa mga suspek na idinadawit sa pagkawala mga mga sabungero. Habang bukas naman ang DOJ na busisiin ang mga isiniwalat ng sinasabing whistleblower sa kaso ng nawawalang mga sabungero, bilang tugon sa lumabas na ulat na patay na ang mga ito at inilibing sa Taal lake. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais niyang…

Read More

JAAF receives donation from Araneta City hotels’ choir win

In a symbolic gesture of giving back, the J. Amado Araneta Foundation (JAAF) received a special donation from Araneta Hotels Inc. (AHI) during a ceremonial turnover on June 19. The donation was part of the prize money won by Novotel and ibis Styles Manila Araneta City, both being managed by AHI, after emerging as global champions in the Accor Choir Games last December 2024. The donation will fund JAAF programs on scholarships, youth development, and education. Present during the turnover ceremony were (from left) Darwin Labayandoy, Novotel Hotel Manager; Diane…

Read More