WALA pang 24-oras matapos italaga bilang OIC ng PRO-6 si PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nitong Huwebes, ay inilipat ito bilang OIC ng PRO-2.
Papalitan sana ni Peñones si PBGen. Janky Wanky epektibo Hunyo 19, 2025.
Sa ngayon ay magiging acting director ng PRO-6 si BGen. Josefino Ligan, na mula sa PRO-1.
Habang si PBGen. Wanky, naman ay itinalagang director ng CALABARZON o PRO-4A.
Papalitan naman ni Wanky si PBGen. Paul Kenneth Lucas, na acting deputy Regional Director for Administration ng NCRPO.
(TOTO NABAJA)
