BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG CALABARZON ITINALAGA

ITINALAGA bilang bagong Regional Director ng PRO 4-A si PB Gen. Jack Wanky na pinalitan si Outgoing RD PB Gen. Paul Kenneth T. Lucas.

Isinagawa ang seremonya sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna na pinangunahan ni PB Gen. Melencio Nartatez Jr., ang turnover command ceremony, bilang Presiding Officer.

Ayon na kay Incoming RD Wanky, tutukan niya na maipatupad ang quick response program ng PNP chief upang makuha ang tiwala ng mamamayan.

Rerebyuhin din niya ang mga estratehiya kung bakit naging Top Performing Regional Office ang CALABAZON sa implementasyon sa anti-criminality campaign at ituturing itong hamon sa kanyang pamumuno.

Sa pahayag naman ni outgoing RD Lucas, nagpasalamat siya sa lahat ng mga pulis sa mahigit sa 2 taong panunungkulan niya bilang RD, sa pagsuporta, pagmamahal at pakikiisa ng buong pulisya sa lahat ng kanyang programa at mga operasyon.

Si Gen. Lucas ay itinalaga bilang bagong Deputy for Administration ng NCRPO.

(SIGFRED ADSUARA)

14

Related posts

Leave a Comment