ANIM NA DESTROYER IBIBIGAY NG JAPAN SA PHILIPPINE NAVY

KINUMPIRMA ng Philippine Navy na may imbitasyon na ang Japanese Maritime Self-Defense Force para sa visual inspection ng anim na barkong pandigma ng Japan para sa posibleng paglipat nito sa Philippine Navy. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, inimbitahan sila ng Japanese Ministry of Defense para sa joint visual inspection ng ilang Abukuma-class destroyer escort, mga barkong idinisenyo para sa anti-submarine at anti-ship warfare. Nabatid na plano ng Japan na i-donate ang anim na Abukuma-class Destroyer Escort vessels sa Pilipinas bilang “defense assistance” package. Sinasabing malaking karagdagan…

Read More

KAILANGANG PATULOY NA MAKIALAM

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO OPISYAL nang nagsimula ang termino ng mga bagong pinuno ng ating bayan matapos ang halalan nitong Mayo. Bago na namang pagkakataon ang ibinigay ng taumbayan para patunayan nila na kaya nilang tuparin ang mga ipinangako noong nangangampanya pa lamang sila. Handa na nga ba silang manilbihan nang may malasakit, integridad, at pananagutan? Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga binoboto natin sa paghubog ng hinaharap ng bansa. Sila ang tagabuo ng batas at polisiya, tagapagpatupad ng programa, at tagapag-ugnay sa pagitan ng gobyerno at mamamayan. Kung…

Read More

RAKET NI ATTY. VIAGRA SA BI SA BAIL AT DEPORTATION NG POGO PATULOY?

BISTADOR ni RUDY SIM MULING nadawit ng pangalan ni Bureau of Immigration Deputy Commissioner Daniel Laogan kamakailan matapos inguso umano ng dalawang kawani ng BI sa NAIA Terminal 3 na sina Immigration officer Maria Zeah Inosanto at Immigration supervisor Karen Peñera, na hinuli ng mga kasamahan nito nang magpalusot ng dalawang dayuhan palabas ng bansa, na kasabwat umano si Laogan na agad naman nitong itinanggi at ikinagalit. Sina Peñera at Inosanto ay agad na sinibak sa Terminal 3 at itinapon sa Admin Division habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa kasong…

Read More

ELECTRIFICATION NG MARCOS ADMIN AT NEA SA MGA LIBLIB NA LUGAR SA BANSA

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang ikinasa ng National Electrification Administration (NEA) na pinamumunuan ni Administrator Antonio Mariano Almeda, sa pagtuon ng kanilang P3.6-bilyong pondo para sa rural electrification tungo sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA). Sa matagal nang pagkakait ng kuryente sa mga liblib na komunidad, ito ay tila liwanag na sumisilip sa dulo ng matagal na dilim. Pinakamalaking bahagi ng pondo, na aabot sa P2.5-bilyon o 68 porsyento, ay ilalaan sa Mindanao, isang rehiyong matagal nang nangangarap ng pantay na serbisyo mula sa pamahalaan. Dito…

Read More

PCO SECRETARY BIKTIMA NG FAKE NEWS

HINDI sukat akalain ni Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz na siya mismo ang mabibiktima ng fake news. Ito ay kasunod ng pagkalat ng mapanirang larawan ni Sec. Ruiz na kasama umano ang dating tauhan ng negosyanteng si Atong Ang na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabungero. Nilinaw ni PCO Sec. Jay Ruiz na naimbitahan lamang siya sa kaarawan ng isang social media content creator kung saan kuha ang lumabas na larawan niya kasama ang dating tauhan ni Atong Ang na inuugnay sa missing sabungeros. Ayon kay Palace Press Officer…

Read More

BIYENAN TINUTUKAN NG SUMPAK, MANUGANG TIMBOG

RIZAL- Arestado ang isang lalaki matapos pagbantaang papatayin at tutukan ng sumpak ang biyenan nito bandang alas-10:30 ng gabi noong Hulyo 5, 2025. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Jonathan,” 41, walang trabaho, may live-in partner, at nakatira sa Brgy. San Luis, Antipolo City sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa complainant, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng kanyang anak at manugang nito at nang lumapit ito upang awatin, siya naman ang binalingan ng suspek. Nabatid mula sa pulisya, tinutukan ng suspek ang biktima ng isang improvised na…

Read More

MOTORSIKLO SUMALPOK SA TRUCK; 1 PATAY, 1 SUGATAN

QUEZON – Patay ang isang binata habang isa ang sugatan nang sumalpok ang isang motorsiklo sa isang truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Camohaguin sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Kinilala ang nasawing driver ng motorsiklo sa pangalang “Ian”, 27-taong gulang, residente ng Brgy. Villa Bota, Gumaca, Quezon. Ayon sa imbestigasyon ng Gumaca Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon nang biglang huminto ang nasa unahan ng motorsiklo na isang close van truck, sa kanang bahagi ng kalsada upang kumaliwa papasok sa…

Read More

LETTERS OF AUTHORITY AT MISSION ORDERS SA ADUANA SINUSPINDE

SA kanyang unang direktiba bilang bagong Bureau of Customs (BOC) chief, ipinag-utos ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na suspendihin ang pagpapatupad ng lahat ng naunang naaprubahan ngunit hindi naisilbing Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs). Sa kanyang memorandum na inilabas nitong nakalipas na linggo, sinabi ni Nepomuceno na naaangkop ang direktiba sa lahat ng LOA at MO na inisyu bago ang Hulyo 2, 2025, “That have yet to be served and covers all units under the Intelligence and Enforcement Groups.” Sa pinakahuling memorandum ng BOC, nag-utos din sa…

Read More

CALAMITY FUND AGAD IPINASA PARA SA MANILA FIRE VICTIMS

AGAD inaprubahan ng Konseho ng Maynila ang pagpapalabas ng calamity fund para sa mga biktima ng sunod-sunod na sunog sa lungsod, sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Chi Atienza. Inilagay sa state of calamity ang Barangay 439 at 448 para sa agarang pagpapalabas ng calamity fund ng mga barangay, na ilalaan para sa direktang tulong pinansyal sa mga residenteng nawalan ng tirahan. “Under my leadership, together with the entire council, we passed these resolutions to provide immediate support to the fire-affected barangays,” ani Atienza. Noong Hulyo 2, personal na binisita…

Read More