BAGONG LIDERATO SA KAMARA

EDITORIAL HINDI pribilehiyo ang pagiging lider ng Kongreso. Isa itong pananagutan at hindi rin pag-aari ng sinoman. Ito ay posisyong dapat naglilingkod sa interes ng publiko, hindi sa kapangyarihan ng isang tao. Sa mababang kapulungan, lumala ang akusasyon sa paggamit ng pondo para sa pansariling pulitika, bumagsak ang tiwala ng publiko, at nasira ang pagkakaisa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Nangyari ‘yan sa panunungkulan ni House Speaker Martin Romualdez. Kaya naman sa pagtatapos pa lamang ng 19th Congress, lumutang na ang mga panawagan para sa bagong Speaker.…

Read More

OPERATION NG PCG SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO KINUKWESTYON

RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG araw na mula nang nagsimula ang retrieval operation ng divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lawa ng Taal. Mula nang magsagawa ng operasyon, ilang sako ng hinihinalang mga buto ng tao o hayop ang nakuha. Pero sa social media, marami ang nagkukwestyon kung bakit tila raw parang alam na alam ng PCG kung saan nakapwesto ang mga buto o sako na kanilang hinahanap. Kinuwestyon din ng netizens ang kawalan daw ng mga doctor sa lugar. Ayon naman kay PCG Spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, ‘di…

Read More

PANIS NA BA SI DIGONG?

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI DEDMA na ang maraming Pinoy sa anomang impormasyon basta’t tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kahit ano pang balita ay parang wala nang epekto sa publiko. Kesyo buto’t balat na siya dahil sa buryong at sakit dulot ng mahigit na tatlong buwan na pagkakahoyo sa Scheveningen jail ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands; humihiling pa na kung matotodas siya sa piitan ay sunugin ang kanyang bangkay at abo na lang ang iuwi sa Pilipinas. Pero hindi na pinag-usapan. Namanhid na kahit ang mga istambay…

Read More

Sa Maynila: Telcos, at iba pa, bawal magsampay ng kawad o linya sa Meralco posts

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA FULL blast na sa Maynila ang pag-aalis at paglilinis ng mga nagsabit, buhol-buhol at sala-salabit na mga linya ng kuryente, mga kawad ng telekomunikasyon, at iba pa – na panganib sa buhay ng tao. Lintik kasi itong mga telco kung makagamit ng mga poste at pasilidad ng Meralco, aba, walang pakialam, basta, kabit na lang nang kabit, bukod sa masakit sa mata, eyesore talaga, pagmumulan pa ng disgrasya, sunog o kaya malaking perwisyo sa tao at sa gobyerno. Ang pangit talaga ng “spaghetti wires,”…

Read More

Serbisyo ni 4K Party-list Representative Iris Montes, walang mintis

TARGET ni KA REX CAYANONG MASASABING isang magandang halimbawa ng tunay na paglilingkod-bayan ang ipinamalas ni 4K Party-list Representative Iris Montes sa kanyang matagumpay na pakikibahagi sa Executive Course on Legislation na isinagawa noong Hulyo 7-9. Nabatid na ang programang ito ay inorganisa ng House of Representatives katuwang ang University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), at layuning hubugin ang mga bagong miyembro ng 20th Congress upang maging mahusay na mga mambabatas. Sa kabila ng kanyang higit tatlong dekadang karanasan bilang Chief of Staff…

Read More

Sa kabila ng pananahimik ng ilang pamilya KASO NG LOST SABUNGEROS MAGPAPATULOY – DOJ

TULOY sa pagkalap ng ebidensya ang Department of Justice (DOJ) kahit pa manahimik ang pamilya ng mga nawawalang sabungero. Sa isang press briefing, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi lang nakaasa ang kaso sa pamilya ng biktima dahil interes na ito ng bansa at taumbayan. Paliwanag ni Remulla, hindi magkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan kung may sistema na may mistulang panginoon na nagdedesisyon kung sino ang mabubuhay at mamamatay. Base sa ilang impormasyon, may mga pamilyang umatras sa kaso sa hinalang nabayaran, habang sinabi naman ni…

Read More

18 PULIS SANGKOT SA KASO NG SABUNGEROS – NAPOLCOM

NILINAW ni Napolcom Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, na hindi lang 12 kundi 18 ang mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros. Matatandaan na nagsampa ng reklamo ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy” sa central office ng Napolcom laban sa mga sangkot na pulis. Ayon kay Calinisan, ang complaint affidavit na isinampa ni Patidongan ay hindi 12 kundi 18 pangalan ng mga pulis kung saan ang 5 ay na-dismiss na sa serbisyo. Naunang ibinunyag ni Patidongan ang 10 pulis na sangkot sa pagdukot at umano’y pagpatay…

Read More

‘LOST SABUNGEROS’ UNANG ISASALANG SA QUAD COMM 2.0

PINABUBUHAY ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Quad Committee sa pagbubukas ng 20th Congress at ang kaso ng mga nawawalang sabungero ang unang iimbestigahan. Nakasaad sa House Resolution (HR) 53 na inihain kahapon ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na ipatawag din ang mga isinasangkot sa pagkawala ng 34 sabungeros tulad ni Charlie “Atong” Ang at dating aktres na si Gretchen Barretto. “Resolved still further that the Lucky 8 Star Quest, Inc., Charlie ‘Atong’ Ang and Gretchen Barretto and other resource persons be subpoenaed to appear and…

Read More

FL LIZA IDINEPENSA NI GADON

“WHERE’S the logic?” Ang tanong na ibinato ni Presidential Adviser Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon nitong Martes sa mga isyu at alegasyong may kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ni Paolo “Paowee” Tantoco, ang Rustan Commercial Corporation (RCC) executive noon pang Marso dahil umano sa overdose sa paggamit ng cocaine sa Los Angeles, California. Sa isang video statement na ibinahagi ni Gadon, sinabi nitong “no logic” ang atasan ang Malacañang na maglabas ng ‘comprehensive report’ sa pagkamatay ni Mr. Tantoco, kabilang ang kaugnayan — direct o’ indirect…

Read More