DSWD, PGB NAGHATID NG AYUDA SA NASALANTA SA BAHA SA BULACAN

PERSONAL na ipinamahagi ni Health Sec. Rex Gatchalian (2nd from left) ang food packs mula sa (DSWD) kasama sina Gov. Daniel Fernando (kaliwa) at Balagtas Mayor Andy Santiago (2nd, right) para sa 251 pamilyang evacuees na nasalanta ng baha dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Bagyong Crising at Habagat sa isinagawang relief operation sa bayan ng Balagtas, Bulacan noong Lunes, July 21. (Kuha ni ELOISA SILVERIO) NASA 251 pamilyang Bulakenyo na apektado ng Bagyong Crising at Habagat ang tumanggap ng food packs at emergency kit buhat sa Department of…

Read More

SOLON NAG-OVERNIGHT SA NLEX

HINDI naitago ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkadismaya sa pamunuan ng Northern Luzon Expressway (NLEX) matapos itong bahain na naging dahilan ng matinding trapiko. “San ka nakakitang binabaha ang expressway?,” tanong ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña matapos mag-overnight umano sa gitna ng NLEX noong Lunes ng gabi dahil sa matinding trapik. Base sa advisory ng NLEX Corp. kamakalawa ng gabi, hindi makadaan ang lahat ng uri ng sasakyan sa Valenzuela Interchange Northbound, Valenzuela Interchange Southbound at Paso del Blas Southbound Entry and Exit dahil sa…

Read More

PANUKALA NI BAM NA MAGPAPABILIS SA PAGTATAYO NG MGA SILID-ARALAN, SUPORTADO NG DEPED

NAKAKUHA ng matibay na suporta mula kay Education Secretary Sonny Angara ang panukalang batas ni Senator Bam Aquino na naglalayong pabilisin ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa bansa. Buong suporta ang ibinigay ni Angara sa Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act ni Aquino, na magbibigay ng awtorisasyon sa mga kwalipikadong local government units (LGUs) at pribadong sektor na magtayo ng silid-aralan na sumusunod sa mga pamantayan, sa tulong ng pondo mula sa pambansang gobyerno. Ayon kay Angara, tugma ang panukala sa mga hakbang ng Department of Education (DepEd) upang tugunan ang…

Read More

GOBYERNO PINAGLALATAG NG LONG-TERM STRATEGIES SA EPEKTO NG KALAMIDAD

SA gitna ng malawak na epekto ng panibagong kalamidad sa bansa, iginiit ni Senador Jinggoy Estrada ang pangangailangang makapaglatag ang gobyerno ng long-term strategies at practical solutions upang mabawasan ang panganib na dala ng iba’t ibang kalamidad. Kaya naman, isinusulong ng senador ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience o DDR isang ahensya na pag-iisahin, palalakasin at isasaayos ang disaster preparedness, response, at recovery efforts. Iginiit din ni Estrada ang pagsasabatas ng Disaster Food Bank and Stockpile para sa pagbuo ng nationwide network ng food banks at relief supplies…

Read More

821 PAMILYA SA MAYNILA INILIKAS SA BAHA

UMABOT sa 821 pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig-baha sa lungsod dulot ng masamang panahon. Sa pahayag ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, karamihan sa inilikas na mga pamilya ay inabot ng tubig-baha ang loob ng kanilang bahay. Nasa 2,823 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers tulad ng sports complex, barangay hall, pampublikong paaralan, multi-purpose hall, at covered court. Karamihan sa inilikas ay mga nakatira sa gilid ng estero…

Read More

Sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Miyerkoles PASOK SA ESKWELA, TRABAHO SUSPENDIDO

(CHRISTIAN DALE) MULING sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ngayong Miyerkoles, Hulyo 23, 2025, bunsod na rin ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng Southwest Monsoon. Epektibo ang kautusan sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Abra, Mountain…

Read More