IMPEACHMENT VS VP SARA LABAG SA KONSTITUSYON – SC

SA nagkakaisang boto, sinabi ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) na ang reklamong impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte-Carpio ay labag sa Konstitusyon.

Hindi bumoto sina Justice Alfredo Benjamin Caguioa (nag-inhibit) at Justice Maria Filomena Singh (naka-leave).

Ayon sa Korte, nilabag ng reklamo ang isang taong pagbabawal sa paghahain ng impeachment dahil may mga naunang reklamong naisampa.

Pero nilinaw ni Spokesperson Camille Ting na hindi nito pinawawalang-sala ang Pangalawang Pangulo. Pwede pa aniya siyang sampahan ng panibagong reklamo, ngunit sa Pebrero 2026 pa ito maaaring gawin.

“It is not our duty to favor any political result. Ours is to ensure that politics are framed within the rule of just law. We cannot conceive the sobriety of fairness inherent in due process of law to the passions of political moment,” ani ng desisyon. “Our fundamental is clear: the end does not justify the means.” (JULIET PACOT)

127

Related posts

Leave a Comment