DINAGSA ng mga manonood ang boxing match sana nitong Linggo sa pagitan nina Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief, Gen. Nicolas Torre III. Si Torre ay maagang dumating sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan marami rin ang kumagat sa anunsyo at nagtungo sa stadium upang manood. Dahil hindi dumating si Duterte, itinuring na “win by default” ang laban ni Torre kontra kay Duterte, matapos hindi dumalo ang acting mayor sa “Boxing for a Cause” na nakatakda nitong Linggo sa Coliseum. Ang “Boxing…
Read MoreMonth: July 2025
KONGRESO HINDI TINANGGALAN NG POWER NG SC SA IMPEACHMENT
HINDI maituturing na pagtatanggal sa kapangyarihan ng Senado at Kamara sa impeachment ang naging ruling ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa paggiit na hindi naman pinipigilan ang kahit sino na muling maghain ng impeachment complaint sa susunod na taon. “Of course not, because it does not stop the instigators or those who are trying to push for the impeachment to file again next year. Hindi naman sinabi ng Supreme Court, hindi na kayo maka-file…
Read MoreKOTONGAN SA NAIA NAKALKAL!
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) USAP-USAPAN ngayon ang panibagong kabulukan na nagaganap sa loob ng Bureau of Customs (BOC), partikular na sa mga nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang kotongan umano ng P2 million ang isang pasahero na pamangkin mismo ng isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP). Nabatid na ang biktima ay isang negosyanteng babae na nakabase sa Compostela Valley, Davao de Oro. Sakay ng Cathay Pacific flight number CX 903 ang biktima na galing umano sa bansang Hong Kong at dumating sa NAIA Terminal 3…
Read MoreRESOLUSYON SA APELA NG MOVE IT HIRIT NG LCSP SA MOTORCYCLE TAXI TWG
UMAPELA ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na maglabas na ng resolusyon ang Interagency Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) sa apela ng Move It. Ayon sa LCSP, noong Abril 2025 ay pinarusahan ng TWG ang Move It dahil sa paglabag sa mga limitasyon ng fleet at hindi pagsunod sa mandatoryong mga kinakailangan sa pag-uulat na itinakda sa ilalim ng motorcycle taxi pilot study. Kaugnay nito, inutusan ng TWG ang Move It na bawasan ang laki ng fleet nito alinsunod sa alokasyon ng gobyerno at itigil ang operasyon…
Read MoreMANGINGISDA TULUNGAN DIN KAHIT ‘DI BINAHA – TULFO
KAILANGAN din bigyan ng ayuda ang mga mangingisda tuwing may bagyo o masama ang panahon, kahit hindi sila binaha. Ito ang panawagan ni Senador Erwin Tulfo sa pamahalaan matapos dumalaw sa lalawigan ng Palawan kamakailan. “‘Pag may bagyo o masama ang panahon, hindi nakapaghahanapbuhay ang mga mangingisda natin at wala silang makain at pamilya nila sa buong panahon na may bagyo o masama ang panahon,” ayon sa mambabatas. Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Palawan kay Sen. Tulfo, July 19 pa hindi nakapagpalaot ang may 11,000 fishermen…
Read MoreOCD CENTRAL OFFICE NAGHATID NG NON-FOOD ITEMS SA REGION 1
BAHAGI ng patuloy na relief operations bunsod ng pinagsama-samang epekto ng bagyong Crising, Dante at Emong na pinalala ng nararanasang Habagat na naging sanhi ng mga pagbaha, landslide, ipinadala ng Office of Civil Defense (OCD) Central Office ang limang 10-wheeler trucks na may lulan na essential non-food items (NFIs) sa OCD Regional Office I. Inihatid ang non-food items sa mga bodega ng OCD Region I sa Pagdalagan, San Fernando City, La Union. Ayon sa Office of the Civil Defense, tatlo sa mga ito ay naglalaman ng mahigit 2,500 kitchen sets…
Read MoreCONSTITUTIONAL CRISIS NAMUMURO
NAMUMURONG mauwi sa constitutional crisis ang pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil pinakialaman ng Korte Suprema ang trabaho ng Kongreso. Ito ang babala ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno kaugnay ng desisyon ng SC noong Biyernes kung saan 13 mahistrado ang sumang-ayon sa sinulat na desisyon ni Senior Associate Justice Marvic Leonen habang isa ay nag-inhibit at on-leave naman ang isa pa. “Never sa history natin, sa jurisprudence natin na nangyari na nag-clash ang dalawang power na ‘yan (Kongreso at…
Read MoreSa hamong drug test BASTE, MAUNA KA – SOLON
KUNG may unang dapat sumailalim sa drug test ay si Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte kasama ang lahat ng mga empleyado ng city hall bago ito maghamon ng hair follicle drug testing sa lahat ng halal na opisyales ng gobyerno, ayon sa isang mambabatas sa Kamara. “You want to talk about accountability? Then lead by example. Drug testing should begin in Davao City, and the results should be made public. That includes the mayor himself,” hamon ni Manila Rep. Joel Chua kay Duterte. Ginawa ng mambabatas ang pahayag…
Read MoreTULOY ANG SONA
UMULAN man o bumagyo ay tuloy ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong hapon, July 28, 2025 na gaganapin sa Batasan Pambansa, Quezon City. Mula noong Huwebes ay pinaigting ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Security Group (PSG) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Inanunsyo ng pamunuan ng Kamara na hindi papasukin ngayong araw ang mga walang SONA ID kung saan dadaan sa mahigpit na security…
Read More