FLOOD CONTROL PROJECTS SA LAGUNA LAKE WALANG SILBI

SA kabila na napakarami ng flood control projects ang ipinatupad sa Laguna Lake, mistulang wala itong silbi dahil binabaha pa rin ang mga komunidad sa paligid ng lawa kapag panahon ng tag-ulan. Dahil dito, inatasan ni Biñan Laguna Rep. Walfredo “Arman” Dimaguila Jr., ang House committee on ecology na rebyuhin ang lahat ng flood control projects sa paligid ng Laguna Lake at alamin kung kailangan ang isang master plan para maibsan ang pagbaha. “Numerous flood control projects have been implement in and around the Laguna Lake region over the years…

Read More

PHILCONSA UMAPELA SA SC

UMAPELA ang Philippine Constitution Association (PHILCONSA) sa Kataas-taasang Hukuman na muli nitong suriin ang naging desisyon hinggil sa Impeachment kontra kay Vice President Sara Duterte. Sa apat na pahinang opisyal na pahayag ng samahan, nakapaloob dito ang kanilang panawagang mabalikan ng Korte Suprema ang deklarasyon nito sa ipinasang Impeachment complaint ng Kamara. Kung saan inihayag din ng naturang grupo ang mariin at seryosong pag-aalala ukol sa naturang desisyon ng Korte Suprema. Naniniwala kasi ang PHILCONSA na nagkaroon ng kakulangan o kawalan ng sapat na batayan sa kinalabasan nitong ‘deklarasyon’ kasunod…

Read More

Tulfo tinabla ng 2 kongresista PAGLUSAW SA 4Ps BUTATA SA KAMARA

SI Sen. Erwin Tulfo habang nagbibigay ng kanyang privilege speech sa Senado ngayong Lunes. DANNY BACOLOD NAGTATANGKA pa lamang si Sen. Erwin Tulfo na ilatag ang kanyang panukalang ibasura ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at palitan ito ng livelihood, binutata na ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina 4Ps party-list Rep. JC Abalos at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na kontra ang mga ito sa panukala ng senador at iginiit na hindi palamunin ang 4Ps beneficiaries. “Livelihood is indeed a powerful…

Read More

12 PULIS SA MISSING SABUNGEROS 90-DAY SUSPENDED, WALANG SAHOD

PINATAWAN ng National Police Commission ng 90-day preventive suspension ang 12 pulis na sangkot sa kaso ng mga missing sabungero. Layon ng nasabing hakbang na masiguro ang kaligtasan ng mga witness at integridad ng isinasagawang imbestigasyon. Ang resolusyon ay inilabas ni Napolcom Vice Chairman Atty Rafael Calinisan na natanggap na rin ni PNP chief General Nicolas Torre III. Ito ay may kaugnayan sa inihain na mosyon ng whistleblower na si Julie Patidongan laban sa naturang mga pulis na nakitaan naman ng Napolcom ng probable cause dahil sa strong evidence of…

Read More

7 SA 8 NAPATAY NA NPA KINILALA

OPISYAL na kinumpirma ng Philippine Army 8th Infantry “Stormtroopers” Division ang pagkakakilanlan ng pito sa walong Communist Terrorist Group (CTG) na napaslang sa naganap na twin encounters sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar bago sila binigyan ng marangal na libing. Ayon sa 8ID, nakipag-ugnayan sila sa local government unit ng Las Navas para ihanda ang mga bangkay sa isasagawang funeral services kasunod ng cultural and legal protocols at paggalang sa dignidad ng tao. Ang pitong napatay na miyembro ng New People’s Army ay kinilalang sina Richard Jumadiao alyas…

Read More

Sa pagkamatay ng sundalo sa reception rites 2 ARMY JUNIOR OFFICERS, 19 IBA SINIBAK SA HAZING

DALAWANG Philippine Army junior officers at 19 enlisted personnel ang sinibak sa kanilang puwesto at sumasailalim sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang rookie soldier na isinalang sa reception rites subalit hindi kinaya kaya nag-collapse ito at binawian ng buhay sa pagamutan sa Cotabato City. Kinumpirma  ni Army spokesperson Col. Louie Dema-Ala ang pag-relieve at imbestigasyon sa 21 sundalo na isinasangkot sa pagkamatay ng bagong talagang sundalo sa Army 6th Infantry Battalion sa Maguindanao del Sur. Kidney failure ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ni Private Charlie G. Patigayon kaugnay sa isinagawang traditional…

Read More

Bago lumipad si PBMM patungong India MALAKING SAWA NAHULI SA PAF HEADQUARTERS

ISANG tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang dinala sa pagamutan nitong Lunes matapos na matuklaw ng isang malaking sawa na gumagala sa Villamor Air Base, sa Pasay City ilang oras bago ang flight ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong India para sa gaganaping state visit. Nakita ang ahas sa madamong bahagi ng air base kaya agad na hinuli ito ng isang sundalo ngunit lumaban ang sawa at nasakmal ito subalit nagawa ring maisilid sa sako ng sumaklolong mga sundalo. Agad namang nilinaw ni Philippine Air Force chief Arthur Cordura…

Read More

4 CHINESE TIMBOG SA PAGDUKOT SA KABABAYAN SA PARAÑAQUE

KALABOSO ang apat na Chinese nationals makaraang masakote ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group dahil sa pagdukot sa kapwa nila Chinese. Ayon kay PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, tumawag sa 911 ang kaibigan ng biktima at sa isinagawang operasyon noong Agosto 2 ay naaresto ang mga suspek. Sinabi ni Torre, modus ng mga suspek ang “money changing” at kapag may nagpapalit ng pera na malaking halaga ay dudukutin nila ito. Kilalang nagpapautang at pagpapalit ng pera ang mga suspek at napag-alaman din na dating nagtatrabaho sa POGO. Makaraang…

Read More

6 KATAO NASABUGAN NG AIRCON COMPRESSOR

ANIM na indibidwal ang sugatan kabilang ang isang naputulan ng kamay, makaraan ang pagsabog ng isang aircon compressor habang binabaklas ito noong Linggo ng hapon sa panulukan ng Tayuman at Dagupan Streets sa Barangay 234, Tondo, Manila. Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office ng Manila Police District, kinilala ang mga biktima na sina alyas “Christina” 36; “Mike”, 49; “Roman”, 51; “Ryan”, 43; “Jimboy,” 59, at isang 14-anyos na menor de edad. Batay sa ulat ni Police Major Arnold Echalar ng Sector Bravo Line Beat 3…

Read More