4 CHINESE TIMBOG SA PAGDUKOT SA KABABAYAN SA PARAÑAQUE

KALABOSO ang apat na Chinese nationals makaraang masakote ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group dahil sa pagdukot sa kapwa nila Chinese.

Ayon kay PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, tumawag sa 911 ang kaibigan ng biktima at sa isinagawang operasyon noong Agosto 2 ay naaresto ang mga suspek.

Sinabi ni Torre, modus ng mga suspek ang “money changing” at kapag may nagpapalit ng pera na malaking halaga ay dudukutin nila ito.

Kilalang nagpapautang at pagpapalit ng pera ang mga suspek at napag-alaman din na dating nagtatrabaho sa POGO.

Makaraang salakayin ng AKG ang lugar ng mga suspek, isa pang biktima ang kanilang na-rescue.

Nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping for ransom ang naarestong mga suspek.

(TOTO NABAJA)

149

Related posts

Leave a Comment