ALIPIN PA RIN ANG PINAS NG ISIPANG KOLONYAL

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA (Quote o Sipi: “If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his language, that goes to his heart.” – Nelson Mandela) _______________________________________ Uulitin ko dear readers, hindi po natin iminumungkahi na magpakita tayo ng tapang laban sa China na hindi naman natin kayang mapanindigan. Pero kailangan natin na magpakita tayo ng malakas na pagtutol at pagkondena sa hindi parehas na trato ng pagkakaibigang ibinibigay natin sa bansang Tsina. Kailangan marahil…

Read More

OFW HUMIHINGI NG AGARANG SAKLOLO SA PANG-AABUSO

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NAKARATING sa OFW JUAN sa Saksi Ngayon ang isang matinding kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatan ng manggagawa. Kinilala ang OFW na si Divina Ganoot Perez, kasalukuyang nagtatrabaho sa At-Taif, Saudi Arabia. Siya ay na-deploy sa pamamagitan ng lokal na ahensyang Technilink Philippines Corp. at ng foreign recruitment agency (FRA) na Rokn Alaliyat Recruitment Office. Ayon kay Divina, nagsimula ang kanyang kalbaryo ilang buwan pa lamang mula nang siya ay magsimulang magtrabaho. Ilang buwan umano siyang hindi sinahuran, kinukuha ang kanyang cellphone,…

Read More

EDUKASYON, PUNDASYON NG MAUNLAD NA KINABUKASAN – CONG. JIMMY FRESNEDI

TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagbubukas ng ika-20 Kongreso ng Pilipinas, muling napatunayan na ang tunay na lider ay hindi lamang nakikinig sa mga hamon ng bayan kundi aktibong kumikilos upang tugunan ang mga ito. Isa sa mga haligi ng ganitong pamumuno ay si Congressman Jimmy Fresnedi ng lungsod ng Muntinlupa—isang mambabatas na matibay ang paniniwala na ang edukasyon ang pundasyon ng maunlad na kinabukasan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay patuloy na sinusubok ng iba’t ibang salik: kakulangan sa pasilidad,…

Read More

Para kapani-paniwala – Ungab KAMARA ‘WAG UMEPAL SA FC INVESTIGATION

(BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa pagkakadawit ng ilang kongresista sa flood control projects, nararapat lamang na hindi pakialaman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa nasabing anomalya. Ito ang iginiit ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanyang privilege speech sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects na naging dahilan para sabihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga sangkot ng “mahiya naman kayo!” Ang Kamara sa pamamagitan ng House committee on public accounts ay nagsimula nang mag-imbestiga sa flood control projects at tutulungan umano ito ng House…

Read More

Huwag puro kuda LACSON, MAGALONG DAPAT ITURO MGA ‘CONGTRACTOR’

HINIKAYAT ng Malakanyang sina Senador Panfilo Lacson at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na direktang magsumbong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa kanilang nalalaman ukol sa may 67 kongresista na sinasabing sangkot sa paggamit ng mga pekeng contractor bilang front sa mga proyekto. “Idiretso na nila ito sa Pangulo kung mayroon silang partikular na pangalan na alam at para po mas mabilis ang pag-iimbestiga, welcome po lahat iyan at bigyan lang po nila ng kumpletong detalye,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.…

Read More

Sa tamang forum ISYU SA CONFI FUNDS IPALILIWANAG NI VP SARA

HANDA si Vice President Sara Duterte at kanyang kampo na sagutin sa tamang forum ang mga alegasyon kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang tanggapan sa kanyang confidential funds kahit pa may pagbabago sa kanyang impeachment case. “Kung may kaso, sa tamang forum mag-eexplain kami. Nagsabi kami noong nag-file sila ng articles of impeachment nila na ready ang defense team na sumagot sa accusations ng prosecutors ng House,” ang sinabi ni VP Sara sa sidelines ng Kadayawan Festival sa Davao City. “Noong umakyat sa Supreme Court ang kaso, lahat ng…

Read More

VAULT NG CONVENIENCE STORE NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Uminom muna ng tsokolate saka nilimas ang laman ng vault ng isang lalaki na nanloob sa isang kilalang convenience store sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na short at yellow t-shirt at nakasuot ng face mask. Ayon kay Nocon Inique, 31, store crew ng convenience store sa Marsiela Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-7:00 ng umaga nang natuklasan nito ang panloloob sa tindahan nang napansin nito ang ilang bote ng tsokolate…

Read More

TIRADOR NG MOTOR NAHULI NANG MAAKSIDENTE

NAHULI ng mga awtoridad ang isang babaeng nagnakaw ng motorsiklo sa lalawigan ng Quezon matapos maaksidente sa Sto. Tomas City sa Batangas habang tumatakas. Ang suspek ay kinilalang si Rhea May Ibañez Marquez, 24, residente ng Bulacan. Ayon sa report, nitong Lunes ay personal na nagtungo ang biktimang si Jovan Paul Masongsong, 26, taga-San Antonio, Quezon, sa Tiaong Municipal Police Station upang i-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo. Iniwan umano niya ang kanyang Honda Click na nakaparada sa tapat ng isang lying-in clinic sa Sitio Sambat, Brgy. Talisay, Tiaong nang…

Read More

PAWNSHOP NILOOBAN, EMPLEYADA PINATAY

LAGUNA – Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang empleyada ng sanglaan ng mga gadget ilang minuto makaraan nitong i-report sa kanilang manager ang hinggil sa nangyaring panloloob sa kanilang establisyemento sa Cabuyao City. Ayon sa report ng Cabuyao City Police, nangyari ang krimen dakong alas-9:40 ng umaga noong Lunes at kinilala ang biktimang si alyas “Jona”, 27, nadatnan ng mga katrabaho na walang buhay na nakahandusay sa sahig at may tatlong saksak sa leeg, kaliwang balikat at tiyan. Sa pagsisiyasat, sinasabing pinakaunang pumasok sa trabaho ang biktima at…

Read More