IBINUNYAG na ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinasabing tumawag at nag-imbita kay Senate Minority leader Vicente Tito Sotto II para sa maagang insertions sa panukalang pambansang budget para sa 2026. Ayon kay Lacson, may tumawag na nagpakilalang si “Undersecretary Cabral” sa isang staff ni Sotto makalipas ang halalan sa Senado noong Mayo. Tinanong umano nito ang nais nilang ipasok sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026. “Sasabihin ko na, si ‘Undersecretary Cabral’ daw ang tumawag sa kanyang…
Read MoreDay: September 7, 2025
Para masawata katiwalian BANK SECRECY WAIVER HIRIT SA DPWH
IPINANUKALA ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na pirmahan ng lahat ng opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang waiver sa bank secrecy law upang maberipika kung sino ang sangkot sa katiwalian. Ginawa ni Diokno ang mungkahi sa House committee on appropriations matapos humiling si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang linggo upang repasuhin ang pondo ng flood control projects, kung saan umano’y P100 bilyon sa P250 bilyon ay inilaan sa mga lugar na hindi naman binabaha. “Walang dapat ikatakot ang mga opisyal kung wala…
Read MoreUminit sa gitna ng flood control scandal ROMUALDEZ PATATALSIKIN
(BERNARD TAGUINOD) MULING umugong ang usapin ng kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasabay ng umiinit na anomalya sa flood control projects na kinasasangkutan ng ilang kontraktor at mambabatas. Noong Sabado ng gabi, kumalat ang balitang posibleng mapatalsik si House Speaker Martin Romualdez at ipalit umano sa kanya si Bacolod City Rep. Alfredo “Albee” Benitez. “May mga natatanong kung totoo na si Albee na ang Speaker,” pahayag ng isang kongresistang tumangging magpakilala matapos ilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang matinding pagtutol sa umano’y pagtatangkang ibunton ng ilang kongresista ang…
Read MoreLEGARDA ITINURO SA IMBENTONG BRIBERY CASE
LUMUTANG ang political agenda sa kontrobersyal na bribery case laban sa isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos iugnay ng inirereklamo ang mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na nagmaniobra umano nito. Mariing itinanggi ni DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo ang paratang na nagtangka siyang magbigay ng P3.1 milyon kay Leviste, at iginiit na bahagi lamang ito ng isang “political agenda.” Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Calalo na gawa-gawa ang kaso laban sa kanya at binabaluktot lamang ang…
Read MoreKAPOTE PUMULUPOT SA GULONG, RIDER PATAY
ANTIPOLO CITY – Pumulupot sa gulong ang suot na kapote ng isang motorcycle driver na nagresulta sa aksidente na ikinamatay nito sa Sitio Kapatagan, Brgy. San Jose sa lungsod noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report, kinilala ang biktimang si Jenney “Junior” Herona Jr., residente ng Baras, Rizal at nagdedeliver ng fresh chicken nang mangyari ang aksidente. Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Suzuki Raider 110cc motorcycle ang 22-anyos na biktima bandang alas-6:05 noong Biyernes ng umaga at patungo sa Marcos Highway. Habang dumaraan sa kahabaan ng Kapatagan Road si…
Read MoreFORMER PNP SPOKESPERSON, ITINALAGA SA MINDANAO
INILIPAT ng pamunuan ng Philippine National Police si dating PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo sa Mindanao. Base sa pinakahuling reassignment order na ipinag-utos ni PNP acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., inalis si BGen. Fajardo bilang Director ng Directorate for Comptrollership at itinalaga sa Area Police Command-Eastern Mindanao. Kasama ni Fajardo na dinala sa Area Police Command-Eastern Mindanao si Brigadier General Leon Victor Rosete. Samantala, hinirang namang kahalili ni Fajardo si Major General Westrimundo Obinque na mistah ni Nartatez. Habang ipapalit naman sa nabakanteng puwesto ni Obinque…
Read More3 NAWAWALANG MANGINGISDA NASAGIP NG PHIL. MARINES
NASAGIP nitong Linggo ng umaga ng mga tauhan ng Philippine Marines ang tatlong mangingisda na naligaw at nawala sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ayon sa ulat na ipinarating sa pamunuan ng Philippine Navy Marines, bandang alas-8:30 ng umaga nailigtas ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9), na naka-station sa isang detachment sa West Philippine Sea, ang nawawalang mga mangingisda na dalawang araw nang stranded sa dagat. Kinilala ang mga nasagip na fishermen na sina Romeo H. Carta, 50; Rojin A. Santillan, 28; at Axel C. Gonzaga,…
Read MoreRAPE SUSPECT NASILO SA TONDO
BINITBIT ng mga operatiba ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Delpan Police Station 12, ang isang suspek sa panggagahasa nang matunton sa Barangay 106, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Tyron James”, 25-anyos, binata, jobless, residente ng Balut, Tondo. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ryan Valenzuela, assistant chief ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Robert Sales, District Intelligence chief, bandang alas-5:25 ng hapon nang matunton ang suspek sa nasabing lugar.…
Read MoreBUCOR CHIEF PINARANGALAN
GINAWARAN si Bureau of Corrections Director Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng Modern Hero of Integrity and Service Award sa Asia’s Golden Icon Awards na ginanap sa Okada Manila, Pasay City. Kinilala ng board of judges, na kinabibilangan ng mga kinatawan mula PCCI, PEZA, at Kongreso, ang kanyang kontribusyon sa pagpapatupad ng reporma at integridad sa BuCor. Inialay ni Catapang ang parangal sa mga kawani ng BuCor at sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), na aniya’y nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon para sa tunay na rehabilitasyon. “This award… serves…
Read More