OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG sumbong ang ipinahayag ng isang padre de pamilya matapos maranasan ng kanyang asawa, isang overseas Filipino worker (OFW), ang matinding pang-aabuso mula sa kanyang employer sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay Ginoong Romnick Aycardo, ang kanyang misis na si “Josa” (hindi tunay na pangalan), tubong South Daang Hari, Taguig City, ay mistulang alipin sa poder ng kanyang amo. Ayon sa salaysay, ang kinakain lamang umano ni Josa ay tira-tirang pagkain ng kanyang mga amo. Hindi lang ito—laging galit at masungit ang among…
Read MoreDay: September 22, 2025
WOMB TO WORK CARAVAN, MULING BINUHAY SA MUNTINLUPA!
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang muling paglulunsad ng Womb to Work Program (WWP) Community Caravan sa Muntinlupa. Hindi lamang ito basta proyekto, kundi isang komprehensibong programa na tumutok sa kalusugan at kinabukasan ng bawat pamilya—mula sa sinapupunan hanggang sa oras na handa na ang mga anak na pumasok sa mundo ng trabaho. Mahalaga ang adbokasiyang ito ni Mayor Ruffy Biazon sapagka’t binibigyang halaga nito ang tatlong pundasyon ng isang matatag na komunidad: kalusugan, nutrisyon, at kabuhayan. Sinasabing sa pamamagitan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na…
Read MoreSIMULA NA NG PANINGINGIL SA MGA MANDARAMBONG
SIMULA pa lamang ng paniningil sa mga magnanakaw sa gobyerno ang Trillion Peso March na isinagawa kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa EDSA People Power Monument at Luneta, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Ito ang binigyang-diin ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na nagsabing hindi titigil ang mamamayan hanggang hindi napapanagot ang mga sangkot sa pagnanakaw ng pondo, hindi lang sa flood control projects kundi maging sa iba pang programa ng pamahalaan. “Eto ay simula pa lang ng ating martsa para sa pananagutan. Matagal nang hinahangad ng…
Read MoreBBM-SARA HAHABULIN SA CAMPAIGN DONATION
HINAMON ng Makabayan bloc sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte na isapubliko ang lahat ng natanggap nilang campaign donations sa mga kontratista na may proyekto sa gobyerno. Kasabay nito, sinabi nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Louise Co At Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na dapat panagutin din ang dalawang pinakataas na lider ng bansa sa paglabag ng mga ito sa election laws. Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag kasunod ng expose’ ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na…
Read MorePAGTATAYO NG CLASSROOMS HINDI NA EKSKLUSIBO SA DPWH
MULING nagpahayag ng pagkadismaya ni Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi magamit. “Nakakagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korapsyon sa mga infrastructure projects ng pamahalaan,” saad ni Gatchalian. “These findings affirm the direction we plan to take: the DPWH will no longer have the sole authority to build classrooms,” giit pa niya. Binigyang-diin ng senador na sa gitna ng lumalalang…
Read MoreAtty. Rodriguez sa PhilHealth funds P60-B ‘BUDOL’ NG MARCOS ADMIN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kautusan nito na ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sobrang pondong nagkakahalaga ng ₱60 bilyon na naunang inilipat sa national treasury. Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, Setyembre 20, tinawag ni Rodriguez na isang “budol” ang hakbang ng Pangulo. “Dahil ramdam ang galit at hagupit ng Pilipino, isang budol na tugon ang muling ipinalabas ni Marcos. Paano niya ibabalik ang P60B ng PhilHealth gayong wala naman savings na pagkukunan,…
Read MoreHALF-DAY WORK SA GOVERNMENT OFFICES NGAYONG LUNES, SEPT. 22 PARA SA FAMILY WEEK
IDINEKLARA ng Malakanyang ang half-day work sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Executive branch sa Lunes, Setyembre 22, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Family Week at ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day. Ayon sa Memorandum Circular (MC) 96 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido ang trabaho simula ala-1 ng hapon sa naturang petsa. Gayunman, tuloy pa rin ang operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic services, kalusugan, at disaster response para masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko. Hinimok din ang iba…
Read More