NASA mainit na usapin ngayon si Marikina 1st District Congressman Marcelino “Marcy” Teodoro matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na may mga kasong inihain laban sa kanya sa National Prosecution Service. Ayon kay DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, dalawang babaeng pulis na dating close-in security ni Teodoro ang nagsampa ng reklamo. Batay sa mga dokumento, ang unang reklamo ay paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness. Samantala, ang ikalawang reklamo ay Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A at isa pang kaso…
Read MoreMonth: September 2025
‘KICKBACK’ UMABOT SA MALACAÑANG? BERSAMIN PUMALAG
“NOT TRUE.” Ito ang mariing tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa akusasyon na tumanggap ng ‘kickbacks’ ang Office of the Executive Secretary (OES) mula sa Department of Public Works and Highways’ (DPWH) infrastructure projects. Sa ulat, nabanggit kasi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa di umano’y anomalya sa flood control projects, na noong 2024, nakapulong niya si Education Undersecretary Trygve Olaivar para pag-usapan ang unprogrammed appropriations na sinasabing nakaukol para sa Office of the Executive Secretary (OES). Sinabi…
Read MoreCHR KINASTIGO SA PAGKAMPI SA ‘HOOLIGANS’ SA LUNETA RALLY
KINASTIGO ng dating kongresista na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Commission on Human Rights (CHR) matapos nitong ipagtanggol ang mga kabataang naaresto sa kaguluhan sa kilos-protesta laban sa katiwalian sa flood control projects. Ayon kay Barbers, imbes na kastiguhin ang mga tinawag niyang “masked hooligans,” tila pinapalakas pa ng CHR ang loob ng mga pasaway sa pagbibigay ng proteksyon at legal assistance. “Kung ang mga ‘hooligans’ na nakita sa social media at TV na nanggugulo sa Luneta, Ayala Bridge at Chino Roces Bridge noong Sept. 21…
Read MoreKAILANGAN PAREHO PROPONENT AT CONGRESSIONAL DISTRICT – TIANGCO
IGINIIT ni Navotas Rep. Toby Tiangco na dapat pareho ang proponent ng proyekto at ang congressional district kung saan ito ilalagay. Ito ang posisyon ni Tiangco sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, natuklasan niya mula sa listahan na nakuha niya kay Cong. JJ Suarez na may mga proponent na kongresista na naglagay ng proyekto sa lugar na hindi niya distrito. “Noong nakuha ko ang listahan, pinagtapat-tapat ko kung sino ang proponent at sino iyong congressional district,” wika ni Tiangco.…
Read MoreBANAT NG DAYUHAN KAY PBBM PINALAGAN NI GOITIA: PROPAGANDA!
MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang isang foreign social media post na tumawag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may “low IQ.” Ayon kay Goitia, malinaw na ito ay desperadong propaganda laban sa isang lider na matatag na lumalaban para sa sambayanang Pilipino. “Diretsuhin na natin — malinaw na propaganda ito. Wala silang alam sa ating kasaysayan at mga pakikibaka, pero ang lakas ng loob nilang insultuhin ang ating Pangulo at ang ating bayan. Hindi na ito katanggap-tanggap,” giit ni Goitia. Pamumunong may paninindigan Tinuligsa…
Read MoreREKLAMO KAY REP. MARCY: PANINIRA, PAGLILIHIS SA ISYU
TILA paninira at pagtatangkang ilihis ang isyu ang nakikitang motibo ng kampo ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa isinampang kasong acts of lasciviousness ng dalawang babaeng pulis laban sa kanya. Giit ng kongresista, sunod-sunod ang mga “walang basehang” akusasyon matapos niyang isiwalat ang double funding sa mga proyekto ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program. Kabilang dito ang testimonya ng mag-asawang kontrobersyal na kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya, na nagsabing binigyan nila ng pera si Teodoro. Lumabas ang alegasyon sa pagdinig ng Senate Blue…
Read MoreOMBUDSMAN MAY KINIKILINGAN AT TINITINGNAN?
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko masisisi ang mga tao na isiping may kinikilingan at tinitingnan ang Office of the Ombudsman, depende kung hindi sila magbabago, ay baka mawala rin nang tuluyan ang tiwala ng mga tao sa institusyong ito tulad ng pagdududa ngayon sa Kongreso dahil sa pagkakasangkot ng mga mambabatas sa mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno. Halimbawa rito ang kaso nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman (ret) Judge Felix Reyes na nakabinbin sa Office of the Ombudsman. Noong Marso,…
Read MoreKAPANGYARIHAN NG PLATFORM GAMITIN NANG TAMA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA sa mga bagay na hindi ko maiwasang pansinin sa social media ay kung gaano kalakas ang boses ng mga sikat na tao. Isang tweet, isang post, o isang video lang ay kayang mapatingin at mapag-usapan ng maraming tao. Parang may hawak silang invisible megaphone na abot agad sa libo-libo o milyong tao nang hindi man lang pinaghihirapan. Sa panahon na maraming nangyayaring isyu sa paligid, ang kanilang mga salita ay kayang magsimula ng mga usapan na minsan ay mahirap gawin ng ordinaryong tao.…
Read MoreESTRADA, VILLANUEVA, REVILLA, ET AL ITINUGA NI ALCANTARA SA KICKBACKS
PUNA ni JOEL O. AMONGO PINANGALANAN na ni dating Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sina Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at dating Sen. Bong Revilla, dating Rep. Mitch Cajayon at Commission on Audit Commissioner Mario Lipana na kumuha ng kickbacks mula sa mga maanomalyang proyekto na hawak ng DPWH. Sa pinakahuling pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa pamumuno Senator Lacson, kinumpirma nito ang sinabi ng kanyang assistant na si Engr. Brice Hernandez na dawit sina Estrada at Villanueva sa maanomalyang mga…
Read More