(BERNARD TAGUINOD) UMAPELA si Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbes sumama sa rally sa Linggo na itinaon sa anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ng kanyang amang si Ferdinand Sr., ay pakinggan na lamang ang hinaing ng taumbayan laban sa katiwalian at aksyunan ito. “We welcome the President’s expression of support. Pero hayaan niya itong platapormang ito ay para sa taumbayan. Galit na galit na po ang taumbayan. Nasa boiling na po ang galit ng taumbayan,” ani Cendaña. “Mas maganda sa araw na ito…
Read MoreMonth: September 2025
HIGIT 2K PAMILYANG NASUNUGAN INAYUDAHAN NG MANILA LGU
KABUUANG 2,184 pamilyang nasunugan sa Aroma Temporary Housing, Happy Land sa Tondo, Maynila ang nabigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Dela Fuente, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at Vice Chi Atienza kasama ang iba pang kawani ng MDSW, ang pamamahagi ng tig-P15,000 bawat pamilya bilang agarang tulong para sa muling pagbangon ng mga naapektuhan ng malawakang sunog. Hindi lamang pinansyal ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod kundi gayundin ang ready-to-eat food boxes. Matagumpay na natapos ng MDSW…
Read MoreASTANG SUNDALO DINAMPOT SA SUKBIT NA BARIL
CAVITE – Swak sa kulungan ang lalaking umastang sundalo makaraang madakip dahil sa pagdadala ng baril sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Nasa kustodiya na ng Dasmariñas Component City Police Station ang suspek na si alyas “Sherwin”, nasa hustong edad, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Dasmariñas CPS hinggil sa isang lalaki na “feeling militar” habang nakasuot ng camouflage sleeveless shirt, camouflage pants at itim na bonnet at pagala-gala sa Brgy. Paliparan II, Dasmariñas…
Read More19 TIMBOG, 29 ARMAS KUMPISKADO SA BARMM GUN BAN
UMABOT sa 19 na indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban kaugnay ng nalalapit na BARMM Parliamentary elections. Sa gun ban na ipinatupad simula noong Agosto 14, hanggang Setyembre 15, may kabuuang 19 na kasong paglabag ang naitala at 29 na iba’t ibang uri ng armas ang nakumpiska. Ayon kay PRO-BAR spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, kabilang dito ang operasyon sa Brgy. Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur, kung saan dalawa katao ang naaresto. Nakuha mula sa SUV ang…
Read MoreIKA-127 ANIBERSARYO NG MALOLOS CONGRESS GINUNITA
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang paggunita ng Ika-127 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos noong Lunes, Setyembre 15. “Nawa’y tiyakin natin na ang mga biyaya at yaman ng ating lalawigan ay nagagamit nang wasto para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Bulakenyo, dahil ang kalayaan ay walang kabuluhan kung hindi ito kaakibat ng pananagutan at pakikiramay.” Ito ang mensahe ni Sandiganbayan Associate Justice Theresa V. Mendoza-Arcega, ang panauhing pandangal sa nasabing pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa Unang Kongreso ng Pilipinas na…
Read MoreDPWH Sec. Dizon dismayado FC PROJECT SA LA UNION, ‘SUPER SUBSTANDARD’
DISMAYADO si DPWH Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno partikular ang flood control matapos madiskubre na “super substandard” ang materyales na ginamit sa mga proyekto sa Barangay Acao, Bauang, La Union. Bukod dito, nadiskubre rin ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang nasabing proyekto na ini-report nang “completed” noong Marso. Giit pa ng kalihim, tila “props” lamang at peke ang proyekto kung saan ikinabit lang ang mga materyales at mga tubo. Kaugnay nito, sinisiguro ni Sec. Dizon na pananagutin ang mga nasa…
Read MoreApela ng ilang Obispo TAAS-SINGIL SA NAIA SUSPENDIHIN
UMAPELA ang ilang Obispo sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong concessionaire, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), na agad suspendihin ang pagpapatupad ng across-the board hike sa mga bayarin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) epektibo Setyembre 14, at sa halip ay nanawagan para sa kung anong ‘tunay at inklusibong konsultasyon’ sa lahat ng stakeholder sa industriya ng aviation. Ginawa ang apela sa isang “Concelebrated Mass for Guidance, Truth, and Accountability for aviation industry officials,” sa Pasay City, na pinangunahan nina Bishops Ben Labor, Aldrin Lleva, at Agustino Tangca.…
Read MoreKUMUHA NG 2025 BAR EXAMS PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN
INIHAYAG ng Korte Suprema na umabot sa 11,425 ang mga nakakumpleto sa tatlong araw na 2025 Bar Examinations. Ayon sa Korte Suprema, itong taon ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Philippine Bar. Mula sa 13,193 admitted applicants, naitala rin ang record-breaking na 11,437 examinees na dumalo sa unang araw. Idinaos ang Bar Exams sa 14 local testing centers sa buong bansa, kabilang ang UST at San Beda sa Maynila, UP-BGC sa Taguig City, Ateneo de Manila sa Makati City, Saint Louis University sa Baguio, University of San Jose-Recoletos sa…
Read MoreP189.73-M DROGA NASAMSAM NG PDEA
UMABOT sa P189.73 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na bunga ng ikinasang serye ng anti-narcotics operation nitong nagdaang linggo katuwang ang iba pang law enforcement agencies ng gobyerno. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bukod sa bulto-bultong droga, nasa 98 drug personalities din ang kanilang nadakip mula Setyembre 5, hanggang Setyembre 12, 2025 na resulta ng 52 anti-illegal drug operations sa buong bansa. Sa pinagsama-samang ulat na ibinahagi ni Usec. Perez, mahigit isang kilo ng cocaine…
Read More