BOC CHIEF ITINANGGING BODYGUARD NIYA SI GUTEZA

Pinabulaanan ni Bureau of Customs Commissioner (BOC) Ariel Nepomuceno ang mga bali-balitang si dating Marine Master Sergeant Orly Guteza ay isa sa kanyang ‘close-in security’ at empleyado ng BOC. “Hindi siya close-in, wala siya sa payroll,” ika ni Nepomuceno matapos siyang tanungin ng isang reporter ukol sa kanilang ugnayan. Ngunit, sinabi rin ni Nepomuceno na kilala niya si Guteza dahil ito raw ay kaibigan ng isa sa kanyang security staff. Kaya nga nagulat din si Nepomuceno noong makita niya si Guteza na pineresenta bilang witness sa hearing ng Blue Ribbon…

Read More

Kasapi ng Dawlah Islamiya SUSPEK SA PAGPATAY SA KATUTUBO ARESTADO SA MILITAR

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Naaresto ng militar ang isang kasapi ng Dawlah Islamiya–Hassan Group na sangkot sa pagpatay sa isang miyembro ng katutubo, sa ikinasang operasyon ng mga sundalo sa Sitio Pangayawan, Barangay Tukanalugong, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur nitong madaling araw ng Biyernes, Oktubre 10. Kinilala ang suspek na si alyas Tagal, aktibong miyembro ng grupo, nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng lokal na korte. Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tropa ng 90th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt.…

Read More

Kasunod ng magnitude 7.4 offshore earthquake AFP AT PNP AGAD NAG-DEPLOY NG MGA TAUHAN SA DAVAO REGION

MABILIS na nag-deploy ng kanilang mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para magsagawa ng emergency response at rapid damages assessment kasunod ng magnitude 7.4 earthquake na yumanig sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 10, 2025. Ayon kay AFP chief of staff, Gen. Romeo Brawner Jr., ang hukbong sandatahan ay agad nag-deploy ng disaster response teams sa Davao Region sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “President Marcos Jr. gave the order to help our countrymen who were affected by the earthquake…

Read More

Kasunod ng tsunami warning PCG INALERTO ILANG DISTRITO SA MINDANAO

NAKAALERTO na ang ilang distrito sa Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao at Eastern Visayas kasunod ng inilabas na tsunami warning. Ito ay makaraan ang nangyaring magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental. Puspusan na ang isinasagawang coastal at sea monitoring ang mga tauhan ng PCG at nagbigay ng mga paalala sa publiko. Isinaaktibo na rin ang lahat ng Deployable Response Groups. Itinigil na rin pansamantala ang lahat ng water activities sa Siargao bilang bahagi ng precautionary measures. (JOCELYN DOMENDEN) 23

Read More

20 KILO NG KUSH NATAGPUAN NG MGA MANGINGISDA SA KARAGATAN NG PALAWAN

PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad na baka ginagawang entry point ng mga kasapi ng international drug syndicate ang probinsya ng Palawan matapos na muling makadiskubre ng kilo-kilong kush o imported high grade marijuana sa karagatang sakop ng lalawigan. Iniimbestigahan ngayon ang dalawang kaso ng recovery ng kush sa coastal water ng Palawan sa loob lamang ng isang linggo, kaya lumalakas ang hinala na ginagawang drug smuggling route ang kanilang karagatan. Nabatid na kamakailan lamang ay tinanggap ng Philippine Navy-Western Naval Command ang isinurender na kahina-hinalang package na nakuha umano ng mga…

Read More

6 KILO NG MARIJUANA NASABAT SA TULAK SA BULACAN

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos, Bulacan – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit anim na kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Guiguinto Municipal Police Station sa Brgy. Malis, sa bayan ng Guiguinto sa lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 10, 2025. Ayon sa report na ipinadala ni PLt. Col. Leonardo Lim, hepe ng Guiguinto Police Station, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Botong”, 29, residente ng nasabing barangay. Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang…

Read More