IGINIIT ni Charlie “Atong” Ang sa Department of Justice (DOJ) na ibalik sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa kanyang sinumpaang affidavit na isinumite sa DOJ, hiniling ni Ang, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villarreal, na ang CIDG ang muling magsagawa ng imbestigasyon para matiyak na ito ay maayos at walang kinikilingan. Ayon kay Villarreal, isang mapagkakatiwalaang reinvestigation ng pulisya ang magbibigay-daan sa mas maayos na case build-up ng DOJ panel — na magiging katanggap-tanggap…
Read MoreDay: October 18, 2025
Global EDM Meets OPM Greats at The International Series Music Festival presented by BingoPlus
The ultimate fusion of music, sports, and purpose is just 1 week away! The country’s leading digital entertainment platform, BingoPlus, is turning up the volume for The International Series Music Festival presented by BingoPlus — a one-night celebration of sports entertainment and Filipino charity happening on October 25 at the Aseana City Concert Grounds in Parañaque. Carrying the inspiring theme “Swing for Filipino Sports Dream,” the festival brings together global and local icons for an unforgettable night. EDM superstar Alan Walker leads the lineup, joined by Apl.de.Ap of the Black…
Read MoreGEN. TORRE TETESTIGO LABAN KAY QUIBOLOY
NAKATAKDANG tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Magugunitang ang on-leave police general ang nanguna sa ilang araw na paghahanap at tuluyang pagdakip kay Quiboloy, sa isinagawang search and law enforcement operation sa compound ng KOJC sa Davao City. Si Torre ay naghain ng kanyang official leave noong Agosto 26 na magtatagal hanggang Oktubre 31, matapos siyang halinhan ni Acting PNP chief Melencio Nartatez. Sa panayam ng media, inihayag ni Torre na nakatakda sa susunod na linggo…
Read MoreP200-M KIKITAIN SA AUCTION SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE
KINUMPIRMA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang planong pagsusubasta sa luxury vehicles ng mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), posibleng kumita ng hindi bababa sa P200 million kung isusubasta ang 13 luxury vehicles ng mag-asawang contractor. “Ang minimum na pwedeng kitain ng pamahalaan sa proceeds ng bidding ay should be a minimum of P200 to 220 million,” ani BOC commissioner Ariel Nepomuceno. Hawak ng Aduana ang 28 sasakyan nina Curlee at Sarah Discaya at binabalak na isubasta ang 13 sa…
Read MoreDISCAYA COUPLE WALA PANG SENYALES NG PAG-ATRAS SA DOJ
SA kabila ng pag-atras ng mag-asawang Discaya na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pang pahiwatig na hindi na rin sila makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ). Giit ni Fadullon, maaapektuhan ang kanilang aplikasyon bilang state witness dahil sa pag-atras nila sa pakikipag-ugnayan sa ICI. Wala rin aniya sa posisyon ang mga ito na diktahan ang DOJ kaugnay ng kanilang aplikasyon. “They’re applying for supposedly witness protection coverage. And we have our procedures to determine whether or not they will be…
Read MoreILI LOCKDOWN ITINANGGI NG DOH
ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na nagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI). Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news. Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil sa umano’y ILI outbreak. Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan…
Read MoreMAGNITUDE 6.2 LINDOL TUMAMA SA SURIGAO DEL SUR
MULING nabuhay ang takot sa posible pang sunod-sunod na malakas na paglindol nang yanigin ng magnitude 6.2 earthquake ang bayan ng General Luna sa Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang sanhi ng lindol na naramdaman bandang alas-7:03 ng umaga sa lalim na 10 kilometro. Natukoy ang episentro ng pagyanig may 13 km timog-silangan ng General Luna. Naramdaman ang Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, Silago, Southern Leyte; Surigao City, Surigao del Norte. “Most…
Read MoreEX-BJMP PERSONNEL TIKLO SA P.8-M SHABU
Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga — Arestado ang isang dating tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isinagawang buy-bust operation ng Dinalupihan Municipal Police Station noong Oktubre 16, 2025, sa Brgy. Daang Bago, Dinalupihan, Bataan. Batay sa inisyal na report, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “DC,” 31-anyos, dating opisyal ng BJMP. Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 122.10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P830,280.00, at ang marked money na ginamit sa…
Read More