2 BUDOL NA ‘FAITH HEALERS’ SA VALENZUELA ARESTADO

ARESTADO ang dalawang babae matapos mambudol ng P311,100.00 halaga ng alahas at cash, sa pagpapanggap na faith healer sa lungsod ng Valenzuela noong Linggo, Oktubre 19. Kinilala ni PCol. Joseph Talento, Acting Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Charie”, 34, at “Maria”, 50, pawang mga residente ng Barangay San Rafael, Montalban, Rizal. Kinilala naman ang mag-asawang biktima na sina Gilda at Domingo, kapwa 46-anyos at residente ng Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City. Ayon sa ulat, ulat ni PCpt. Robin Santos, hepe ng…

Read More

100 ZONE CHAIR SA MAYNILA PINAKILOS VS ‘BIG ONE’

HINIMOK ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mahigit 100 zone chairmen ng lungsod na bumuo ng kani-kanilang disaster preparedness plan at magsagawa ng regular simulation drills para maprotektahan ang mga Manileño sa posibleng pinsalang dulot ng malakas na lindol, gaya ng tinaguriang “The Big One.” Sa pagpupulong noong Martes, Oktubre 21, binigyang-diin ni Yorme Isko na kahit pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang mga programa sa disaster readiness, ang tunay na kahandaan ay dapat magsimula sa komunidad mismo. “Come up with a plan,” ani Isko. “Gumawa kayo…

Read More

P74 MILLION YAMAN IDINEKLARA NI SPEAKER DY

ISINAPUBLIKO ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na nagpapakitang may kabuuang yaman siyang P121,144,271.31, ngunit may utang na P47,124,876.71 — kaya’t P74,019,394.60 ang kanyang total net worth. Batay sa dokumento, pagmamay-ari ni Dy ang 11 agricultural lots (dalawa rito ay minana), 2 residential lots, at 3 bahay (dalawa rin ay minana) na nagkakahalaga ng P32,528,010. Mayroon din siyang cash na P25.184 milyon, mga alahas, personal na gamit, shares of stock, bodega, makinarya, at limang sasakyan, na may kabuuang halagang…

Read More

TRANSAKSYONG LUBIANO-ESCUDERO NAGSIMULA NOONG 2019 – LAWYER

PASAY CITY — Dalawang linggo matapos magsampa ng ethics complaint laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero, nagsumite si Atty. Eldridge Marvin Aceron ng Omnibus Motion sa Senate Ethics Committee na naglalantad umano ng transaksyunal na ugnayan sa pagitan ni Escudero at ng kontratistang si Roberto Lubiano mula pa noong gobernador pa ng Sorsogon si Escudero (2019–2022). Ang mosyon ay inihain sa gitna ng pansamantalang pagtigil ng Senado sa pagdinig hinggil sa flood control scandal, habang nagpapatuloy naman ang closed-door hearings ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Batay sa mga pampublikong…

Read More

KASO VS FPRRD AT BONG GO RECYCLED

RECYCLED o inulit lamang ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga kasong inihain laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Senador Christopher Bong Go kaugnay sa P7 bilyong kontrata na nakuha ng mga kumpanyang may kaugnayan sa mambabatas. Sinabi ni Go na noon pang 2018 ay nagsampa ng kahalintulad na kaso si Trillanes laban sa kanya na binuhay noong 2021 at inulit noong 2024. “Noong unang tumakbo ako bilang senador. Nag-ingay na siya noon. Siniraan na niya ako. Siya pang senador, nun. Ako hindi pa kandidato pala. Same…

Read More

Sunod-sunod na paninira kay Romualdez bahagi ng “hit or miss” demolition job ni Guteza sa Senado — Ace Barbers

INIUGNAY ni dating kongresista Ace Barbers ang sunod-sunod na paratang laban kay dating Speaker Martin Romualdez sa tinawag niyang “hit or miss” demolition job na inumpisahan umano kamakailan ni retired Sgt. Orly Regala Guteza sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Barbers, na dating pinuno ng House Quad Committee, malinaw umano ang pattern ng mga walang basehang akusasyon na tila bahagi ng isang organisadong kampanya ng paninira upang sirain ang kredibilidad ng dating Speaker. Tinukoy ni Barbers na ang biglaang paglitaw ni Guteza sa pagdinig ng Senate…

Read More

Almost 11,000 guests joined the celebration of Enchanted Kingdom’s 30th anniversary last October 19!

The magical night featured the Forever Enchanted Live: EK’s 30th Anniversary Concert held at EK’s very own LaunchPad Concert Grounds. The concert headlined one of OPM’s most iconic bands Parokya ni Edgar, together with this generation’s top bands Cup of Joe and Over October. Park goers enjoyed the Wheel of Fate: the Magical Journey of Eldar the Wizard, EK’s first ever projection mapping show. The festivities ended with Memories of Magic: Sky Wizardry EKstravaganza, a breathtaking pyromusical show. The award-winning theme park is celebrating 30 years of creating and providing…

Read More

GSIS trustees, binanatan si Veloso: ‘ilusyon lang ang paglago, P8.8-B na lugi ang iniwan’

By Line Rudy Sim Mismong kasalukuyan at dating miyembro ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kumuwestiyon sa pamumuno ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, matapos umano nitong pagtakpan ang bilyong pisong pagkalugi gamit ang “ilusyon ng paglago” ng pondo ng ahensya. Ang pahayag ay lumabas ilang araw matapos manawagan ang ilang trustees ng kanyang “agarang at irrevocable” na pagbibitiw, bunsod ng umano’y P8.8-bilyong pagkalugi mula sa mga investisyong inilarawan nilang “mapanganib, hindi masusing sinuri, at kulelat sa kita.” Ayon sa mga…

Read More