Kaya hindi pinauuwi – solon ROMUALDEZ ITUTURO NI ZALDY CO?

PABOR umano kay dating House Speaker Martin Romualdez ang tila pagpapaliban sa pag-uwi sa bansa ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco. Ayon kay Tiangco, posibleng sinasadya raw na hindi pauwiin si Co dahil baka maglabas ito ng mga pangalan ng kasabwat sa umano’y anomalya sa flood control projects at sa pagmamanipula ng pondo para sa 2026 national budget. “Kung magtatagal nang magtatagal ‘yan (ang pagkansela ng pasaporte ni Co), magdududa na rin ako. Mabubuo ang duda ko,” ani Tiangco. “Sino ba ang…

Read More

OPERASYON VS SUSPECTS SA MISSING SABUNGEROS SUSPECTS IKINAKASA NA

INIHAYAG kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police na nakahanda sila anomang oras na maglunsad ng law enforcement operation laban sa mga suspek kabilang ang negosyanteng si Atong Ang, oras na magpalabas ang Department of Justice ng kanilang resolusyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay acting PNP chief, Lt. Gen Melencio Nartatez, sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga suspek sa kaso ng missing sabungeros ay nakahanda ang PNP na umakto nang may koordinasyon sa mga kinauukulang yunits at korte para matiyak ang wasto at…

Read More

eSERVICES PLATFORM, OPISYAL NA INILUNSAD NG BI

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Immigration ang kanilang eServices platform na konektado na ngayon sa eGovPH Super App. Layon ng bagong sistema na mapabilis at mapadali ang serbisyo para sa publiko sa pamamagitan ng Single Sign-On o SSD feature. Sa ilalim nito, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na maaaring magamit ang iisang account para ma-access ang iba’t ibang online services ng BI gamit ang kanilang eTravel o eGovPH Super App account. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng iisang digital framework sa…

Read More

3 CONTAINERS NG CARROTS MULA SA CHINA NASABAT

TATLONG 40-foot containers ng misdeclared fresh carrots mula sa China, ang nasabat ng BOC-Port of Manila. Ayon kay District Collector Alexander Gerard Alviar, nadiskubre ang mga karot na nagkakahalaga ng mahigit P13.2 milyon, noong Oktubre 17 matapos ilabas ang Alert Order dahil sa derogatory report. Batay sa deklarasyon, nakasaad na bathroom fixtures, napkins at storage boxes ang laman ng shipment ngunit sa aktwal na inspeksyon ay nadiskubreng puro sariwang karot ang laman. Ayon naman kay Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, nakahanda na ang mga legal na aksyon laban sa mga…

Read More

2 BUDOL NA ‘FAITH HEALERS’ SA VALENZUELA ARESTADO

ARESTADO ang dalawang babae matapos mambudol ng P311,100.00 halaga ng alahas at cash, sa pagpapanggap na faith healer sa lungsod ng Valenzuela noong Linggo, Oktubre 19. Kinilala ni PCol. Joseph Talento, Acting Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Charie”, 34, at “Maria”, 50, pawang mga residente ng Barangay San Rafael, Montalban, Rizal. Kinilala naman ang mag-asawang biktima na sina Gilda at Domingo, kapwa 46-anyos at residente ng Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City. Ayon sa ulat, ulat ni PCpt. Robin Santos, hepe ng…

Read More

100 ZONE CHAIR SA MAYNILA PINAKILOS VS ‘BIG ONE’

HINIMOK ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mahigit 100 zone chairmen ng lungsod na bumuo ng kani-kanilang disaster preparedness plan at magsagawa ng regular simulation drills para maprotektahan ang mga Manileño sa posibleng pinsalang dulot ng malakas na lindol, gaya ng tinaguriang “The Big One.” Sa pagpupulong noong Martes, Oktubre 21, binigyang-diin ni Yorme Isko na kahit pinalalakas ng lokal na pamahalaan ang mga programa sa disaster readiness, ang tunay na kahandaan ay dapat magsimula sa komunidad mismo. “Come up with a plan,” ani Isko. “Gumawa kayo…

Read More

P74 MILLION YAMAN IDINEKLARA NI SPEAKER DY

ISINAPUBLIKO ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na nagpapakitang may kabuuang yaman siyang P121,144,271.31, ngunit may utang na P47,124,876.71 — kaya’t P74,019,394.60 ang kanyang total net worth. Batay sa dokumento, pagmamay-ari ni Dy ang 11 agricultural lots (dalawa rito ay minana), 2 residential lots, at 3 bahay (dalawa rin ay minana) na nagkakahalaga ng P32,528,010. Mayroon din siyang cash na P25.184 milyon, mga alahas, personal na gamit, shares of stock, bodega, makinarya, at limang sasakyan, na may kabuuang halagang…

Read More

TRANSAKSYONG LUBIANO-ESCUDERO NAGSIMULA NOONG 2019 – LAWYER

PASAY CITY — Dalawang linggo matapos magsampa ng ethics complaint laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero, nagsumite si Atty. Eldridge Marvin Aceron ng Omnibus Motion sa Senate Ethics Committee na naglalantad umano ng transaksyunal na ugnayan sa pagitan ni Escudero at ng kontratistang si Roberto Lubiano mula pa noong gobernador pa ng Sorsogon si Escudero (2019–2022). Ang mosyon ay inihain sa gitna ng pansamantalang pagtigil ng Senado sa pagdinig hinggil sa flood control scandal, habang nagpapatuloy naman ang closed-door hearings ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Batay sa mga pampublikong…

Read More

KASO VS FPRRD AT BONG GO RECYCLED

RECYCLED o inulit lamang ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga kasong inihain laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Senador Christopher Bong Go kaugnay sa P7 bilyong kontrata na nakuha ng mga kumpanyang may kaugnayan sa mambabatas. Sinabi ni Go na noon pang 2018 ay nagsampa ng kahalintulad na kaso si Trillanes laban sa kanya na binuhay noong 2021 at inulit noong 2024. “Noong unang tumakbo ako bilang senador. Nag-ingay na siya noon. Siniraan na niya ako. Siya pang senador, nun. Ako hindi pa kandidato pala. Same…

Read More