MAHIGIT 1K KATAO ARESTADO SA ILLEGAL ACTIVITIES SA CL

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang pinaigting na kampanya kontra sa lahat ng uri ng illegal activities sa Central Luzon sa buong buwan ng Oktubre 2025, na nagresulta sa matatagumpay na operasyon. Sa pamumuno ni PBGen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., nagsagawa ang PRO3 ng 758 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,081 indibidwal at pagkakakumpiska ng iba’t ibang substance. Sa kampanya laban sa mga wanted person, 866 na indibidwal ang nahuli, kabilang ang 223 most wanted persons. Sinabi ni Peñones, nakapagtala rin ang rehiyon…

Read More

MGA MILITANTENG GRUPO NAGKAISA KONTRA ‘ANOMALYA AT KORUPSYON’ SA PRIVATIZATION NG PUBLIC SERVICES

NAGTIPON ngayong araw ang iba’t ibang militanteng at progresibong organisasyon mula sa sektor ng manggagawa, kababaihan, kabataan, propesyunal, hanggang mga samahang masa upang buuin ang pagkakaisa laban sa lumalawak na privatization ng mga pangunahing serbisyong pampubliko gaya ng tubig, kuryente, transportasyon, at iba pang imprastruktura. Ayon sa grupo, ang mga proyektong ito ay “puno ng anomalya, nepotismo, at malawakang korapsyon.” Kabilang sa mga pangunahing grupo sa inisyatiba ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), Freedom from Debt Coalition (FDC), Sanlakas, Partido Lakas ng Masa (PLM), Oryang, National Confederation of Labor…

Read More

“Emman Act” isinulong sa Kamara 6 BUWANG KULONG SA ONLINE BULLIES

PAHIHIMASIN ng rehas na bakal at pagmumultahin ng malaking halaga ang mga online bullies sakaling maipasa ang isang panukalang batas na inihain ni Bacolod City Rep. Albee Benitez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ipinahayag ni Benitez kahapon ang paghahain ng House Bill (HB) 5750 o “Emman Act,” na ipinangalan kay Emmanuelle ‘Emman’ Atienza, anak ng TV personality na si Kim Atienza, na naging biktima ng online bullying sa kabila ng kanyang pinagdadaanan sa mental health. “I believe in free speech, and I believe that social media is a powerful platform—one…

Read More

SUPER TYPHOON NAKAAMBA KASUNOD NG BAGYONG TINO

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagyong posibleng maging super typhoon na tatama sa bansa bago matapos ang linggo kasabay ng paglabas ng Tropical Storm Tino sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na sinasabing nag-iwan ng tatlong patay at anim na nawawala. Ayon sa PAGASA, isang low pressure area ang binabantayan ngayon sa labas ng PAR na lumakas na bilang tropical depression at posibleng tuluyang maging super typhoon habang dumaraan sa karagatan. Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, at…

Read More

First-Ever Sensory Lab Opening Soon at SM Supermalls

Partners unite to bring the SM Sensory Lab to life — creating inclusive spaces that empower persons with special needs and enrich the community. PASAY CITY, Philippines — In line with its mission to create a mall for all, SM Supermalls, through its corporate social responsibility arm SM Cares, will soon open the first-ever SM Sensory Lab at SM Mall of Asia. This dedicated space is designed to provide a calm and comfortable environment for individuals with sensory sensitivities, including those with autism spectrum disorder (ASD), sensory processing disorder (SPD),…

Read More

PNP NAGLATAG NG SECURITY ADJUSTMENT SA NOV 30 RALLIES

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ng security protocol adjustment ang kanilang hanay kasunod ng ikakasang mga kilos-protesta kontra korupsyon sa darating na Nobyembre 30. Ayon kay acting PNP chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nais nilang tiyakin ang seguridad sa isasagawang mga kilos-protesta para maiwasang maulit ang nangyaring karahasan sa Lungsod ng Maynila noong Setyembre. Aniya, maraming mahalagang aral ang natutunan ng PNP sa nangyaring insidente noong Setyembre 21 sa Maynila. Matatandaan na nagkaroon ng karahasan gaya ng paggamit ng debris at devices laban sa mga…

Read More

‘OPLAN CYBERDOME’ PINAGANA KONTRA NOV 5 CYBER ATTACK

CYBER ATTACKS

NAGLABAS ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang pagbabantay laban sa posibleng cyberattacks na inaasahang tatama ngayong Nobyembre 5, 2025. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang DICT at lahat ng cyber teams ng pamahalaan na maging alerto at handa sa posibleng Distributed Denial of Service (DDoS) attacks. “The President directed the DICT and all cyber teams in government to be vigilant and…

Read More

YEAR-END BONUS, P5K CASH GIFT NG GOV’T WORKERS LALABAS NGAYONG NOV.

MAGIGING mas masaya ang Kapaskuhan ng mga kawani ng gobyerno matapos kumpirmahin ng Department of Budget and Management (DBM) na sisimulan na ngayong Nobyembre ang pamamahagi ng 2025 year-end bonus at P5,000 cash gift. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang hakbang na ito ay patunay ng commitment ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kilalanin ang dedikasyon at kabayanihan ng mga lingkod-bayan. Kinumpirma naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ipalalabas ang benepisyo kasabay ng unang payroll ng Nobyembre 2025, alinsunod sa…

Read More

Para masilayan Manila Bay sunset ISKO SA DPWH: SEWAGE TREATMENT PLANT ILIPAT

UPANG masilayan muli ang ganda ng paglubog ng araw sa Manila Bay, hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mailipat ang sewage treatment plant (STP) sa CCP Complex mula sa Roxas Boulevard. Sinabi ni Mayor Isko sa kanyang pagdalo sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) sa punong tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes ng umaga, hindi na magandang tingnan ang STP dahil ginagawa nang tambakan ng mga makina bukod sa…

Read More