TATLONG barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang nakita sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas malapit sa Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo. Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG for the West Philippine Sea (WPS), ang PCG vessel BRP Cabra (MRRV-4409) ay “patuloy na aktibong hinahamon at hinaharangan ang pag-abante ng CCG vessel CCG-21562.” Binanggit din niya na sinusubaybayan ng PCG ang dalawang iba pang CCG barko, ang CCG-3305 at CCG-4305, sa pamamagitan ng radar sa mga katubigan malapit sa Zambales. Giit ni Tarriela,…
Read MoreDay: December 1, 2025
6 PANG PULIS NA SANGKOT SA RAPE, ROBBERY SUMUKO
INIHAYAG ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hawak na ng pulisya ang natitira pang mga sangkot sa rape at robbery na mga tauhan ng PNP-DEU unit ng Calabarzon. Matatandaan na pinasok ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit ng Calabarzon, ang bahay ng Grade 9 student sa Cavite upang hanapin ang nobyo nito na umano’y sangkot sa ilegal na droga. Dahil wala ang target doon sa bahay ay ang biktima ang binalingan at hinalay ng kanilang team leader na may ranggong Lieutenant Colonel noong Nobyembre…
Read MorePara agad ma-locate – Remulla PICTURE NI ZALDY CO IPOST SA SOCIAL MEDIA
NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa na agad na ipagbigay-alam sa pamahalaan kung makita nila si Zaldy Co. “Hiling ko sa lahat ng Pilipino sa buong mundo: kung makita ninyo si Zaldy Co, piktyuran ninyo, ipadala agad, i-post agad sa internet para may ideya ang gobyerno kung nasaan siya,” saad ni Remulla sa press briefing sa Malacañang. Ayon sa kalihim, pinaniniwalaang nasa Portugal ang dating Ako Bicol representative at posibleng may hawak na Portuguese…
Read MoreInton: anti-corruption o pulitika sa 2028? RESIGN SARA MUNA NG AKBAYAN KADUDA-DUDA
NAGPAHAYAG ng pagdududa ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pahayag kamakailan ng isa sa mga lumahok sa Nov. 30 anti-corruption rally na pumapabor pagbitiwin muna sa pwesto si Vice President Sara Duterte bago hingin ang pagbaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, na sa isang panayam ng True FM kay AKBAYAN President Rafaela David ay kinumpirma nitong tatanggapin nila ang mga nagnanais makiisa sa kilos protesta kahit “VP SARA RESIGN” ang panawagan ng mga ito at nirerespeto rin nila ang…
Read MoreKOORDINASYON, KAHANDAAN NG PNP NASUBUKAN SA TRILLION PESO MARCH
IPINAKITA ng Philippine National Police ang maayos na koordinasyon at mataas na antas ng kahandaan sa pagdaraos ng Trillion Peso March. Mula Command Center hanggang kalsada, kumilos ang PNP bilang isang organisadong puwersang may malinaw na direktiba at mabilis na tugon. Sa Command Center, tutok ang mga opisyal sa real-time updates mula sa CCTV feeds at ground units na nakapwesto sa pangunahing lugar ng pagkilos. Tahimik ngunit masinsinan ang operasyon, na sinabayan ng mabilis na pag-aayos ng deployment at pagpapalitan ng impormasyon. Pinangunahan ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio…
Read MoreBARZAGA SINUSPINDE NG 60 ARAW SA ‘DISORDERLY BEHAVIOR’
PINATAWAN ng 60 araw o dalawang buwang suspensyon na walang sahod at anomang benepisyo si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Sa ulat ni House committee on ethics and privileges vice chair Rep. JC Abalos sa plenaryo kahapon, sinabi nitong napatunayang lumabag si Barzaga sa Section 1(a), Rule 20 ng House Rules; Section 4(c) ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and…
Read MoreP155.2-M JACKPOT SA ULTRALOTTO 6/58, NASUNGKIT NG CAVITEÑO
INSTANT milyonaryo ang isang maswerteng Caviteño matapos masolo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa draw nitong Linggo ng gabi. Nakuha ng mananaya ang winning combination na 26-08-20-03-58-27, na may katumbas na ₱155,223,593.80. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang tiket sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite. Samantala, 24 na indibidwal ang nakatsamba ng five-number match at makakakuha ng tig-₱120,000 bawat isa. Ginaganap ang UltraLotto 6/58 draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo. (TOTO NABAJA) 74
Read MoreP1.1-M SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST, 2 TIMBOG
NASAMSAM ng mga tauhan ng Taguig City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon at naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation nitong Lunes. Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig Police ang operasyon sa South Union Drive, Arca South, Barangay Western Bicutan. Arestado ang dalawang mataas na value target na kinilalang sina alyas Christian, 23, at alyas Alex, 26, parehong residente ng Barangay South Signal Village. Nasabat sa operasyon ang 164.3 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon, isang P500 bill na ginamit…
Read MoreSa selebrasyon ng National Children’s Month SAKSI NGAYON FEEDING AND GIFT GIVING PROGRAM DINAGSA
NAGING matagumpay ang isinagawang selebrasyon ng National Children’s Month sa pamamagitan ng SAKSI NGAYON FEEDING AND GIFT GIVING PROGRAM na ginanap sa Barangay Paang Bundok, Iriga St., La Loma, Quezon City noong nakaraang Sabado, Nobyembre 29, 2025. Ang pagdiriwang ng National Children’s Month na pinangunahan ng media company na SAKSI NGAYON ay dinagsa o dinaluhan ng maraming mga bata mula sa nabanggit na lugar. Masayang tinanggap ng mga bata ang mga munting regalo mula sa SAKSI NGAYON kasama ng partners nito mula sa iba’t ibang kumpanya na may malasakit sa…
Read More