BANGKAY NG BABAE SA PLASTIC BOX SA CAMARINES NORTE, SUSPEK TUKOY NA

NAKILALA na ang bangkay ng babae na natagpuan sa loob ng plastic storage box sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge, Purok 1, Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte noong Enero 2. Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office na nakarating sa Kampo Crame, kinilala ang biktima na si Anelis Agocoy, 38 anyos, ng Barangay Bura, Catarman, Camiguin. Ang pagkakakilanlan ay nakumpirma ng kanyang pinsan. Tukoy na rin ng pulisya ang suspek, na kinilala ng isa sa mga saksi, ayon kay Basud Municipal Police Station Acting Chief of Police. Sinabi ng…

Read More

P12-M ARI-ARIAN SA CALAMBA NILAMON NG APOY

LAGUNA -Tinatayang aabot sa P12 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa isang vulcanizing shop at katabing tindahan ng motorcycle parts sa Barangay San Cristobal sa Calamba City noong Lunes. Ayon sa Bureau of Fire Protection-Calamba, nagsimula ang sunog bandang alas-4:20 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma bago tuluyang nakontrol pasado alas-6 ng gabi. Walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit isang tao ang bahagyang nasugatan. Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa electrical ignition sa loob ng vulcanizing shop. Patuloy pa…

Read More

2 INARESTO HABANG KUMUKUHA NG POLICE CLEARANCE

CAVITE – Imbes na police clearance, warrant of arrest ang natanggap ng dalawang lalaki matapos nabuking na may nakabinbin silang kaso sa magkahiwalay na insidente sa Silang at Lungsod ng Dasmariñas sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Nangangailangan ng halagang P60,000 piyansa si alyas “Calabon” ng Silang, Cavite habang halagang P24,000 piyansa naman ang kinakailangan ni alyas “John”, ng Dasmariñas City para sa kanilang pansamantalang paglaya matapos silang arestuhin. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang mag-apply ng police clearance si Calabon sa Silang Municipal Police Station sa Poblacion…

Read More

MMDA, DOH AT PCG full force sa Traslacion 2026 CLEARING OPS NILARGA SA ILANG KALYE SA MAYNILA

PUSPUSAN ang isinagawang joint clearing operation ng ilang ahensya ng gobyerno sa Maynila kahapon bilang paghahanda sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa Enero 9. Mula Quirino Grandstand hanggang Ayala Bridge, Carlos Palanca Street at Quezon Boulevard, binaybay ng clearing team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga rutang daraanan ng Traslacion. Kinumpiska ang mga nakahambalang sa kalsada, partikular ang mga gamit ng mga vendor na sagabal sa daloy ng prusisyon. Katuwang ng MMDA ang Philippine Coast Guard (PCG), Manila LGU sa pamamagitan ng Department of Public Safety, Manila…

Read More

MGA PARATANG VS MARCOS COUPLE ‘HUWAD’ – GOITIA

TINAWAG ng isang civic leader na kasinungalingan ang kumakalat online na mga paratang laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, na aniya’y walang ebidensya at mapanira. Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), pawang huwad ang mga alegasyong may kinalaman sa droga, sekswal na gawain, at diumano’y mga sensitibong larawan na iniuugnay sa Unang Ginang. Sinabi ni Goitia na walang anomang dokumento, forensic findings, sinumpaang salaysay, o kasong inihain sa alinmang awtoridad kaugnay ng naturang…

Read More

FAKE NEWS! SENIOR CITIZENS PARTY-LIST PINALAGAN PAGKAKADAWIT SA ‘CABRAL FILES’

INALMAHAN ng Senior Citizens Party-list ang pagkalat ng maling impormasyon ukol sa pagkakabanggit sa tinatawag na “Cabral files” na sinasabing inilabas ni Batangas Representative Leandro Legarda-Leviste. “Walang katotohanan ang paratang na ito!” diin ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes. Iginiit ni Ordanes na hindi sila benepisyaryo ng malalaking proyektong binanggit sa mga dokumento na sinasabing nakuha ni Legarda-Leviste mula sa opisina ng yumaong dating Usec. Maria Catalina “Cathy” Cabral. “Ang ikinakalat na impormasyon ay malinaw na mapanlinlang at walang sapat na batayan,” sabi pa ng vice chairman ng…

Read More

‘AMA NG BRGY. ROSARIO’ NAGBALIK NA

LALONG uminit ang pagtanggap ng mga residente ng Barangay Rosario, Pasig City sa pagbabalik ni Chairman Aquilino “Ely” Dela Cruz Sr., kasunod ng kanyang 60 araw na suspensyon. Ang suspension ay may kaugnayan umano sa Section 63 (a)(3) ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, alinsunod sa rekomendasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig City na nakapaloob sa Quasi-Judicial Body Resolution No. 002, Series of 2025. Nitong Enero 6, 2026, bumalik si Chairman Dela Cruz sa Barangay Rosario na sinalubong ng kanyang mga kabarangay na hindi naniniwala…

Read More

RESULTA NG 2025 BAR EXAMS ILALABAS NGAYONG MIYERKOLES— SC

INANUNSYO ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examination, na ilalabas at isasapubliko sa hapon ng Miyerkoles, ang Results and List of Successful Bar Examinees ng 2025 Bar Examinations. Batay sa guidelines na inilabas ng Korte Suprema, magbibigay muna ng mensahe si Justice Lazaro-Javier sa Supreme Court Courtyard sa Padre Faura Street, Maynila, bago opisyal na ipalabas ang resulta. Bukod sa opisyal na website ng Korte Suprema, magkakaroon din ng LED walls sa courtyard na magpapakita ng listahan ng mga pumasa hanggang alas-6 ng gabi. Bukas sa publiko…

Read More

BULKANG MAYON ITINAAS SA ALERT LEVEL 3

ITINAAS sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-aalboroto, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Enero 6, 2026. Ayon sa Phivolcs, 85 rockfall o pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan ang naitala mula madaling-araw ng Lunes hanggang alas-12 ng madaling-araw ng Martes. Bukod dito, iniulat din ng ahensya na bahagyang natatakpan ng ulap ang bulkan at may senyales ng pamamaga, indikasyon ng patuloy na paggalaw ng magma sa ilalim nito. Dahil dito, mariing ipinaalala ng Phivolcs ang…

Read More