Figaro Establishes Innovation Subsidiary to Expand Food Manufacturing Capability

L-R: Jose Petronio Español, President / Chief Financial Officer of FIDI, Brian Gregory Liu, Chairman of Figaro Innovation and Development Inc., Tereso O. Panga, Director General of PEZA and Joy Anidelle Alguso, Deputy Director General of PEZA Figaro Culinary Group, a publicly listed food and beverage company, continues to strengthen its long-term growth strategy with the establishment and expansion of Figaro Innovation and Development Inc. (FIDI), a wholly owned subsidiary created to broaden the Group’s food product offerings, enhance manufacturing capabilities, and prepare for future export opportunities. This strategic direction…

Read More

TULOY ANG LIGAYA NG MGA CONG-TRATISTA?

DPA ni BERNARD TAGUINOD NOONG kasagsagan ng isyu sa katiwalian sa flood control projects, maraming kongresista ang napangalanan na nangongontrata sa mga proyekto ng gobyerno kaya kung hindi substandard ay talagang hindi ginagawa at ibinubulsa na lang ang pondo. Bukod kay Zaldy Co na napilitang mag-resign bilang kinatawan ng Ako Bicol Party-list, na kilalang kontratista, wala na tayong narinig na pangalan ng mga kongresista na nakasuhan ng non-bailable case. Hindi pa rin nahuhuli si Zaldy Co at wala nang balita sa kanya mula nang kanselahin ang kanyang passport at isyuhan…

Read More

SA PAGSADSAD SA -3% TRUST RATING, BANGKA NI BBM PALUBOG NA

PUNA ni JOEL O. AMONGO NITONG nakaraang 4th quarter ng 2025 bumulusok sa -3% ang net trust rating ni Pangulong Junjun Marcos na maliwanag pa sa sikat ng araw na patunay na wala nang tiwala sa kanya ang mga Pilipino. Sa kasaysayan ng panguluhan sa bansa, si Junjun Marcos lang ang nakapagtala ng ganitong kababang resulta ng survey. Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Nobyembre 24 hanggang 30, 2025 ay nakapagtala si Junjun Marcos ng -3% trust rating, habang nakakuha naman si Vice President…

Read More

‘DI SAPAT SABIHIN NA MAS KAUNTI ANG NABIKTIMA NG FIRECRACKERS NITONG 2025

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na umabot sa 140 ang mga nabiktima ng iba’t ibang uri ng paputok at pailaw mula Disyembre 21 hanggang 30 nitong nakalipas na 2025. Kung ihahambing, mas mababa ito ng 23 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2024 na nakapagtala ng 182 kaso, ayon sa DOH. Sinabi pa ng DOH, nakababahala pa rin ang datos dahil 95 sa mga biktima ay edad 19 pababa, habang 58 porsiyento ng mga nasugatan ay mula sa edad 5 hanggang 14-anyos. Kadalasan…

Read More

Nanawagang huwag lubayan flood control issue BBM MASTERMIND NG KORUPSYON – CHAVIT

NANAWAGAN si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na ibalik sa sentro ng usapan ang isyu ng flood control projects at ipagpatuloy ang imbestigasyon ngunit hindi na sa ilalim ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na umano’y wala nang kredibilidad matapos ang sunod-sunod na pagbibitiw ng mga miyembro nito. Sa press conference sa Club Filipino sa San Juan City kahapon, iginiit ni Singson na dapat muling ilabas at pagsalitain si Sarah Discaya dahil marami pa umano itong isisiwalat kaugnay ng korupsyon sa mga flood control project ng Department of…

Read More

DOH: ROAD CRASH MAS MALAKING BANTA SA KALUSUGAN KAYSA PAPUTOK

MAS itinuturing ng Department of Health (DOH) na isang public health concern ang mga aksidente sa kalsada kaysa sa mga insidente ng paputok noong nagdaang holiday season. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mas nakaaalarma ang dami ng road crash kumpara sa mga naputukan, lalo’t may mga nasawi hindi lamang sa banggaan kundi pati sa mga simpleng insidente ng pagtawid at pagkakasagasa. Ani Herbosa, umabot sa 1,384 ang naitalang road crash injuries, mas mataas kaysa bilang ng mga biktima ng paputok. Sa datos ng DOH, 7 hanggang 10 sa mga…

Read More

Pag-veto sa P92-B UA pampalubag-loob KORUPSYON SA MARCOS ADMIN TULOY – MAKABAYAN

“WALANG pagbabago, walang reporma, walang hustisya. Only the continuation of a corrupt, anti-people system that has plagued this country for decades”. Reaksyon ito ng Makabayan bloc congressmen matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang P6.793 trilyong pambansang pondo ngayong taon na batbat umano ng pork barrel, political patronage at sistematikong korupsyon sa pamahalaan. Bagama’t umaabot sa P92.5 billion ang vineto ni Marcos sa Unprogrammed Appropriations (AU), tinawag ng Makabayang bloc na “pampalubag-loob” lamang ito para mawala ang atensyon ng publiko sa bilyon-bilyong pork barrel na hindi ginalaw ni…

Read More

P92.5-B UA vineto ni Marcos ‘EPALITIKO’ BURADO NA SA BIGAYAN NG AYUDA

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang pag-veto sa ilang items sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations (UA) na may kabuuang P92.5 bilyon sa 2026 national budget na inaprubahan ng Kongreso. Sa kanyang talumpati sa paglagda ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, iginiit ni Marcos na ang UA ay dapat gamitin lamang sa ilalim ng malinaw na tinukoy na mga kondisyon at may sapat na pananggalang upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo. “To ensure that public funds are expended in clear service…

Read More

QUIRINO GRANDSTAND ININSPEKSYON NG MMDA BAGO PISTA NG NAZARENO

PORMAL na ipinakilala at tinanggap ni MMDA Chairman Atty. Don Artes si dating PNP chief at bagong talagang MMDA General Manager Nicolas Torre III sa isang press conference sa MMDA head office sa Pasig City nitong Lunes, Enero 5, 2025. Nangako si Torre na dadalhin niya sa ahensya ang kanyang karanasan sa law enforcement sa pang-araw-araw na operasyon ng MMDA sa ilalim ng pamumuno ni Artes, kabilang ang pagpapatupad ng mas mabilis na emergency response na kahalintulad ng limang minutong response time na ipinatupad niya noong siya ay nasa PNP.…

Read More