BAGONG TAON, BAGONG PANGAKO: Hindi nilulubayang New Year’s Resolution

BAGONG taon, bagong New Year’s resolution. Tuwing Enero, halos ritwal na itong binibigkas—kahit pa ng mga ilang ulit nang nabigong tuparin ang naunang mga plano. Sa halip na mawala, lalo pa itong tumitibay bilang tradisyon. Para bang ang mismong pagkabigo ang nagtutulak para muling sumubok. Karamihan ay may ideya na kung paano ito kadalasang nagtatapos. Ang planong mag-ehersisyo ay nauudlot pagdating ng Pebrero. Ang ipon na sinimulan nang masigasig sa Enero ay nauubos sa isang biglaang gastusin. Gayunman, hindi nito napipigilan ang tao na muling mangako sa sarili. Ayon sa…

Read More

Bahagi ng pinaigting na seguridad ng PNP sa Traslacion 2026 SIGNAL JAMMER, NO FLY ZONE, LIQUOR BAN SA PISTA NG QUIAPO

MAS PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa gaganaping Traslacion 2026 kaugnay ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila. Ayon kay PNP Acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigit 18,000 pulis ang ide-deploy sa kapistahan, kasama ang augmentation mula sa Central Luzon, Calabarzon, at Special Action Force (SAF). Samantala, kabilang sa mga mahigpit na security measures na pinag-aaralan ng PNP–National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapatupad ng liquor ban at pansamantalang suspensyon ng permit to carry firearms upang masiguro ang…

Read More

15 KASO NG STRAY BULLET NAITALA NG PNP, 1 PATAY

ISA ang nasawi sa labinglimang insidente ng stray bullet ang naitala ng Philippine National Police kaugnay sa yuletide celebration. Inihayag ni PNP acting chief, Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na nakapagtala sila ng 15 kaso ng ligaw na bala mula Disyembre hanggang nitong Lunes, sa pagtatapos ng holiday season. Kabilang sa mga lugar na may naitalang kaso ng indiscriminate firing at stray bullet incidents, ang National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Central at Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, Soccsksargen, at Bangsamoro regions. Nabatid na sa loob ng nasabing mga…

Read More

Kasunod ng U.S. military attacks sa Venezuela US EMBASSY TINUTUTUKAN NG PNP

INALERTO ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan sa Kamaynilaa na tutukan ang United States Embassy in Manila sa posibleng banta sa seguridad kasunod ng ginawang military attack sa Venezuela. Nabatid na nakaalerto ang PNP sa posibleng paglulunsad ng mga kilos-protesta sa US Embassy matapos ang pag-atake ng Amerika sa Venezuela at pagdukot sa lider nito. “We are prepared for any protest action and similar activities. Our police units… are monitoring the situation in their respective areas and ready to respond to any eventuality,” ayon kay Acting PNP…

Read More

BABAE ITINUMBA SA HARAP NG ANAK

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang riding in tandem na hinihinalang gun-for-hire, na bumaril at nakapatay sa isang babae sa harap ng anak nito sa Imus City noong Sabado ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “May”, 44, dahil sa tama ng bala sa ulo. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang subdibisyon sa Brgy. Malagasang I-G, Imus City, Cavite kung…

Read More

23 KATAO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA

NASAGIP ng Philippine Coast Guard ang 23 katao matapos lumubog ang isang recreational boat sa karagatang malapit sa Sombrero Island, San Pascual, Masbate. Ayon sa PCG, nagkaroon ng butas ang hull ng RBCA Harlyn habang bumibiyahe mula Port of San Andres, Quezon. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard at ligtas na nailipat ang 20 pasahero at tatlong tripulante, siyam sa kanila ay bahagyang nagalusan at nasa maayos nang kalagayan. (NILOU DEL CARMEN) 64

Read More

JEEPNEY DRIVER SUGATAN SA ROAD RAGE SA LAGUNA

LAGUNA – Sugatan ang isang jeepney driver matapos pagsasaksakin ng dalawang lalaking sakay ng isang van sa kasagsagan ng umano’y road rage sa national highway sa Barangay Sambat Bubukal, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi matapos magkasabitan sa kalsada ang pampasaherong jeep ng biktima at isang brand new na puting L300 van, na nauwi sa mainitang sagutan. Kalaunan, humantong ito sa away kung saan pinagtulungang saksakin ng dalawang suspek…

Read More

2 ESTUDYANTE NALUNOD SA WAWA DAM

RIZAL – Dalawang menor de edad na estudyante ang malunod sa Wawa Dam sa Barangay San Rafael, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan noong Sabado, Enero 3. Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, bandang alas-8:20 ng umaga nang i-report ang pagkawala ng dalawang biktima na isang 16-taong gulang na Grade 11 student, at isang 15-taong gulang na Grade 10 student. Agad nagresponde ang mga pulis sa lugar at nagsagawa ng search and rescue operation katuwang ang mga residente sa lugar, hanggang sa marekober ang wala nang buhay na mga biktima.…

Read More

BONG REVILLA HUMARAP SA DOJ SA KASO NG MAANOMALYANG FLOOD PROJECTS

MULING pinabulaanan ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects matapos siyang personal na humarap sa ikalawang pagkakataon sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ). Pasado alas-10 ng umaga nang dumating si Revilla sa DOJ upang magsumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan na kinasasangkutan ng Wawao Builders. Ayon kay Atty. Francesca Lourdes Señga, tagapagsalita ni Revilla, walang basehan ang mga alegasyon laban sa dating senador…

Read More