UMABOT sa P47.80 bilyong halaga ng ilegal na droga o mas mataas ng 123 percent, ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang inilunsad na anti-narcotics operations para sa taon 2025 sa buong bansa. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, mula sa P18.43 bilyon noong 2024 ay umakyat sa P47.80 bilyon ang halaga ng mga nasamsam na droga at mga precursor material ng mga operatiba ng PDEA, katuwang ang iba pang law enforcement agency ng gobyerno kabilang ang Philippine National Police at Armed…
Read MoreDay: January 8, 2026
DEPED SYSTEM SINISI SA PAGKAMATAY NG GURO SA MUNTINLUPA
NANINIWALA ang kinatawan ng mga guro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang sistema ng Department of Education (DepEd) ang ugat ng pagkamatay ng isang public school teacher sa Muntinlupa City. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, nasawi ang gurong si Agne Buenaflor noong Miyerkules, Enero 7, habang nagtuturo sa ilalim ng classroom observation sa Pedro E. Diaz High School. Nagpaabot ng pakikiramay si Tinio sa pamilya at mga kasamahan ng yumaong guro, at iginiit na ang matinding pressure at stress na dulot ng evaluation system ng DepEd…
Read MoreSANGGOL NASAGIP SA ILLEGAL ONLINE ADOPTION
KALAGAYAN sa buhay ang nag-udyok sa isang 17-anyos na menor de-edad na ina na ipasok ang kanyang sanggol na anak sa illegal online adoption. Noong Enero 6 ay matagumpay na nasagip ng Philippine National Police Women and Children Protection Center – Luzon Field Unit, katuwang ang Department ang Social Services Development Department-Quezon City, ang isang sanggol na ilegal na ibinenta sa pamamagitan ng online adoption. Ayon sa ulat ng Women and Children Protection Center, ibinenta ng ina ang kanyang 1-buwan gulang na sanggol sa halagang P55,000.00. Kaagad namang naaresto ng…
Read MoreP48.39-M TAX EVASION ISINAMPA NG BIR SA WAWAO BUILDERS
NAGHAIN ng mga reklamong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Mark Allan Villamor Arevalo, sole proprietor ng Wawao Builders, dahil sa tinatayang P48.39 milyong tax deficiency na may kinalaman sa umano’y ghost projects sa Malolos City, Bulacan. Ayon sa BIR, nilabag ng Wawao Builders ang National Internal Revenue Code sa pamamagitan ng tax evasion at hindi tamang pagdedeklara ng income tax at VAT returns para sa una at ikalawang quarter ng taon 2024. Ayon sa ahensya, may kontrata ang Wawao Builders para…
Read More1,200 RED CROSS VOLUNTEERS KASADO SA 2026 TRASLACION
INIHAYAG ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit sa 1,200 katao ang magboboluntaryo para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga deboto sa Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong araw, Enero 9, 2026. Ito ang inihayag ng dating senador at ngayo’y chairman ng PRC na si Richard “Dick” Gordon sa ginanap na press conference noong Miyerkoles ng hapon sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong City, kasama ang mga mamamahayag na miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps. Ayon kay Gordon, handa na sila para sa kapakanan ng milyong deboto na…
Read MoreHEPE NG CIIS-POM SINIBAK
INIUTOS ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang pag-relieve sa hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Manila (PoM) matapos ang alegasyon ng iregularidad. Habang isinasagawa ang imbestigasyon ay inalis muna si Intelligence Officer III Paul Oliver Pacunayen, pinuno ng CIIS Field Station, PoM. Kabilang si Pacunayen sa nabanggit sa ipinadalang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga concerned officials, employees at stakeholders ng BOC hinggil sa umano ay paglaganap ng smuggling activities sa mga pantalan. Nasabit din sa liham si CIIS Director Thomas Narcise, dating…
Read MoreWALANG FAKE – BI
NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) ang mga ulat kaugnay ng umano’y katiwalian sa pag-isyu ng 9G Working Visa para sa mahigit isang libong dayuhang foreign nationals na konektado sa mga accredited companies. Ayon sa BI, lahat ng aplikante sa Visa Processing Center ay dumaraan sa masusing beripikasyon at pagsusuri upang masiguro na maayos ang proseso at walang isinusumiteng pekeng dokumento. Ginagamit din ang Data Sharing System ng Department of Labor and Employment (DOLE) at BI upang matiyak na walang makalulusot na pekeng Alien Employment Permit. Mahigpit na ipinatutupad ng…
Read MoreMAYNILA SA GARBAGE FEE: LEGAL, KONSTITUSYONAL
NANINDIGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na legal at alinsunod sa Saligang Batas ang Ordinansa Blg. 9151, at walang saysay ang paghahambing nito sa garbage fee ordinance ng Quezon City na pinawalang-bisa ng Korte Suprema. Ayon kay City Legal Officer Atty. Luch Gempis Jr., magkaiba ang mga kalagayan at balangkas ng ordinansa ng Quezon City at ng regulasyong ipinatutupad ng Maynila. Aminado si Gempis na ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng QC ay may kinalaman sa singil sa basura na ipinataw sa mga sambahayan at condominium units na…
Read MorePCG SA MGA DEBOTO: IBAYONG PAG-IINGAT AT PAGSUNOD SA PATAKARAN SA TRASLACION
Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na maging alerto at sumunod sa mga alituntunin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng idaraos na Traslacion bilang bahagi ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno. Layunin ng panawagan na matiyak ang payapa at ligtas na pagdaraos ng prusisyon na inaasahang dadaluhan ng mahigit walong milyong deboto. Kaugnay nito, magdedeploy ang PCG ng higit sa 300 unipormadong personnel na makatuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Manila City Local Government Unit, at iba pang ahensya upang…
Read More