UMABOT sa P47.80 bilyong halaga ng ilegal na droga o mas mataas ng 123 percent, ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang inilunsad na anti-narcotics operations para sa taon 2025 sa buong bansa.
Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, mula sa P18.43 bilyon noong 2024 ay umakyat sa P47.80 bilyon ang halaga ng mga nasamsam na droga at mga precursor material ng mga operatiba ng PDEA, katuwang ang iba pang law enforcement agency ng gobyerno kabilang ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines at maging ng Philippine Coast Guard.
Sa ibinahaging datos ng PDEA, umabot sa 39,491 anti-illegal drug operation ang kanilang inilunsad na operasyon na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa 51,614 drug personalities.
Ayon kay Gabales, aabot sa 6.50 tonelada ng shabu o methamphetamine hydrochloride, na nagkakahalaga ng P44.83 billion (standard market value) ang nasamsam na shabu ng kanilang ahensya.
Habang umabot naman sa 174,347.56 gramo ng cocaine na may halagang P924,042,063.23; 24,860 tablets ng MDMA party drugs (ecstasy) na may halagang P42,262,000.00; nasa 546,102.92 gramo naman ng high grade marijuana o kush (P655,323,505.92); 1,850,610.88 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana and bricks (P222,073,305.14); 515,698.19 gramo ng marijuana stalks (P61,883,783.21); 147,907.99 gramo ng marijuana fruiting tops (P17,748,958.44); 17.09 gramo ng marijuana seeds (P2,051.32); 4,899,543 marijuana plants (P979,908,600.00); 183,257 marijuana seedlings (P7,330,280.00), ang kabilang sa mga ilegal na droga na kanilang nasamsam ngayong taon kasama iba pang uri ng dangerous drugs.
“These achievements demonstrate PDEA’s firm resolve in leading the national anti-drug campaign. Through precision-driven strategies, uncompromising enforcement, seamless inter-agency cooperation, and the active participation of local communities, the Agency continues to cripple drug syndicates and protect the future of our nation,” pahayag naman ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez sa inilabas na bahagi ng kanilang year-end report.
Ayon pa USEC Nerez, mas paiigtingin pa ng ahensya, katuwang ang iba pang security agencies ng gobyerno ang laban kontra ilegal na droga. “PDEA affirms that the fight against illegal drugs will continue until communities are safer, lives are protected, and drug syndicates are permanently dismantled,” dagdag pa ng PDEA director General.
(JESSE RUIZ)
54
