IMPEACHMENT VS BBM NAKAUMANG NA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY natanggap tayong impormasyon na may magsasampa ng impeachment laban kay Pangulong Junjun Marcos ngayong pagpasok ng unang buwan ng taong 2026. Marahil kasama sa mga reklamong ito ay ang pinakakorap na 2025 national budget at iba pang pagtataksil (betrayal) sa mga Pilipino. Simula nang pumasok sa Palasyo ng Malakanyang si Junjun Marcos noong taong 2022 hanggang ngayon, ay puro kontrobersiya ang kinaharap ng kanyang administrasyon. Wala pang isang taon sa kanyang pag-upo sa panunungkulan noon ay maraming gabinete na ang bumitiw sa kanya. Lalo…

Read More

KAHIT PINAGNAKAWAN APEKTADO SA KORUPSYON SA PINAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAALARMA ako sa post ng isang overseas Filipino worker (OFW) dahil maging sila na kasama sa pinagnakawan ng corrupt politicians sa Pilipinas, ay apektado sa matinding katiwalian sa bansa. Dahil sa katiwalian na kagagawan ng mga politiko at appointees, ay nawawalan ng tiwala ang foreign employers sa OFWs bagama’t sila ay kasama sa mga biktima at pinagnakawan sa kanilang bansa. Marami ring regular employees sa mga ahensya ng gobyerno ang gumagawa ng kabalbalan at ang mga ordinaryong Pilipino na may transaksyon sa kanilang ahensya o opisina…

Read More

P1.2-B MANILA BAY REHAB FUND, KINUWESTIYON NG PAMALAKAYA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS PINALAGAN ng militanteng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang P1.2 bilyong pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Manila Bay rehabilitation program, sa kabiguang mapabuti ang kalagayan ng mga pangisdaan. Ayon sa PAMALAKAYA, nakatanggap ang DENR ng P1.2 bilyon sa 2026 budget para sa Operational Plan ng Manila Bay Coastal Strategy na bahagi ng kautusan ng Korte Suprema noong 2008 para sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Sinabi ng grupo, mula nang ilunsad ang…

Read More

ANTI-POLITICAL DYNASTY, REPORMA SA PARTY-LIST HIHIMAYIN NA NG KAMARA

TUTUTUKAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay ng anti-political dynasty bill at ang reporma sa party-list system sa pagbabalik-sesyon ng Kamara sa Enero 26, 2026. Ito ang sinabi ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kaugnay ng mga panukalang batas na bibigyang-prayoridad ng Kamara matapos ang Christmas break. Ayon kay Marcos, kabilang ang mga nasabing panukala sa 17 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) items na kasalukuyang tinatrabaho ng mga Technical Working Group (TWG) at inaasahang matatapos sa committee level. Una nang naipasa sa ikatlo…

Read More

LITRATO NINA ROQUE AT LULI ARROYO-BERNAS, LUMA NA – PCO

NILINAW ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang kumakalat na larawan nina dating presidential spokesman Harry Roque at Philippine Ambassador to Austria and Slovakia Luli Arroyo-Bernas ay lumang kuha mula pa noong 2023. Sinabi ni Castro na, matapos tanungin ang Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, nakumpirma na ang larawan ay hindi kasalukuyang imahe ni Roque. “Medyo malusog pa siya at maayos pa ang hairdo,” ani Castro, na nagpatunay na ito ay lumang kuha. Si Roque, na nahaharap sa kaso ng qualified human…

Read More

SOLON: IMPEACHMENT VS PBBM IHAHAIN NG GRUPONG PRO-VP SARA

HINDI mga kongresista kundi supporters ni Vice President Sara Duterte ang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na buwan. Ito ang kinumpirma ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, na nagsabing may mga pro–Vice President groups na lumapit sa kanya upang hilinging i-endorso ang reklamong ihahain laban sa Pangulo, taliwas sa unang ulat na mga mambabatas ang maghahain nito. “These are pro–Vice President’s groups,” ani Erice, na idinagdag na tumanggi siyang mag-endorso ng reklamo. Ayon kay Erice, kabilang sa grounds ng isasampang kaso ang…

Read More

Babala ng Palasyo kapag nagpabudol BGC BOYS KULONG, BIG FISH LAYA

BINALAAN ng Malakanyang ang ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa planong bawiin ang kanilang testimonya na nagsasangkot sa high-ranking politicians sa umano’y corruption schemes sa public infrastructure projects. “Kung ito ay may katotohanan, sana man lang itong mga witnesses na ito na maaaring may alam sa katotohanan, ‘wag silang magpabudol,” ani PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. “‘Wag kayo mapagamit dahil maaaring kayo pa ang makulong sa kulungan at ‘yung inyong itinuturong malalaking isda ang siya…

Read More

Obispo nanawagan ng panalangin 28 PA MISSING SA CEBU DUMPSITE TRAGEDY

MISTULANG nakikipaghabulan kay kamatayan ang iba’t ibang rescue teams sa patuloy na search, rescue and retrieval (SAR) operation sa gumuhong tambakan ng basura sa Barangay Binaliw, Cebu City, sa pangambang tuluyang malibing ang 28 pang sanitation workers. Dahil dito, sumabak na rin ang Philippine Navy, na nagpadala ng sarili nitong SAR team sa lugar. Ayon sa mga awtoridad, walo na ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng Binaliw Sanitary Landfill, habang 28 katao pa ang nawawala. Mayroon namang 18 sugatan na kasalukuyang ginagamot sa dalawang ospital sa Cebu City. Kinumpirma ni…

Read More

HIGIT 4,000 NA INDIBIDWAL APEKTADO SA AKTIBIDAD NG MAYON

UMABOT na sa mahigit 4,000 indibidwal ang apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 1,131 pamilya o 4,141 indibidwal ang apektado ng sitwasyon. Sa bilang na ito, 1,116 pamilya o 4,092 katao ang nananatili sa 14 evacuation centers. Aabot na sa P8.64 milyong halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa 1,127 pamilyang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan. Kabilang sa mga lugar na may pinakamaraming apektadong residente ang Tabaco City, Malilipot,…

Read More