DPA ni BERNARD TAGUINOD MISTULANG nagkakatotoo ang kasabihan na ang “hustisya ay para lang sa mayayaman” sa kaso ng malawakang pandarambong sa flood control projects kung saan mapepera at makapangyarihan ang hinahabol. ‘Yung ordinaryong mga tao na nagnakaw para may makain ay agad na hinahanap ng mga awtoridad, kinakasuhan at ikinukulong lalo na kapag ang mga biktima nila ay maimpluwensya at may pera. Kung hindi man ay ipinababarangay ng pinagnakawan kung wala silang planong kasuhan ang mga nagnakaw sa kanila para hindi na umulit at mairekord sa barangay ang ginawang…
Read MoreDay: January 14, 2026
CABRAL ITINURONG MASTERMIND, BBM LIGTAS NA BA SA FLOOD CONTROL SCAM?
PUNA JOEL O. AMONGO ILANG araw lang matapos matagpuan ang bangkay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina “Cathy” Cabral sa malalim na bangin sa Tuba, Benguet ay nagsagawa ng press conference si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Camp Crame, Quezon City. Sa presscon na ito, kinumpirma ng kalihim ng DILG na si Cabral nga ang nakita sa nasabing bangin at sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad ay lumalabas na walang foul play na naganap sa pagpanaw ng…
Read MoreNANG TAWAGING “HACK” ANG KARANIWANG BIYAHE
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI ito tungkol sa paghusga sa isang taong sumakay ng tren. Hindi rin ito tungkol sa pagpo-post ng video sa MRT. Ang naging problema ay kung paano ikinuwento ang isang karanasang pangkaraniwan na parang bihira at espesyal. Si JV Wanderer, isang travel content creator mula sa Caloocan, ay nag-post kamakailan sa TikTok kung saan makikitang halos walang tao sa MRT na sinasakyan niya. Sa caption, tinawag niya itong “the most underrated hack to beat Manila’s traffic.” Hindi nagtagal, umulan ng puna. May nagsabing insensitive.…
Read MoreEXTRADITION TREATY MAGPAPATAGAL SA PAGPAPAUWI KAY ZALDY CO – SOLON
LALONG matatagalan ang pagpapauwi sa bansa kay dating Ako Bicol party-list rep. Zaldy Co kung idadaan sa extradition treaty ang kanyang pag-aresto, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima. Ito ay sa gitna ng magkakasalungat na pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng plano ng gobyerno sa pagpapabalik kay Co, na isinasangkot sa malawakang katiwalian sa flood control projects at may umiiral nang arrest warrant. “Negotiating an extradition treaty with Portugal just to arrest Zaldy Co takes so much effort and too much…
Read MoreAnim na lalawigan signal no. 1 BICOL, VISAYAS AT LUZON INAASAHANG DARAANAN NG BAGYONG ADA
RAMDAM na ang epekto ng kauna-unahang bagyo ngayong taon matapos ideklarang Tropical Depression Ada ang namataang low pressure area sa silangan ng Davao City. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), anim na lalawigan na ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 matapos ganap na maging bagyo ang LPA at pangalanang Ada. Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang mga lalawigan ng Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur. Inaasahang lalakas pa si Ada at magiging tropical…
Read MoreRED TAGGING, ISINUSULONG NA GAWING KRIMEN
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ng panukala na naglalayong tuldukan ang pagsasagawa ng red-tagging na kadalasan anyang nagiging sanhi ng harassment, paglabag sa karapatang pantao at dahilan sa pagpaslang ng mga aktibista, mamamahayag, community leaders at ordinaryong mamamayan. Sa kanyang Senate Bill 1071, o ang “Anti-Red-Tagging Act,” nais ni Estrada na ideklara ang red-tagging na krimen na mayroong kaakibat na parusa. Nais ng panukala na kilalanin at ipaloob sa batas ang red-tagging upang mabigyan ng proteksyon ang mamamayan kontra sa hindi makatarungang pananakot, panggigipit, o pag-uusig. Ang red-tagging, ayon sa…
Read MoreCHINESE EMBASSY OFFICIALS MAG-TROLL FARM NA LANG – SOLON
MAS makabubuti umanong gawin na lang “Chinese troll farm” ang embahada ng China sa Pilipinas kaysa magpanggap bilang isang lehitimong diplomatic mission, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima. Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos akusahan ang Chinese Embassy na nagpapakalat ng kasinungalingan kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea (WPS), partikular sa mga pahayag ng Deputy Spokesman nitong si Guo Wei. “If the Chinese Embassy chooses to spread lies about China’s aggression in the WPS and target Philippine officials for doing their job in calling…
Read MoreP54-M SHABU NASABAT SA TARGET-LISTED AT 3 PA
ARESTADO ang isang target-listed personality at tatlo niyang kasabwat makaraang makumpiskahan ng tinatayang P54.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office at PDEA 7 Intelligence Section – Intelligence Operation Unit, kasama ang Naga City Police Station, PNP Drug Enforcement Group, Cebu Provincial Police Office, Naval Forces Central, at Coast Guard Central District Office, sa Sitio Suba, Barangay Tuyan, Naga City, Cebu, dakong alas-11:25 ng gabi noong Enero 13. Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang arestadong suspek…
Read More3 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE NALAMBAT
CAVITE – Nalambat ng mga operatiba ng Cavite Police ang tatlong nasa listahan ng most wanted persons (MWP), sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Bryan”, MWP, rank no. 9 provincial level ng Camarines Sur PPO, at rank no. 1 ng Tigaon MPs, CSPO, PRO 5; “Andre”, MWP, provincial level, at “Rocky” MWP, city level. Si Bryan ay inaresto bandang alas-8:30 ng umaga ng mga operatiba ng Gen. Trias City, Cavite Warrant and Subpoena Section, kasama ang Tigaon MPS, dahil sa…
Read More