ARESTADO ang isang target-listed personality at tatlo niyang kasabwat makaraang makumpiskahan ng tinatayang P54.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office at PDEA 7 Intelligence Section – Intelligence Operation Unit, kasama ang Naga City Police Station, PNP Drug Enforcement Group, Cebu Provincial Police Office, Naval Forces Central, at Coast Guard Central District Office, sa Sitio Suba, Barangay Tuyan, Naga City, Cebu, dakong alas-11:25 ng gabi noong Enero 13.
Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang arestadong suspek na target ng operasyon at target-listed drug personality na si alyas “Clifford”, 47, driver, at residente ng South Poblacion, Naga City, Cebu.
Kasama ring nadakip ang umano’y tatlong kasabwat nito na sina alyas
“Maricel”, 39, jobless, mula sa Barangay Tuyan, Naga City, Cebu; “Joseph”, 52, driver, mula sa Barangay Looc, Mandaue City; at “Barbara”, 29, online seller, mula sa Barangay Umapad, Mandaue City.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang walong packs ng shabu na tinatayang 8,000 gramo at P54,400,000 ang market value.
Kabilang din sa nasamsam ang buy-bust money, ilang ATM at identification cards, pitong cellular phones at isang unit ng four-wheel motor vehicle.
Ang pagtutulak ng ilegal na droga ay non bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo at multang P500,000 hanggang P10 million.
(DANNY QUERUBIN)
24
