SA pinalakas na national border security na inutos ni President Ferdinand R. Marcos Jr., umabot sa P61.707 bilyong halaga ng smuggled contraband ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang 2025 anti-smuggling campaign. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, nakapaglunsad ng 1,024 successful enforcement operations, at pagkumpiska sa iba’t ibang kontrabando na umabot sa P61.707 bilyon. Base sa preliminary data, pinakamalaking halaga ng illicit goods na nasamsam ng BOC nitong nakalipas na 2025, ang P28.47 bilyong halaga ng general commodities, P17.72 bilyong halaga ng counterfeit goods, P5.63 bilyong halaga…
Read MoreDay: January 14, 2026
FAIR PROBE SA SEXUAL ASSAULT CASE NG PULIS TINIYAK NG PNP
TINIYAK ng Philippine National Police ang patas na imbestigasyon sa kasong sexual assault na kinasasangkutan ng isang pulis. Ito ang inihayag ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kaugnay sa nangyaring insidente noong Disyembre ng nakaraang taon na inimbitahan umano ng pulis ang isang babae. Ayon kay Nartatez, buo ang kooperasyon ng pulisya sa National Police Commission para sa administratibong imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente. Batay sa salaysay ng biktima, nawalan umano siya ng malay at kanyang natuklasan na pinagsamantalahan siya ng suspek. Ang mga hinaing ng…
Read More1 KILO NG MORPHINE NASABAT NG PDEA AT BOC SA CLARK AIRPORT
NASA isang kilo ng morpina, isang high potent painkiller na ginagamit na rin sa giyera para sa mga sugatang sundalo, ang nasabat ng mga kasapi ng anti-illegal drug interdiction task group, sa pangunguna ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Port of Clark noong Martes. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan nina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno at maging kay PDEA Director General USEC Isagani Nerez, halos isang kilo ng morphine, hemp gummies at capsules ang nasabat ng Interdiction Task Group. Tinatayang nasa 994 grams ng hinihinalang…
Read MoreDOJ TINABLA KAMPO NI SEN. BATO SA ICC WARRANT
TINANGGIHAN ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na magbigay ng impormasyon kaugnay ng sinasabing warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya. Sa isang online post, isinapubliko ng abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon ang liham ng DOJ, na aniya’y inilabas upang malaman ng publiko ang opisyal na posisyon ng ahensya hinggil sa isyu. Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, hindi maaaring magbigay ang DOJ ng anomang payo, gabay, o impormasyon…
Read MoreREGULAR NA BAWAL BASTOS SEMINAR SA PUV DRIVERS GIIT NG KONGRESISTA
IGINIIT ng kinatawan ng kababaihan sa Kamara na gawing regular ang seminar at training sa mga public transport driver upang matigil na ang sexual harassment na nararanasan ng mga babaeng pasahero. Inirekomenda ito ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago matapos mabahala sa sexual harassment na naranasan ng isang pasahero sa driver ng ride-hailing company na Green and Smart Mobility Philippines, Inc. “Lubhang nakakabahala ang insidenteng ito. Walang pasaherong dapat makaranas ng pananakot o pangha-harass. Dapat tiyakin na masinsinan at malinaw ang imbestigasyon at may mananagot,” ani Elago. Sinabi ng mambabatas…
Read MoreIpinaaaresto na ng korte TRACKER TEAM VS ATONG ANG, 17 PA IKINASA NG PNP
HANDA na ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna laban kay Ang at iba pa kaugnay ng kasong kidnapping with homicide, isang non-bailable offense, na may kaugnayan sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero. Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Nartatez na nakikipag-ugnayan na ang PNP sa RTC Sta.…
Read MoreKAMPO NI ATONG ANG SA INILABAS NA WARRANT: PREMATURE, LEGALLY QUESTIONABLE
TINAWAG na “premature” at “legally questionable ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang inilabas na warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) ng Sta. Cruz, Laguna kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, lead counsel ni Ang, bigong masunod ng hukuman ang mga konstitusyonal na rekisitos sa pag-isyu ng arrest warrant laban sa kanyang kliyente. “Malinaw na umasa lamang ang hukuman sa hindi kumpletong impormasyong isinumite ng Department of Justice (DOJ) sa pagtukoy ng probable cause, nang hindi isinasaalang-alang ang mga counter-affidavit…
Read More