BINEBERIPIKA na ng Malacañang ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na umano’y niloko ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa makapaglalabas ng detalye ang Palasyo hangga’t hindi pa lubusang napatutunayan ang mga pahayag ng senador. “Sa ngayon po bine-verify pa rin po ang nasabi po ni Senator Lacson kaya hindi pa po tayo makakapagbigay ng detalye…
Read MoreDay: January 16, 2026
In-add to cart lang yarn? SAPATOS NG KONTROBERSYAL NA RET GENERAL ‘CLASS A HINDI ORIG’
TILA na-wow mali si National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Rafael Vicente Calinisan sa isinampa nitong reklamo laban kay retired PNP Health Service Chief Brig. Gen. Jezebel Imelda Medina kaugnay ng umano’y pagsusuot nito ng mamahaling sapatos. Matatandaang kinasuhan ni Calinisan si Medina ng less grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer dahil umano sa pagsusuot ng sapatos na nagkakahalaga ng P70,599.00. Gayunman, kumakalat ngayon sa Camp Crame ang mga dokumento at resibo na nagpapakitang hindi umabot sa naturang halaga ang presyo ng nasabing sapatos. Batay…
Read MorePAGLILINIS SA KAMARA HIRIT NG SOLON PARA MAGKAROON NG MORAL AUTHORITY SA IMPEACHMENT
UPANG magkaroon ng moral authority ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa dalawang impeachment case na umano’y nakatakdang ihain laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, nanawagan si Navotas Rep. Toby Tiangco na linisin muna ng mga kongresista ang kanilang hanay. Ito ay matapos punahin ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang pahayag ni Tiangco na dapat unahin munang panagutin si dating congressman Zaldy Co at ang mga kasabwat nito sa umano’y anomalya sa flood control projects bago harapin ang ikalawang impeachment complaint laban kay…
Read MoreBOC NAGBABALA SA PUBLIKO SA FABRICATED AT AI SOCIAL MEDIA POSTS
NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko hinggil sa fabricated stories at misleading social media posts na gumagamit ng artificial intelligence o AI-generated content at hindi awtorisadong larawan ng mga BOC personnel para lumikha ng hindi totoo at nakasisirang narratives. Ayon sa BOC, ang mga mapanlinlang na materyales ay idinisenyo para iligaw ang taong bayan, gayahin o magpanggap na mga opisyal, at wasakin ang tiwala sa kawanihan. Mariing itinanggi ng BOC ang kumakalat na Facebook post ng “SAY – Story Around You,” hinggil sa umano’y customs officer na nagtangkang…
Read MorePLUNDER VS ZALDY CO, BONG REVILLA, JINGGOY – DOJ
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang tatlong kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sangkot sa mga kaso sina dating Congressman Zaldy Co, dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., at Senador Jinggoy Estrada. Sinabi ng DOJ na nagsimula na ang preliminary investigation noong Enero 5, kabilang ang mga reklamo sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Public Officials. Nilinaw ng DOJ na ang mga plunder case…
Read MoreLALAKING MAY WARRANT NAHARANG SA NAIA
NAHARANG sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaking pasahero na patungo sanang Hongkong matapos matuklasang may nakabimbin siyang warrant of arrest na halos 12 taon na. Inaresto ang suspek nitong Martes ng hapon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) matapos beripikahin ng Bureau of Immigration (BI) na may warrant siyang inilabas ng Quezon City RTC Branch 125 noong Setyembre 26, 2014 sa kasong Malversation of Public Property. May nakalaang P40,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station-3.…
Read MoreP81.6M SHABU NASABAT SA HVI SA PASAY
NASABAT ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang humigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81.6 milyon mula sa isang high-value individual (HVI) sa isang intelligence-driven operation sa Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City nitong Martes ng gabi. Dakong alas-11:00 ng gabi ng Enero 13, 2026, ikinasa ng mga tauhan ng Sub-Station 10 (MOA) ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa PDEG-SOU 3 sa pamamagitan ng confidential informant. Inaresto ang suspek na si alyas “Farhanie,” 26-anyos, matapos makumpiska mula sa kanya ang dalawang eco-bag na naglalaman…
Read MoreAIR QUALITY MONITORING SENSOR IPINAKALAT SA MAYNILA
BILANG bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lungsod ng Maynila na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mapanatiling malinis at ligtas na lugar, naglagay ito ng mga air quality monitoring sensor sa ilang bahagi ng lungsod. Pinangunahan ng Department of Environment and Public Services, katuwang ang City Electrician’s Office, ang pagkakabit ng apat na air quality monitoring sensor. Partikular itong ikinabit sa Anda Circle, sa tapat ng San Sebastian Residences, Sta. Ana Hospital, at malapit sa isang supermarket sa Tayuman. Magbibigay ng real-time data ang mga sensor upang masuri…
Read MoreGUMAMIT NGA BA NG DUMMY SI ROMUALDEZ SA PAGBILI NG PROPERTY SA MAKATI?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO LUMILITAW ngayon ang isang mahalagang usapin sa larangan ng pampublikong pananagutan: ang planong imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y paggamit ng front sa pagbili ng isang mamahaling house and lot sa isang gated community sa Makati City na iniuugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, ito ang saklaw ng balak na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan. May mga pahayag na nagsusulong ng tanong kung ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ay…
Read More